Chapter 4
Pawis na pawis na nagising si Elliot sa isang masamang panaginip. Napaginipan na naman niya ang pananakit ng kanyang ama na si Mando.
Napangisi na lang si Elliot ng maisip niyang baka habang buhay na niyang napapaginipan ang masamang karanasan niya sa kanyang ama. Hindi lang ang kanyang ama ang napapaginipan niya kundi pati ang mga tatlong kaibigan nitong sila Tito Chan, Tito Jun at Tito Alex.
Napailing na lang si Elliot at pinunasan na lang niya ang kanyang pawis sa kanyang mukha. Nakatingin siya sa kisame ng kanyang kuwarto kung saan kitang-kita niya ang nasisira niyang kisame.
Lagi nakakalimutan ni Elliot na ipaayos ang kanyang kisame dahil na rin abala siyang naghahanap ng trabaho. Sa edad niyang 21 years old ay marami na rin siyang napasukan na trabaho.
Naging janitor na si Elliot sa pinapasukan niyang University noon sa bayan ng Santo Niño kung saan siya lumaki. Pinagsabay niya ang magiging janitor niya sa pag-aaral niya para matustusan ang kanyang pag-aaral.
Ayaw ni Elliot na umasa sa kanyang ama na si Mando dahil wala naman siyang mapapala rito. Simula't- sapol ay nagtratrabaho siya para na rin may makain silang dalawa ng kanyang ama dahil na rin hindi sapat ang kinikita nito sa kanilang dalawa.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Elliot at napagpasyahan na niyang tumayo mula sa pagkakahiga niya sa kanyang kama.
Hindi na rin naman makakatulog ng maayos si Elliot dahil na rin sa ingay na naririnig niya sa labas ng kanyang kuwarto. Naririnig na kasi niya ang mga taong abala sa kanya-kanyang buhay.
Tulad na lang sa kapitbahay ni Elliot na si Aling Corazon na nagsisimula na ang bunganga nito sa kakasalita sa kakabawal sa mga tumatambay sa tindahan nito. Naririnig din niya ang mga iyak ng bagong gising na sanggol at mga batang nagsisimula na magtakbuhan sa eskinitang kinaroroonan ng kanyang maliit na bahay.
Sa isang taon ni Elliot na pagtira niya sa Urani Compound sa bayan ng Santiago ay nakasanayan na niya ang ingay sa labas ng bahay na tinutuluyan niya.
Kinuha ni Elliot ang kanyang lumang modelong cellphone na ibinigay ng kanyang kaklase noon na muntikan na niyang nakarelasyon. Hindi tulad ng ibang cellphone ngayon na touch screen ang cellphone niya ay keypad model.
Sapat na kay Elliot ang kanyang cellphone basta nakaka-text at nakakatanggap siya ng text. Nakakatawag din siya at nakakatanggap din siya ng tawag ay okay na sa kanya ang kanyang hawak na cellphone ngayon.
Para kay Elliot ay hindi lang basta cellphone ang kanyang hawak. Importante ang cellphone sa kanya dahil na rin may sentimental value ito.
Pagtingin ni Elliot sa hawak niyang cellphone ay nakita niyang 6am na pala. Kailangan na niyang kumilos para masimulan na niya ang paghahanap ng trabaho.
Hindi na kailangan lumabas pa ni Elliot sa kanyang kuwarto dahil ang kanyang kuwarto ay iyon na rin ang kanyang sala at kusina. Ang kanyang bahay at kuwarto ay binubuo na pinagtagpi-tagpi na yero at plywood. Meron din itong sariling palikuran kung saan hindi na niya kailangan pang lumabas para maligo o dumumi o umihi.
Kahit ganito ang bahay ni Elliot ay nagpapasalamat pa rin siya dahil meron siyang natutulugan at nasisilungan.
Napangiti si Elliot ng maalala niya kung paano niya nakuha ang bahay na ito. Ibinigay sa kanya ito ng kanyang natulungan na matandang lalaking si Lolo Emmanuel.
Naisipan ni Elliot na bumili ng pandesal sa tindahan ni Mang Diego sa labasan ng eskinitang tinitirahan niya. Sa paglabas niya sa maliit na bahay niya ay napangiti siya ng makita ang mga kapitbahay niyang bumati sa kanya ng magandang araw.
"Kamusta na ang tulog mo Elliot?" ngiting sabi ni Aling Corazon.
"Mabuti naman Aling Corazon, kayo po kamusta? Ang aga-aga yata ay mainit na naman yata ang ulo ninyo?" ngiting sabi ni Elliot.
Lagi binata si Elliot ni Aling Corazon at lagi rin niya ito kinakamusta. Gusto sana niyang sabihin dito na nagigising lang siya tuwing bumubunganga ito sa mga anak nito at mga nakatambay sa tindahan nito.
"Naku! Alam mo naman na ayaw na ayaw kong may tumatambay sa tindahan ko! Doon sila tumambay sa tindahan ni Diego!" inis na sabi Aling Corazon.
