Elliot 10 "Tangin* pare! Anong nangyayari sa'yo? Sobrang init ng ulo mo? Hmm… Ilang araw na iyan ah?" kumot noo tanong ni Wilson. Nandito si Wilson sa opisina ng kanyang kaibigan na si Armie. Nagulat na lang siya kanina dahil pinagsisigawan nito ang mga board member ng kumpanya. Naawa nga si Wilson kay Apple dahil ito talaga ang napahiya kanina sa meeting dahil mali-mali ang mga nakalagay sa report ni Armie. Alam naman niya na pinagkakatiwala ng kanyang kaibigan ang mga monthly report sa mga nagiging secretary niya. Alam naman din niya na lagi nitong tinitignan ang report na ginagawa ng secretary nito bago ito sumalang sa monthly meeting ng kumpanya. Nagtaka si Wilson kung bakit 'di alam ni Armie na mali-mali ang inilagay ni Apple sa report nito? Hindi yata nito tinignan bago ito ma

