Chapter 42 _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ "Mga bobo talaga kayo! Puro kayo paguwapo at palaki ng katawan at mga b*rat! Iyon ba ang tinatawag ninyong performance?" ngising sabi ni Alonzo. Kakatapos lang ni Alonzo na panuorin ang opening performance ng mga performer ng Helix Bar. Imbes na matuwa siya ay nainis lang siya sa kanyang napanuod. Masasabi ni Alonzo na masyadong amateur ang pinakitang performance ng mga ito. Higit sa lahat ay masyadong cheap ang ipinakitang performance ng mga ito. Para siyang nakarating sa mumurahing gay bar. Hindi na nagtaka si Alonzo ng mapansin niyang konti lang ang mga pumunta ngayong gabi. At napansin niyang wala na masyadong mga VIP guest ang nagpunta ngayong gabi. "Mawalang galang lang po pinaghirapan po namin ang ipinakita po n

