Chapter 21 "Elliot, pasuyo naman puwedeng pakibili ulit ako ng kape sa Rald's Box Café and Restaurant," ngiting sabi ni Miss Glenda. Kinuha ni Miss Glenda ang kanyang wallet sa kanyang bag at kumuha siya ng isang libong piso para ibigay kay Elliot. Nagpapasalamat talaga si Glenda na tinanggap niya si Elliot sa kumpanya. Sa final interview nito na siya ang nag-interview kay Elliot ay sobra siyang napatulala dahil sa maamong mukha nito. Agad na naisip ni Glenda na parang anghel na nahulog sa lupa si Elliot dahil na rin sa maamong mukha nito. Umaapaw ang karisma nito at masasabi niyang matalino ito. Nabasa rin ni Glenda ang resume ng guwapong binatang si Elliot at sobrang dami na pala nitong work exprience. At sinabi nga nito sa kanya na pangarap nitong makapagtrabaho sa isang kumpany

