Chapter 43 2.2 _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ Tinanong pa ni Albie ang kanyang asawa na si Jordan kung siya ang sasagot. Nangisi siya ng sabihin nito sa kanya na siya na lang ang sasagot. Muli niyang tinignan si Clinton at ikinuwento niya kung paano sila nagkakilala ni Jordan. Hindi makakalikutan ni Albie ang araw na iyon kung saan una niyang nakita si Jordan. First day ng college life niya kasama ang dalawa niyang kaibigan na sila Kyto at Gabby. Isa-isa silang nagpakilala na parang high school dahil iyon ang utos ng prof nila na si Mr. Gaspar. Sa pagtayo ni Jordan ay napangiti siya ng malaman ni Albie na scholar pala ito kaya pagkatapos ng klase nila kay Mr. Gaspar ay siya na mismo ang lumapit rito para magpakilala. "Doon na nagsimula ang magulong love story namin,"