"Naku Aling Corazon, wag kayong masyadong magpaka-stress baka tumanda kayo agad at 'di na kayo balikan ni Mang Diego," tuksong sabi ni Elliot.
Natawa na lang si Elliot ng sabihin sa kanya ni Aling Corazon na tumahimik na lang siya sa mga panunukso niya.
Sa unang buwan ni Elliot sa pagtira sa Urani Compound ay nalaman niya agad na mag-asawa pala sila Alinh Corazon at Mang Diego. Ngunit sa kasamaang palad ay hiwalay ang mga ito dahil na rin sa pera.
Nagpaalam na muna si Elliot kay Aling Corazon para lumabas sa eskinita upang bumili ng pandesal sa tindahan ni Mang Diego.
Sa paglalakad ni Elliot ay hindi niya maiwasan na may tumatawag sa kanyang pangalan. Isang tipid na ngiti na lang ang kanyang ibinibigay sa mga ito.
Hindi pa rin komportable at kailanman ay hindi magiging komportable si Elliot na pinapansin siya lagi ng mga taong nakakakita sa kanya.
"Si Elliot, nagising na! Baka gusto mo muna umupo rito para makipagkuwentuhan?" ngising sabi ni Havier.
Kanina pa hinihintay ni Havier Aguinaldo si Elliot na dumaan sa harapan ng bahay nila para masilayan ang kaguwapohan nito. Alam naman niya sa kanyang sarili na lalaki siya pero naakit siya kay Elliot dahil na rin sa kakaibang kaguwapohan nito na puwede rin maging kagandahan ng isang babae.
Pinagmasdan ni Havier ang maamong mukha ni Elliot hanggang bumaba ang tingin niya sa mapula-pulang labi nito. Hindi lang maamong mukha ang nakakaakit kay Elliot kundi ang malaporselanang kutis nito.
"Wala akong panahon sa mga kalokohan mo Havier," ngising sabi ni Elliot.
Sa isang taon na nakatira si Elliot sa Urani Compound ay nakilala na niya ang ugali nito. Alam niyang pagtri-tripan lang siya nito at alam din niya na kakaiba ang tingin nito sa kanya. Tulad na lang mga ibang taong nakakakita sa kanya na malagkit ang tingin.
"Elliot, lagi mo na lang ako tinatanggihan sa mga alok ko. Tsaka hinintay talaga kita dumaan para makikisabay ako sa'yo papunta sa labasan. Bibili rin kasi ako ng pandesal. Nakakahiya naman kung magpapabili ako sa'yo ng pandesal," ngising sabi ni Havier.
Mabilis na nilapitan ni Havier si Elliot at inilagay niya ang kanyang kamay sa balikat nito. Inaya na niya itong pumunta sa tindahan ni Mang Diego para bumili ng pandesal.
Napalunok na lang si Havier ng maamoy niya ang natural na mabangong amoy ni Elliot. Ito ang unang pagkakataon na nahawakan niya ang mala-anghel na lalaking Elliot.
Kahit na nakapatong lang ang kamay ni Havier sa balikat ni Elliot at ramdam niya sa kanyang palad ang kinis at lambot ng balat nito.
Agad na dumaloy sa kanyang buong katawan ang kakaibang init na nararamdaman ngayon ni Havier dahil na rin sa paghawal niya sa balikat ni Elliot. Agad niya itong inalis at inaya na niya itong maglakad papunta sa labasan sa eskinita papunta sa tindahan ni Mang Diego.
Sobrang bilis ng t***k ng puso ni Havier ngayon habang naglalakad siya kasama ni Elliot. Pasimple niyang tinignan ito at napangisi na lang siya dahil nakasuot lang ito ng maikling short at isang puting muscle shirt.
Kitang-kita tuloy ni Havier ang pinkish na u***g ni Elliot na kaysarap sipsipin. Napailing na lang siya sa kanyang iniisip ngayon dahil kung ano-ano kalib*gan ang naiisip niya tungkol Elliot.
Napahawak tuloy si Havier sa kanyang harapan kung saan damang-dama niya sa kanyang kamay ang matigas na b*rat niya sa loob ng suot niya.
"Havier, para kang tanga dyan?" kunot noo sabi ni Elliot.
Kanina pa napapansin ni Elliot na parang tangang ngumingisi at bigla na lang napapailing si Havier habang naglalakad sila papunta sa tindahan ni Mang Eduardo.
Ngayon ay nakita ni Elliot na nakahawak sa harapan si Havier na para bang may tinatago ito? Hindi na lang niya ito pinansin nauna na siyang maglakad dito dahil nasasayang lang ang kanyang oras kay Havier.
Hindi pinansin ni Elliot ang pagtawag sa kanya ni Havier hanggang makarating na siya sa tindahan ni Mang Diego. Agad siyang bumili ng pandesal sa halagang bente pesos.
