My Saturday was fun. With the spa and shopping that we do, my stress really disappeared in my body. Naputol lang ang saya nung makita ko si Ivan kasama ang ibang babae.
It is fine with me if he won’t tell me about his women. What I didn’t like is that, why do he need to lie about seeing a woman? He didn’t promise me anything about being with other woman, its just that I assume that since he’s talking to me and we are sweet to each other, he would stop seeing and flirting with other women.
I don’t know if I am jealous or what. Seeing him with other girls, wala lang medyo nasaktan lang. nag expect kasi ako na magbabago ang ugali niya. Reality hurts…hindi na talaga siya magbabago.
Kinagabihan non tumawag sa akin si Ivan. Gusto ko sana siyang tanungin kung sino ang kasama niya pero baka kung anong isipin niya kaya hindi ko na tinuloy.
I still reply to his messages and answer his call. I don’t want to stop talking to me. So I am doing my best to act natural against everything. Hindi ko rin kasi alam kung anong gagawin ko kung hindi na ulit kami mag-usap. I am already used talking to him.
Monday na ngayon, and as usual may pasok kami. Dahil sinakto ng school na patapusin ang exam bago mag school festival ay mas naging busy kami sa pagpaplano ng pag-gawa ng booth namin.
So mag-aambagan tayong lahat para sa mga gagamitin nating props. Bukod sa props ay bibili din tayo ng mga pagkain since hindi lang horror booth ang gagawin natin. Magtatayo din kasi tayo ng food stalls para mas Malaki ang kikitain natin kung magkataon. Ani Tonie na president ng room namin.
Lahat naman ay sumangayon sa halaga ng paghahatian namin. Ang mga lalaki ang bahalang gumawa ng mga mabibigat na Gawain habang ang mga babae naman ay sa pagdedecorate at pamimili ng mga kailangan.
Mga teh mauuna na muna ako sainyo ha. May practice kasi kami para sa pageant. Paalam ni Jai.
Sige Jai, kita na lang tayo sa canteen mamaya para sa lunch.
Umalis na si Jai at tatlo na lamang kaming natira nila Jess at Pyok.
Medyo boring ang araw na ito dahil madalas na walang pumapasok na teacher dahil nga nilaan nila ang ilang araw para sa preperation.
I busy myself cutting the cartolina when Antony sit beside me. I glanced at him before I continued cutting.
Bakit? Tanong ko sakanya
Wala. Sabi niya bago iniwas ang nakabusangot na muka.
Ano ba ang problema ng isang to at grabe naman ang tahimik niya?
Muka siyang bothered sa kung ano man. Sinabi na ba ni Trixie sakanya? Last time na nag message ako kay Trixie ay sinabi niya na hindi niya pa rin masabi Kay Antony.
Sabihin mo na, ano ba yon? Pagtatanong ko pa ulit sakanya.
Tsk. Aminin mo nga sa akin Krisha….
I looked af him. Anong aaminin ko?
May tinatago ba kayong sikreto sa akin ni Trixie?
What? Nahahalata na ba niya? I should tell Trixie about this. Kung papatagalin niya pa ito baka mas lalo lang masaktan si Antony kapag nalaman niya.
Muka bang ganoon kami kaclose ni Trixie para maglihim kami sayo? Bored kong sabi sakanya. I should act according to what Trixie wanted me to do. Kung pumalpak ako baka malagot ako hindi lang kay Antony kundi pati na rin kay Trixie.
Isang malakas na buntong hinga ang pinakawalan ni Antony bago tumingin sa akin.
There is something wrong with her. Madalas ko siyang pinupuntahan sakanila tapos pag-akyat ko sa kwarto niya, naririnig kong umiiyak siya…I asked her what is it but she refused to answer me. Can you talk to her, for me? I am worried about her whereabouts. he worriedly said to me.
Sorry Antony, kung pupwede na ako na mismo ang magsabi sayo ng lahat baka matagal ko ng ginawa. Kaya lang, for Trixie’s sake, mas mabuting siya na mismo ang magsabi sayo.
Sure, no problem. I’ll talk to her. Nakangiti kong sabi kay Antony.
Ngumiti naman si Antony at nagpasalamat sa akin. Mahal na mahal niya talaga si Trixie. Ewan ko ba kung bakit sinasabi niya dati na gusto niya ako tapos may mahal naman pala siyang iba.
A loud thud stopped everyone from what they’re doing. The loud sound came from Ivan who’s staring at me right now. Before I could stand, he walked out.
Looks like someone is jealous because of our closeness. Ani ni Antony.
Alam ni Antony kung anong meron sa amin ni Ivan. Simula kasi nung magkasama kami at niyaya akong makipag-usap ni Ivan ay kinulit niya na ako kung anong meron samin ni Ivan. And I told him what we really are.
