-Alexa POV-
"Mom, are you sure na alam niya na 8:00 am ang kasal? 8:25 na oh! Baka naman akala nun 8:00 pm. Alam niyo naman na conscious yun sa time. Kelangan pa sabihin kung am o pm."
Kinakabahan na ako. Kanina pa kaming lahat nandito. Dapat kanina pang 8:00 nagstart ang kasal pero hindi pa nagsisimula dahil hindi pa dumadating si Jarred.
Napabuntong-hininga ako.Pang-ilang beses ko na ba ginawa to simula ng magising ako?
"Lex, iha. Darating si Red. Di ka niya ipapahiya sa kasal niyo. Alam mo naman kung gaano ka niya kamahal diba? Mas pipiliin niyang siya ang mahirapan kasya ikaw."
Sana nga ma. Asan ka na ba kasi Jarred Villanueva? Kakalbuhin talaga kita pag hindi ka pa nagpunta rito! Baka naman tinakbuhan mo na ako sa kasal natin? Hindi yun pwedeng mangyari!! Guguho ang mundo ko kapag hindi tayo ikinasal! Nakakaninis ka naman eh. Ilang buwan na natin tong pinaghandaan tapos hindi mo lang ako sisiputin?
"Ay kabayo!" Nabigla ako ng may kumatok sa bintana ng sasakyan.
"Lex, iha, sorry kung ginulat kita." Si tita Mimi pala, mama ni Jarred.
"Ok lang po tita. Magugulatin lang po talaga siguro ako." Or nakafocus lang talaga ako sa ibang bagay kaya hindi po kita napansin.
"Sorry iha kung hindi pa dumarating si Jarred. Pero sigurado ako na pupunta siya ngayon. Nauna kasi kaming bumalik ng Pilipinas. Nagpa-iwan siya kasi may inaasikaso pa siya sa business namin. Nangako naman siya na susunod siya. Hintayin na muna natin siya, iha." Pakiusap ni Tita Mimi sa akin. Kahit naman po hindi niyo sabihin, hihintayin ko naman po talaga siya.
"Wag po kayong mag-alala tita. Hindi ko po tatakbuhan sa kasal namin si Red."
Todo ngiti pa ako nung sinabi ko yan kay tita. Pero napakabilis ng t***k ng puso ko. Jarred, asan ka na ba kasi? Panu nga kaya kung? Panu kung? Napabuntong –hininga nalang ako. Bakit ba may pumapasok na hindi maganda sa isip ko?
"Ay pating!" Lahat nalang ba sila gugulatin ako?
"Tardz, sinung pating?" Tanong niya sakin.
"Mongz, ikaw pala yan. Sorry. Di kasi kita napansin eh." Hinging-paumanhin ko. Hindi ko naman kasi siya napansin. Kami lang ni mama yung magkausap kanina.
"Halata nga. Ang lalim ng iniisip mo eh." Pumasok siya sa bridal car at tumabi sakin. Siya nga pala si Michaela Lopez, ang aking bestfriend at aking maid-of-honor. "Wag mo na masyado isipin si Red, darating yun."
"Alam ko naman yun Mongz. Pero di ko pa rin maiwasan ang kabahan. 30 minutes na kaya siyang late. Tapos nitong mga nakaraang araw di siya nagpapakita samin." Totoo yun. Sino bang matinong groom ang magiging late sa kasal niya. Tapos, 30 minutes late pa? Baka wala talaga siyang balak pumunta dito.
"Wedding mo tapos nakasimangot ka dyan! Magiging pangit ka niyan. Sige ka. Ako na ang papakasalan ni papa Red. Aray."
Hinampas ko siya. "Sira! Sa tingin mo naman papakasalan ka nun? Ako kaya mahal niya. Sa tingin ko." Di niya narinig yung huli kong sinabi. I am starting to have doubts about his feelings for me.
"Aakitin ko siya para mahalin niya ako." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Lex, iha maghanda ka na. Andyan na si Red sa loob." Biglang sabi ni mama. Biglang nagsiliparan ang mga paru-paro sa dibdib ko. Pati rin ang ngiti ko , abot tenga na. Finally andito na siya.
"Talaga po tita? Sure na andyan na talaga siya? Aray!" Binatukan kasi ako ng SWEET kong bestfriend.
"Ayaw mo talaga ikasal kay papa Red noh? Ako na nga lang ang magreready para sa kasal nami—Aray! Nakakadalawa ka na ah!" Binatukan ko din siya. Lintik lang ang walang ganti. Sinisigurado ko lang naman. Baka false alarm lang pala.
"Labas ka na nga. Magreready na ako!" Sobrang lapad ng ngiti ko. Finally. Ito na talaga.
"Che! s*****a! Di na kita bestfriend." Pagtatampo niyang sabi. Natawa nalang ako.
I sighed deeply then smiled.
"Iha, ready ka na?" Si daddy pala.
"Opo dad. I'm ready." Super ready dad.
Lumabas na ako sa sasakyan. Nakasarado pa yung pintuan ng simbahan pagkababa ko ng sasakyan. Lumapit si mommy samin ni daddy at niyakap ako. Naiiyak ako pero pinipigilan ko. Kawawa naman si ate Jem, masasayang ang effort niya. I hug her back.
"Si mommy naman napaka emotional. Ikakasal lang po ako di pa ako mamamatay." Naramdaman ko kasi na nababasa yung balikat ko. Tube kasi yung wedding gown ko .
"Masaya lang ako para sa baby ko." I know mom.
