The Sanctuary of the Pure Ones
“Papa ano pong gagawin natin dito?”
A shiver ran through me when I saw the ruined stone archway rising from the lush, overgrown forest. Ito ang kauna-unahang lugar na napuntahan namin malayo sa Maynila. Sabi ng mga magulang ko may pupuntahan lang daw kami na kamag-anak. But why do they have to carry all of my stuff?
“Do you think this would be the best choice for her?” Narinig kong tanong ni papa kay mama, tiningala ko siya.
“For Christ sake Herman! Hindi na bata ang anak mo, seven years old na siya at alam mo na pinangako natin noon na dadalhin natin siya dito.” Nagtaka ako kung bakit parang nagagalit si mama. Pinisil ko ang palad kong nakahawak sakanya.
“Ano ba!” Iritable na binawi niya ang kamay sakin, nag-init ang sulok ng mata ko at yumakap kay papa.
“It’s okay baby..”
“P-pa..” Sumigok pa ako habang papasok kami sa lugar na ‘yon. Lalo pa akong nakaramdam ng takot dahil ang lahat ng taong nasa paligid ko ay nakasuot ng kulay puti. Hindi ko makita ang mukha nila dahil sa mga belong suot nila. Isang babaeng matangkad ang sumalubong samin sa isang malaking pinto.
“Kayo ba ang mga Madrigal?” She welcomed us in a warm tone. Kumpara sa ibang nakita kong nakasuot ng puti, ang babaeng sumalubong samin ay kulay pula ang kasuotan. May dalawa ding babae sa likuran niya.
“State your purpose.” Sabi ng nakapulang babae, naguguluhan naman ako.
“Obedience and devotion.” Halos sabay pa na sabi ng mga magulang ko. Umatras naman ang nasa harap namin.
“Please wait here for us.” Sabi pa ng mga ito at tumalikod. Humigpit pa ang hawak ko kay papa na para bang ayokong bumitaw sakanya. Yumuko naman siya at pumantay sakin.
“What is it baby? Gutom kana ba?” Nakangiting sabi ni papa habang hinahaplos ang mukha ko. Nakalabing umiling ako.
“Ayoko dito, umuwi na tayo.”
Nakita kong tinitigan niya ako, may kung anong kislap sa mata ni papa habang nakatingin sakin.
“We can’t Iris, this is for your own good okay?” Malungkot ang ngiting sabi niya at tinaas pa ang dalawang daliri sa magkabilang sulok ng labi.
“Naalala mo pa ba ang tinuro ko sayo? Kahit nararamdaman mong malungkot kana kailangan ngumiti tayo kagaya nito.”
Ginaya ko ang ginawa niya at tuluyan akong nakaramdam ng saya kahit nakatingin lang ako sa mukha ni papa. He’s the best papa in the world for me.
“Ganyan diba.. ang ganda anak ko.” Nakangiti pading sabi niya, napahagikgik ako. May kinuha naman si papa mula sa likuran niya at inabot sakin.
“Your favorite flower..” It’s white Irish, nakalagay iyon sa maliit na jar.
“Anak kung ano man ang magawa namin patawad ha? Para sayo lahat ng iyon alam mo ‘yan. Sa tamang panahon maiintindihan mo kami.’’
“A-ano bang gagawin nyo papa? Hindi nyo naman ako iiwan ni mama hindi ba?”
Nakita kong natigilan si papa at tinangala si mama.
“Tama na yan, huwag mo ng masyadong kausapin ang bata at baka mahirapan pa tayo.”
Walang imik na tumayo si papa.
“I hope there’s another way, Anne. Kung ako lang hindi ko kayang gawin ‘to.”
“Bakit ano ba ang paraan na alam mo sige nga?”
Hindi umimik si papa.
“Madrigal..”
Napalingon kami sa nagsalita, nakita ko ang apat na batang lalaki sa harap namin. They are wearing high-collared, long white coats that flow to the floor. Walang emosyon ang mukha nila habang nakatingala kina mama.
“The pure one please.” Malamig ang tinig na sabi ng isang bata sa harap. Napatititg ako sakanya, kumpara sa iba ay naiiba ang kulay ng mga mata niya. Muling pumantay sakin si papa habang ang ibang bata ay kinuha naman ang mga gamit ko bagay na pinagtaka ko.
“Anak sumama ka sakanila, hihintayin ka namin dito.”
Doon ako muling natakot sa sinabi niya, mabilis akong umiling at umiyak.
“Papa ayoko!”
“Sige na may kailangan lang silang sabihin sayo okay. Promise hihintayin ka namin dito ni mama sa labas.”
“A-ayoko pa! Sumama ka—
“Iris!” Sigaw ni mama, napapitlag naman ako at umiiyak na yumakap sa tuhod ni papa.
“Susunod ka o makakatikim ka sakin?”
Nangibabaw ang takot ko kay mama, kumpara kay papa ay mas takot ako sakanya. Alam ko kung gaano kabigat ang kamay niya sa tuwing papaluin ako kapag nagkakamali ako.
“Sige na anak, mabilis lang iyon ha?” Sabi ni papa, sumisigok na bumitaw na ako sakanya. Humihikbing sumunod ako sa mga batang ‘yon, hindi ko mapigilang lumingon sa direksyon nila papa na magkayakap habang nakasunod ang tingin sakin. Hindi pa din ako tumitigil sa pag-iyak nang pumasok na kami sa malaking pinto na iyon.
“Remove your shoes.” Nang marinig ko ang boses na ‘yon ay siya namang nabangga ako sa katawan niya. Dahan-dahan akong tumingala sakanya.
“I said remove your shoes.” Malamig na titig niya, nakaramdam muli ako ng takot dahilan para hindi ako makagalaw. Gusto kong tumakbo uli pabalik kina mama.
“Pathetic..” Sabi ng lalaking iyon at yumuko sa harap ko. Sumisinghot na napahawak ako sa isang balikat niya nang hubarin niya ang sapatos ko. Doon ko napansin na naghubad din pala sila ng sapin sa paa.
“T-thank you..” Sumisigok na pinahid ko ang sipon ko habang nakatinga pa din sakanya. Hindi niya ako pinansin, dala ang sapatos ko na muli siyang tumalikod. Bumaling muli ako sa direksyon nila papa na unti-unting lumiliit sa paningin ko habang nagsasara ang pinto. Hindi ko alam....na iyon na pala ang huling sandal na makikita ko ang mga mukha nila...