Nung una ay pinagbabantaan niya ako dahil kilala niya daw si Ivan na babaero, na baka gawin lang daw ako nitong isa sa mga babae niya. Pero in the end wala din siyang nagawa dahil nagpaliwanag naman ako sakanya.
Susundan ko lang. paalam ko kay Antony.
Tumayo na ako at lumabas ng room. Habang naglalakad sa hallway ay may isang kamay na humila sa akin papasok sa isang room. Kahit madilim ay dinig ko ang pagsara ng pinto nito.
Gusto ko ng sumigaw ngunit hindi ko magawa dahil may malaking kamay na nakatakip sa bibig ko.
Hmmmm…hmmmmm…hmmmm
Bibitawan kita. Don’t shout or else they’ll think something is happening to us. Bulong ng lalaki sa tenga ko.
Pagbitaw ng lalaki ay agad ko itong hinarap at tinignan maige kung tama ba ang hinala ko kung sino ang humila sa akin.
IVAN? Abnormal ka ba ha? Bakit mo ba ako biglang hinila? paano kapag may nakakita sa akin na bigla mo na lang hinila? Paano kung naputol yung braso ko dahil sa lakas ng hila mo? Kita mo tong braso ko? Ang liit liit na nga nito hihilahin mo pa ng ga……hmmmm hmmm
Dahil sa ingay ko ay tinakpan ulit ni Ivan ang bibig ko.
Wait boss, wag kang maingay. Pag di ka tumahimik hahalikan kita? Banta niya …Tatanggalin ko na ang kamay ko. Seryoso ako, hahalikan talaga kita pagdumaldal ka pa ulit. He said again.
Ilang Segundo pa ang inantay ni Ivan bago niya tanggalin ang kamay niya sa bibig ko.
Huminga muna ako ng malalim bago masamang tumingin sakanya.
I warned you. Talak o halik?
Natahimik na ako at di nagsalita dahil sa banta niya sa akin.
Good. He smirked. Now. Tell me why are you with him again?
Tinignan ko lamang siya at hindi ko sinagot ang tanong niya.
Answer me Krisha…Bakit nanaman magkasama kayong dalawa? Didn’t I tell you na nagseselos ako sakanya?
Umiling iling ako sakanya at hindi pa rin sumagot sa tanong niya.
Ayoko ngang mahalikan. Mananahimik na lang ako kesa sa mahalikan.
Bakit ba ayaw mong sumagot?
Krisha sagutin mo ako…
Pag di ka nagsalita hahalik… sunod-subod niyang saad.
Diba sabi mo wag akong magsalita…ngayon na hindi ako nagsasalita gusto mo naman akong pagsalitain, ano ba talaga? Sabi ko sabay takip ng bibig.
Ang seryosong muka nito ay napalitan ng pagngisi na kalaunan ay napunta sa tawa.
Anong nakakatawa? Tama naman ako ha! Sabi niya kanina pag nagsalita ako hahalikan niya ako, nung di naman ako sumagot sakanya, hahalikan pa rin?
Natatawang lumapit sa akin si Ivan. Nakatakip pa rin ang kamay ko sa aking bibig habang pilit na lumalayo sakanya.
Natatakot ka ba sa halik ko, boss? Want to know what my lips taste like? He playfully asked me.
Kinilabutan naman ako sa mga sinabi niya. I am starting to feel my heart beating fast. Parang gusto niyang kumawala sa dibdib ko. I can also feel the heat in my cheeks. For sure, my face looks like a red tomato now.
Patuloy pa din siya sa paglapit sa akin. Umatras ako ng umatras hanggang sa naramdaman ko na ang pader na tumama sa likod ko.
Don’t be afraid boss, I know that I’ll be your first kiss and…I promise to make your first kiss memorable. He sexily said to me.
I saw Ivan licked his lips like he was really ready to kiss me.
Konting konti na lang. I can hear my own heart, beating so fast. Grabe na din ang pawis ko. Lord sorry sa gagawin ko kay Ivan. I don’t want him to take my first kiss. Di pa ako ready!
Ivan may tao! I said while pointing somewhere else.
Ha?
Agad kong tinuhod ang parte ng katawan na yon ni Ivan sabay karipas ng takbo sa pintuan at lumabas.
Sorry Ivan… Hindi ko naman pinatama sa part na yon eh medyo malapit lang.
Pagdating ko sa room ay umupo kaagad ako sa upuan ko at inagaw ang tubig na sana ay iinomin ni Antony.
Neng saan ka galing? Pawisan ka? Galing marathon?
Pagkatapos kong uminom ng tubig ay kinalma ko muna ang sarili ko bago sagutin ang tanong nila.
w-wala…ano lang…a-no nagmadali lang a-akong pumunta dito… kaya tumakbo a-ako…
Nagtataka namang tumingin sa akin sina Jess at Pyok.