"Thank you mom." Niyakap ko ulit siya.
Ilang sandali lang bumukas na ang pintuan ng simbahan. Ito na ang hudyat na papasok na kami. Nagsimula na kaming magmartsa papuntang harapan. Dahan dahan lang. I-feel ko lang yung moment. Nagsimula na ang wedding march namin. This I Promise You. Ito yung kinanta niya nung debut ko.
“ ♪ Oh, oh
When the visions around you
Bring tears to your eyes
And all that surrounds you
Are secrets and lies
I'll be your strength
I'll give you hope
Keeping your faith when it's gone
The one you should call
Was standing there all along ♪ "
Hindi gaanong marami ang umattend. Close relatives lang ng dalawang families. Pero di ko sila iniintindi. Nakatuon ang pansin ko sa lalaking nakatuxedo na nasa harap ng altar at hinihintay ako. Ang gwapo talaga niya. Kahit anung anggulo.
Yung kaba ko kanina, naglaho nalang na parang bula.
" ♪ And I will take you in my arms
And hold you right where you belong
Til' the day my life is through
This I promise you
This I promise you ♪ "
Akala ko talaga hindi na siya sisipot sa kasal namin. Akala ko iiwan na niya talaga ako. Pero mali pala ako ng iniisip. Dahil andito siya ngayon. Para sa seremonyas na mag-iisa sa amin sa habambuhay.
"♪ I've loved you forever
In lifetimes before
And I promise you never
Will you hurt anymore
I give you my word
I give you my heart
This is a battle we've won
And with this vow
Forever has now begun ♪
Andito na ako sa tabi niya. Parang tumangkad siya? Hmmn. Anu ba tong iniisip ko.
Hinawakan niya yung kamay ko. Bakit parang may kuryente? Anu yun? Tapos yung tiyan ko parang ewan lang. Nagugutom ba ako? Natatae? Please tummy don’t ruin my big day.
" ♪ Just close your eyes each loving day
And know this feeling won't go away
Til' the day my life is through
This I promise you
This I promise you ♪ "
"Jarred, son, ikaw na ang bahala sa anak ko. Alagaan mo siya ng maayos.” Sabi ni dad sa kanya.
"Iho, wag mong pababayaan ang baby ko." Si mom naman.
"Opo mom, dad. Ako na po ang bahala kay Marie. Aalagaan ko po siya ng higit pa sa sarili ko. Mamahalin ng higit pa sa buhay ko. At gagawin ko po ang lahat ng bagay na makakapagpasaya sa kanya." Tugon naman ng mapapangasawa ko.
Marie? Ngayon niya lang ako tinawag na Marie. Baka gusto lang siguro niya maiba. Tsaka, yung boses niya, parang may iba? Mas lalong naging masculine. Ay ewan! Guni-guni ko lang siguro to.
"Shall we?" Tanong niya habang nakaalalay sa braso ko.
Tumango lang ako. Sobrang saya ko pa rin kasi eh.
Pumunta na kami sa altar.
" ♪ Over and over I thought
When I hear you call
Without you in my life, baby
I just wouldn't be living at all
And I will take you in my arms
And hold you right where you belong
Til' the day my life is through
This I promise you, babe ♪
♪Just close your eyes each loving day
And know this feeling won't go away
Every word I say is true
This I promise you ♪ "
" ♪ Every word I say is true
This I promise you
Ooh, I promise you♪ "
Ang saya-saya ko ngayong araw na ito. Di pa rin talaga ako makapaniwala na nangyayari to. Pakisampal nga po ako baka sakaling panaginip lang to.
Pero alam ko naman totoo to. At sana di na matapos ang kaligayahan na ito.
We started as strangers, me being her stalker, then we became friends, then he courted me, naging kami and then he proposed to me. At ngayon malapit na akong maging Mrs. Alexa Marie Villanueva.
"Marie, wear this ring as a sign of my love and faithfulness to you. I will be a husband, a bestfriend, and a friend to you. I will cherish our union and will love you more each and every day of our lives. I will trust and respect you. I will be your clown to make you laugh. I can lean my shoulder for you to cry on. I will always be with you through good and bad times. I give you my love, my soul, my heart from this day on until forever. I love you Marie."
Hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko. Totoo nga talaga ito. Ikinakasal na kami ni Red. Anu nga kaya ang nagawa kong mabuti para ibigay sakin ng Panginoon ang taong ito.
"Jarred, wear this ring as a sign of my love and faithfulness to you. I will be a wife, a bestfriend, and a friend to you. I will cherish our union and will love you more each and every day of our lives. I will trust and respect you. I will be your clown to make you laugh. I can lean my shoulder for you to cry on. I will always be with you through good and bad times. I give you my love, my soul, my heart from this day on until forever. I love you Red."
Akin ka na talaga ngayon Jarred Villanueva. Mister na kita at misis mo na ako.
"You may now kiss the bride." Sabi ni Father.
Hinawakan ni Red ang belo ko at itinaas. Tapos unti-unting lumapit ang mukha niya sakin. Pumikit ako at naramdaman ko na magkadikit na ang labi namin ni Red. Mga ilang segundo din yun bago siya humiwalay.
"I now pronounce you Mr. and Mrs. Jarred Villanueva."
Palakpakan ang mga tao. Ako naman todo ngiti lang. Tiningnan ko si Red. Nakangiti rin pero bakit parang ang cold ng mata niya? Guni-guni ko lng siguro to. Basta tapos na ang kasal naming dalawa. He's mine from this day forth til eternity.