I cannot forget my shameful action yesterday. Ang malala pa, si Antony ay kastreet lang namin pero ni minsan hindi ko siya nakita sa amin!
He’s not popular in our street yet his mother is quite known in our place. Nagtanong ako kahapon kay mama about sa mama niya at ang sabi ni mama ay kumare niya ang mama ni Antony at inaanak niya ito.
Saang lupalop ba ako napunta at hindi ko kilala ang mga tao sa amin?
I’m almost late in my class that’s why I am running right now. Hindi naman ako napuyat kagabi pero dahil late na ako ginising ng magaling kong kapatid, late na din ako nakakilos.
When I entered the room, I noticed that my classmate aren’t here. Nasan na sila?
Napatingin ako sa relo ko ng Makita ko na ilang minuto na lang din ay magsisimula na ang klase.
Nasan na kaya sila?
Nagulat ako ng biglang may magsalita sa likod ko
Nasa conference room sila ngayon, may announcement daw si dean kaya walang tao ngayon dito. Antony said
He’s in my back and I cannot see his face. Nahihiya pa rin akong harapin siya dahil sa kahihiyan na ginawa ko kahapon.
Malay ko ba na tubig pala yon. Magkaparehas lang kaya sila ng kulay ng suka!
Tara sabay ka na sa akin. Pag aanyaya niya sa akin.
Without saying a word, I nodded to him and let him walk first before taking my step.
Habang naglalakad ay wala pa din kaming kibuan. Hindi naman sa kailangan na mag-usap kami pero… basta. Okay na rin siguro na hindi kami mag-usap, naaalala ko lang yung nangyari kahapon.
When we entered the conference room, all the student are in there. I tried to look for my classmates when I notice someone waving her hand. It’s Jess.
Kanina pa kayo dito? Tanong ko sakanila
Ako kadarating ko lang, yung magpinsan ata kanina pa. Sagot sa akin ni jess
The dean went up in the stage and greet all the students that is in the room right now.
Good Morning Geniuses and welcome to our new students. Today I would like to announce some important matters for us to have a peaceful and fun school year…..
Marami pang sinabi ang dean na kung anu-ano katulad ng mga rules and regulation at iba’t ibang events na gagawin sa school.
Hindi naman ako masyadong nakinig dahil common naman sa school yung sinasabi niya. Well, it’s just about school rules and that includes no PDA.
Luckily wala naman akong jowa at kung meron man ay hindi ko ipapangalandakan ang landian naming dalawa.
Natapos na ang conference at nagsimula ng bumalik ang mga estudyante sa mga rooms nila ng maisipan ko na mag cr muna.
Pyok cr lang ako saglit, naiihi na ako eh
Samahan ka na namin….
Huwag na, ako na lang. Paghinanap ako sa attendance sabihin mo na nag cr lang ako.
Agad akong punta ng cr para umihi. Habang taimtim ako na umiihi ay narinig ko naman ang pagsara ng pinto. Bali nasa loob pa lang ako ng cubicle ngayon. At yung narinig ko ay pinto mismo papasok ng cr!
Matapos umihi ay nagmadali ako na isuot ang skirt ko at lumabas ng cubicle para subukang buksan ang pinto.
I tried to open the door but it is locked from the outside. That means, hindi ako makakalabas dito ng walang tumutulong sa akin.
Dahil walang talab ang pagpihit ko sa door knob. Sinubukan ko naman na banggain ito, nagbabakasakaling kayanin ng lakas ko at mabuksan ko ang pinto.
Minutes passed at hindi ko pa rin mabuksan ang pinto. I can feel the pain in my arm because of my solution but then no one can hear me and I cannot open the door.
Tulong…. Tulungan niyo ako!!!! May tao ba dyan? Tulungan niyo ako….
I swear to you God, kung sino man ang nag lock sakin sa pinto, ilulublob ko talaga ang muka niya sa bowl!
I think thirty minutes passed, wala pa rin tumutulong sa akin. I tried to knock and smash my body on the door but nothing happens.
I am quite nervous right now. My hands start shaking and I am sweating bullets. Napapagod na akong kumalampag ng kumalampag ng pinto at feeling ko kinakapos na ako ng hininga.