Eh saan ka ba galing? Kanina lang ay nasa tabi ka namin ni Jess at kausap mo pa si Tonyo.
Sa ano lang….shit di ko pwede sabihin na sinundan ko si Ivan. Sa cr…oo sa cr lang. Diba Antony? Nagpaalam pa nga ako sayo, diba?
Pinanlakihan ko naman ng mata si Antony para mapagtakpan kung saan talaga ako galing.
Ahhh yeah. Sabi niya mag c-cr lang daw siya.
Muka namang naniwala ang dalawa sa kalokohan namin ni Antony kaya hindi na sila muling nagtanong.
I thought mahahalikan na ako ni Ivan kanina. Tsk! Our topic easily diverted into kissing while our real topic is about Antony being with me. Kapag talaga halik, nagbabago kaagad ang pinag-uusapan.
Lunch na ngayon at papunta na kami ng canteen. Nag text na rin si Jai kay Pyok na nasa canteen na siya at aantayin niya na lang daw kami.
Pagpasok ng canteen ay maingay na estudyante agad ang bumungad sa amin.
Ayun si Jai! Ani Jess
Lumingon ako kung saan itinuro ni Jess kung nasaan si Jai. Nanlaki bigla ang mata ko kung sino ang kasama niya ngayon sa lamesa.
Kasama niya si Ivan at ang isa nitong kaibigan na si JD. Nasan yung mataba nilang kaibigan?
Pagdating sa lamesa ay agad akong tumabi kay Jai at tumabi naman sa gilid ko si Antony.
Bakit nandito yan? Bulong na tanong ko kay Jai
Di ko rin alam eh. Sabi niya gusto niya daw sumabay na kumain sa atin. Ani Jai
Akala ko ba ayaw mo silang nakakasabay, lalo na si Ivan?
May magagawa pa ba ako? Partner ko siya sa pageant at magsasabay kami na pumunta sa practice mamaya, yan ang sabi niya.
Tinignan ko ng masama si Ivan pero ngisi lang ang ibinalik nito sa akin. Sinabi ng wag siyang lalapit o makikipag-usap sa akin sa public place eh.
What do you want girls? My treat! Ani Ivan
Pre, we buy our own food kaya salamat na lang sa alok. Halika na Krisha tayo na ang bumili ng pagkain natin. Ani naman ni Antony.
Tinignan ng masama ni Ivan si Antony. Wala naman pakealam si Antony dahil busy ito sa pagtatanong kung anong pagkain ang gustong kainin nila Jai.
Pinandilatan ko si Ivan ng mata bago tumayo at sumama kay Antony sa pila.
Akala ko ba pinakiusapan mo na siya na wag ka munang kakausapin in public?
Sinabi ko nga…kaya lang makulit talaga. Siya mismo ang gumagawa ng paraan para makalapit sa akin.
Tsk. Kausapin mo ulit. Mabubully ka nanaman ng babae niya kapag nakita nila kayong magkausap.
Ang protective naman pala ni father Tonyo HaHaHa…
Matapos kong sabihin yon ay nagkatinginan kaming dalawa at sabay na tumawa. Yan kasi ang pang-asar nila Jai, Jess at Pyok sa kanya. Siya si Father Tonyo at ako naman daw si Mother Krisha.
Matapos naming kunin ang mga pagkain ay bumalik na kami sa lamesa namin. Hindi pa man ako ganoong kalapit sa lamesa ay tumayo si Ivan at kinuha nito ang isang tray na puno ng pagkain.
Nakita ko yung tawanan niyo sa pila…may kasalanan ka na nga sakin kanina, dinagdagan mo pa. seryosong bulong niya sa akin bago kuhanin ang tray sa kamay ko.
Napalunok naman ako ng laway ng maalala ko ang ginawa kong pagtuhod sa tutut niya kanina.
Pagkaupo ko ay agad na kaming nagsimulang kumain. First time ko na makasabay si Ivan na kumain sa canteen. First time lang din makita ng ibang estudyante na sumabay sa aming magkakaibigan ang isang Ivan manicio na pinapangarap ng lahat.
Nakatingin sa atin yung mga fans ng Ivan mo! Bulong ni Antony.
Inangat ko naman ang ulo ko. Lahat ng babaeng estudyante at iilang lalaki at tumitingin sa lamesa namin habang kumakain.
Pansin ko din ang talim ng titig ni Lorry sa grupo namin. Paniguradong galit na naman ito dahil kasabay namin kumain yung crush niya.
I glance at Ivan who’s busy eating his food. Parang wala lang sakanya ang attention na nakukuha namin dahil sa pagsama niya.
Tumungo na lamang ako at ibinalik ang atensyon sa pagkain ng tanghalian.
