Chapter 44 2.1 Hindi na bago kay Anthony na magingbl host ng mga mayayaman at maimpluwensyang tao sa loob at sa labas ng bayan ng Prado. Matagal-tagal na rin siyang nagtratrabaho rito sa Helix Bar. Malaki ang pasasalamat ni Anthony na hindi siya tinaggal ni Alonzo dahil na rin sa muntikan na niya itong sinapak at pinagbantaan pa niya ito noon. Ngayon ay si Anthony ang magiging host nila Mr. Lopez at kaibigan nitong si Mr. Ledesma. Pumunta na muna sila sa ground floor kung saan nandoon ang isang stage sa gitna kung saan mamaya-maya lang ay lalabas na ang mga performers ng Helix Bar. Sa harapan ng stage ay may mga pulang sofa kung saan doon umuupo ang mga guest ng Helix Bar. Ipinaliwanag din ni Anthony kina Mr. Lopez na bawat guest ay may makakasama ang mga ito na isang host na tulad