I remembered when I was nine years old, my father and my tito is fighting. Mom and my tita’s are shouting. I am holding my father’s arm, preventing him and stopping him from punching my tito’s face. Because of nervousness, I started to panic. I can’t breath that time, and after a second I fainted.
That time, mama and Papa noticed that I always faint when I saw someone fighting. They consult to a psychiatrist and the doctor said that I have a phobia. When I feel panic, my heart starts beating fast and later on I cannot breath properly.
Matapang akong tao pero nahihimatay ako pag may nag-aaway sa harap ko.
I am panicking right now. My heart beats abnormally and my breathing is short. I hate this feeling!
I still tried my best to shout and shout until someone notice me.
Tulong…. May tao sa loob, tulungan niyo ako…..
Biglang may kumatok ng malakas sa pinto. I tried to knock on the door also for him or her to know that someone is locked inside.
Krisha ikaw ba yan?
Di ko na alam kung sino ang nagsasalita dahil sa kinakapos ako ng hininga pero pinilit ko pa rin na sumagot
Tulungan mo ako please…nahihirapan na akong huminga… sagot ko sa taong nasa labas
Lumayo ako sa pinto ng marinig ko na pinipilit buksan ng lalaki ang pinto. Pumasok ang isang lalaki at doon ko nakita ang muka ng lalaking tumulong sa akin.
Okay ka lang ba? May masakit sayo? Sunod sunod na tanong ni Ivan sakin. Krisha answer me! Hindi naman ako nakasagot at parang napipi ako dahil sa kaba pa rin na nararamdaman ko. Umiling na lamang ako sakanya para masabing walang masakit sa akin
Halika na… Kaya mo ba tumayo? Tumango ako at pinilit na tumayo
Habang pinipilit na tumayo ay tinulungan naman ako ni Ivan para hindi ako mabuwal sa pagkakatayo at naglakad na kami palabas ng cr.
Tinulungan niya ako na makaupo sa bench at Umalis na rin matapos akong matulungan.
I need to calm first. Medyo nahihirapan pa din akong huminga at nanginginig pa rin ang kamay ko. Sino ba kasi ang magkukulong sa akin don? Kung fans yun ni Ivan, pwes hindi sila nakakatuwa.
On the second thought, fans ba talaga niya ang may gawa? Tsk imposible naman na may iba pa, eh kahapon nga hinarang ako ng mga walking make-up.
Tsk… Gusto ko lang makatapos ng high school tapos ganito pa mararanasan ko. Kung dahil pa rin ito sa pangyayari kahapon, grabe naman ang paghihigante nila sa ginawa ko sa love of their life.
A bottle of water is now in front of me. Tinignan ko kung sino ang may hawak non at nakita ko na si Ivan pala iyon.
Okay ka lang? Tanong niya sa akin
Muka ba akong okay sa paningin niya? I look pale and at the same time I’m sweating bullets.
I did not answer him and just accept the bottled water. He watched me and wait until I finished drinking.
Tinignan lang ako ni Ivan ng mapansin niya na hindi ko sinasaagot ang tanong niya. Ilang minuto pa ay nakarinig ako ng isang malakas na buntong hinga mula sa katabi ko.
Alam kong medyo bastos ang pagpapakilala ko sayo kahapon…medyo lang yon? But I would like to say sorry for causing you trouble. Alam kong dahil sa akin kaya ka ginaganyan ng mga babae dito sa school. Well… di ko sila masisisi dahil gwapong gwapo sila sa akin. Hanep talaga.
Ah talaga ba? I looked at him and analyze if it is true that he’s handsome. Gwapo naman sana kung di lang makapal ang muka.
Before he say a word again, I looked at him and thank him for saving me in the cr.
Salamat sa pagtulong mo sa akin kanina… mauuna na ako. I said to him without showing any emotions.
Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad.
Lutang ang utak na pumasok ako sa classroom namin at napansin na wala na ang teacher namin.
Isang oras din pala akong nawala, hindi ko tuloy naabutan yung teacher.
Neng saan ka galing? Isang swimming pool ba ang inihi mo at sobrang tagal mo? Bungad sa akin ni jai pagkaupo ko sa upuan
Ayos ka lang? namumutla ka. Tanong ni pyok sa akin.
Hay nako di ka pa nasanay sa babaitang yan eh mukang multo nga yan lagi dahil sa kaputlaan.