Natapos ang araw ko na pagod na pagod ang katawan ko. Bukod kasi sa props na ginagawa ay gumagawa din kami ng costume.
Hindi sana ako gagawa ng costume kung hindi lang ako napiling maging manananggal. Tanggap ko sana kung white lady na lang dahil madali ang custume kaya lang si Lorry mismo ang nagsabi na nababagay daw akong maging manananggal.
Nangunguha daw kasi ako ng baby at… kinuha ko daw si Baby Ivan niya. Like what the hell? To begin with, hindi baby si Ivan at matanda na si Ivan para Ibaby niya no!
Pagdating sa bahay ay pabagsak akong humilata sa kama ko. Hindi ko alam kung napagod ba ako sa pag gawa ng props o dun sa pagtakbo ko papalayo kay Ivan.
Mayamaya pa ay tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Ivan. Bago ko sagutin ang tawag ay nag lock muna ako ng pinto. Baka mamaya dirediretso na namang pumasok dito si mama or worst si papa.
Bakit ang tagal mong sinagot?
Sorry naman po…ni lock ko kasi yung pintuan ko…
Natatakot na mahuli ulit ng mama mo? Ani Ivan habang tumatawa sa kabilang linya.
Alangan naman magpahuli ako sakanila? Edi hindi mo na ako makakausap kung mahuli nila ako.
Pwede mo naman kasi akong gawing legal sa pamilya mo. Pakilala mo ako boss!
No way! Takot ko lang kay papa kapag nalaman niya na may lalaki akong kausap.
Eh bakit yung si Antony?
Anong meron sakanya? Nagtatakang tanong ko sakanya.
Bakit siya kilala ng pamilya mo?
My family knows Antony. Just like what I’ve said before, kumare ni mama ang mama ni Antony kasi ninang ni Antony si mama. My father knows him very well. Gustong gusto ni papa ang ugali ni Antony kaya naman kahit lalaki ito ay hindi niya pinagbabawalan na lumapit siya sakin. Nagkasundo pa nga sila na ihatid ako palagi at bantayan kung may umaaligid sakin.
Eh kasi nga po…kaibigan ni mama ang mama ni Antony.
Dapat ko na bang ipakaibigan ang mommy ko sa mama mo?
Bakit naman?
Para ayos lang din sa papa mo na kasama mo ako.
Nako imposibleng pumayag si papa na makasama ko siya. Bukod kasi sa muka siyang babaero ay hindi pa siya ganoong kakilala ni papa.
Eh hindi talaga pwede eh.
Nagseselos ako boss…lagi mo siyang kasama, Kilala siya ng pamilya mo tapos nakakausap ka pa niya sa school.
Hindi ko kaagad siya nasagot. Alam ko naman na nakakatampo talaga ang ginagawa ko pero, what can I do? My family didn’t really agree on having a relationship at a young age.
Sorry Ivan…gusto ko din naman na makausap ka sa school kahit na medyo nahihiya ako sayo. Kaya lang, paano ako kapag nabully ako ng mga fans mo?
I won’t allow that…you know me boss I won’t let you hurt. Let’s see kung ibubully ka pa nila kapag ina-nnounce ko sa buong school na girlfriend kita…with finality he said.
Napabalikwas naman ako sa higaan. I swallowed hard as I think of what may happen if he announce that I’m his girlfriend.
His fan will surely kill me! Maybe Lorry will assassinate me if that happens. Hindi lang problema sa bahay ang aabutin ko kung hindi problema din sa school.
Ayoko naman na ipatawag sila mama sa school kung makita ng teachers na nabully ako tapos ang dahilan si Ivan. My father will scold me for that reason!
You will not do that Ivan! Kabado kong saad.
Why? I think that’s the only way for them to stop. He explained.
He doesn’t understand! Aghhh! How many times do I have to tell him that we shouldn’t tell everyone about us? Kahit nga sa kaibigan ko hindi ko masabi ang meron samin tapos gusto niya pa ipagsigawan sa buong campus?
No they will not. I said in a low tone. Alam ko naman kasi na hindi talaga sila hihinto kapag nalapit ako sakanya. Please Ivan… wait for me until I’m ready to tell everyone. Tutal hindi pa rin naman tayo diba? Mahina ko pa ring saad.
I waited for him to speak but he didn’t. are we committed to each other now? I mean, hindi ko naman kasi alam kung ano tayo. We’re just talking and I don’t know if there is something about us. I honestly said to him.
That’s the truth. Wala akong alam sa kung anong meron kami. When he told me before that he’s jealous to Antony, I thought that he was just possessive to me. And when he told me earlier that he can tell everyone that he’s my boyfriend, I just thought that he can do that so the bullies or his fans can stop bullying me.
I am already committed Krisha… how about you?.