Sa sampong pirasong pandesal na binili ni Elliot ay mabubusog na siya at sasamahan pa niya ng 3 in 1 na kape.
Agad na rin bumalik si Elliot sa bahay niya upang makakain na siya ng almusal. Hindi na niya hinintay pa si Havier kahit na nagpapahintay ito sa kanya.
Sa pagdating ni Elliot sa bahay niya ay agad siyang nagpainit ng tubig sa electric kettle. Habang hinihintay niyang kumulo ang tubig ay kinuha niya ang kanyang cellphone sa ibabaw ng kama niya. Nakita niyang meron siyang natanggap na isang text.
Sa pagbukas ni Elliot sa text message ay napangisi na lang siyang mabasa ang text. Meron na naman siyang isang job interview na pupuntahan sa isa niyang pinasahan na resume sa isang kumpanya.
Hindi alam ni Elliot kung matutuwa ba siya o hindi dahil ilang beses na ba siyang nakakatanggap ng ganun text message? Ilang beses na siyang tinawagan for initial interview?
Lahat ng job interview na pinuntahan ni Elliot ay lagi sinasabi ng mga ito na maghintay na lang siya ng tawag for second and final interview.
Sa tinapos ni Elliot na apat na taong kursong business management ay gusto niyang makapagtrabaho sa isang magandang kumpanya. Ngunit ilang beses na siyang nagpasa sa mga kilalang kumpanya sa bayan ng Santiago ni isa ay hindi siya tinanggap.
Napapatanong na lang si Elliot sa kanyang sarili kung bakit hindi siya tinatanggap sa mga kumpanyang pinapasukan niya. Isa sa mga naiisip niya ay wala pa siyang work exprience na hinahanap ng mga HR.
Sinabi nga ni Elliot sa kanyang sarili na paano siya makakaroon ng work exprience sa isang kumpanya kung fresh graduate siya? Meron siyang work exprience na nakasulat sa resume niya bilang isang janitor.
Hindi kinahihiya ni Elliot ang pagiging janitor niya noong nag-aaral siya. Wala naman masama sa pagiging janito niya noon.
Pagkatapos ni Elliot na mag-almusal ay pumasok na siya sa banyo kung saan kasya lang ang isang tao. Sinimulan na niyang hubarin ang kanyang suot at nagsimula na siyang maligo.
Sinabunan mabuti ni Elliot ang buong katawan niya para maging mabango siya. Alam naman kasi niya na maglalakad na naman siya sa katirikan ng araw sa paghahanap ng trabaho.
Pagkatapos ni Elliot na maligo ay hindi na siya nag-abala pang magbalabal ng towel dahil siya lang naman mag-isa sa bahay.
Habang pinupunasan ni Elliot ang kanyang basang buhok ay lumapit na siya sa kanyang lumang cabinet kung saan nakalagay ang mga konting damit niya.
Kinuha ni Elliot ang isang puting plain polo tshirt at isang maong na kupas. Ito lang kasi ang maayos niyang damit na puwede niyang panlakad. Hindi pa kasi siya nakakabili ng bagong damit dahil na rin wala siyang perang pambili.
Kakatapos lang ni Elliot sa kontra niya bilang isang service crew sa isang fast food chain sa bayan ng Santiago. Buti pa nga mga fast food chain at mag-resto bar na inaapplyan niya ay natatanggap siya. Ngunit sa mga gusto niyang kumpanya pasukan ay hindi siya tinatanggap.
Tinignan ni Elliot sa kanyang sarili sa isang bilog na salamin ang kanyang mukha. Napangisi na lang siya dahil ang maamong mukhang nakikita niya sa salamin ay ang mukhang napapansin ng mga taong nakakakita sa kanya.
Simula bata pa lang si Elliot ay lagi siyang sinasabihan ng mga taong nakakakita sa kanya na guwapo. Minsan naman ay sinasabi ng mga ito na napakaganda niyang batang lalaki.
Hindi na lang pinapansin ni Elliot ang mga sinasabi sa kanya ng mga tao dahil wala naman siyang mapapala kung papansinin niya ang mga ito.
Sa pagpunta ni Elliot sa Urani Compound ay maraming nagsasabi na magbenta na lang siya ng katawan tutal guwapo naman siya.
Natatawa na lang si Elliot sa sinasabi ng mga tao sa kanya. Napatingin na lang siya sa wall clock na nakasabit sa dingding ng bahay niya. 8am na kailangan na niyang umalis dahil mahuhuli na siya sa interview niya sa isang resto bar.
Plano ni Elliot pagkatapos niyang mainterview at titignan niya kung magkano ang sahod na matatanggap niya kung sakaling matanggap siya sa trabaho. Kapag malaki-laki ang sagod na matatanggap niya ay tatanggapin na niya ang trabaho.
Pero magpapasa pa rin si Elliot ng resume sa mga kumpanya sa bayan ng Santiago. Hindi siya magsasawang magpasa ng resume hangga't hindi siya tinatanggap sa mga kumpanyang pinapasahan niya.