Tinignan lang ako ni pyok at jess na parang may inaantay na paliwanag mula sa akin.
Wala na akong nagawa at kinuwento sakanila ang nangyari mula sa pagpasok ko sa cr hanggang sa pagtulong sa akin ni Ivan na makalabas.
Seryoso,tinulungan ka niya? Histerikal na tanong ni jai sa akin na agad ko namang tinanguhan.
Buti naman at tinulungan ka niya… pero, paano siya napadpad doon eh diba bumalik na lahat ng estudyante sa classroom? Ani jess
Hindi ko rin siya napansin kanina habang nagtuturo ang teacher, baka nagcutting kaya inabutan ka niya doon at tinulungan… Pyok said with a serious face.
Nako Krisha baka may hidden agenda sayo si Ivan kaya ka niya nilalapitan? Delikado ka dun…
Hidden agenda? Malabo. I’m sure he’s just concern to me because he thought that he’s the reason why I am locked up in the cr.
Habang nagsasalita ang mga kaibigan ko ay napansin kong tumingin sa akin si Antony at para bang nakikinig din siya sa pinag- uusapan namin. Chismoso yarn?
Ilang saglit pa ay pumasok na ang teacher at nakinig na lamang ako sa tinuturo nito.
Pagkatapos ng klase ay agad kaming pumunta ng canteen para mag lunch.
Oorder na sana ako ng pagkain nang bigla akong sabihan nila jess na sila na lang daw ni pyok ang bibili ng pagkain dahil mukang hindi daw maganda ang pakiramdam ko dahil sa nangyari.
Habang nag aantay ay umalis saglit si jai at nag paalam na mag re-retouch lang daw siya saglit.
Narinig ko yung nangyari sayo…Okay ka lang ba? Gulat akong lumingon sa likod at nakita ko si Antony.
Sabi na eh… chismoso si koya. Ano namang pakealam niya diba kung anong nangyari sa akin.
Hmmm ok na ako…wala namang nangyari sa akin na masama. I said to him without looking into his eyes.
Ang hirap niyang titigan sa mata. He’s eyes is his asset. Ang ganda ng mata niya.
Sigurado ka? Tanong pa ulit niya. Tumango naman ako at di na ulit nagsalita.
OH MY GOOOOOOD!!!!! Hi Fafa Antony!....Jai scream from a far. Lumapit siya ng tuluyan sa table namin at hinarap ang lalaking kausap ko. Why are you here in our table? Kinikilig pa niyang tanongq1
Nothing. I’m just asking your friend if she’s okay…. Sabay tingin sa akin
Umaktong nasasaktan si jai dahil sa sinabi ni Antony sakanya.
So you’re not here because of me? Akala ko pa naman bet mo ako kaya hinahanap mo ako kay Krisha. Malungkot na sabi ni jai
Mayamaya pa ay dumating na sila jess at pyok dala ang mga binili nilang pagkain. Takang tumingin sila samin ni jai ng mapagtanto nila kung sino ang kasama namin sa lamesa.
Antony you’re here… Sabi ni pyok na napapatingin pa sa aming dalawa ni jai.
Pyok nandito siya para kay Krisha… Ang sakit pyok, di ako crush ng crush ko… Ani jai
Tinignan naman ni pyok ng masama si jai at tumingin ulit kay Antony.
Sorry sa Pinsan ko, medyo taklesa…sinimangutan naman ni Jai si Pyok dahil sa sinabi nito kay Antony. you know what, come and join us. Magsisimula pa lang naman kami kumain.Pag aanyaya niya kay Antony
I don’t know na kilala pala nila si Antony. My mama said that he is a scholar like me. Kaya naman inakala ko na hindi siya ganoon ka popular sa campus.
Sure! Bibili lang ako ng pagkain.Sabi niya bago umalis at pumunta sa counter.
Kilala si Antony sa buong campus? Tanong ko sakanila
Bet mo? Ani jai
Tumawa si jess sa tinanong ni jai sa akin
No. maagap ko na sagot
Kilala si Antony sa school… Napatingin ako kay pyok ng magsalita ito. Scholar din siya tulad mo. Kahit hindi mayaman ang pamilya nila ay ipinilit ng nanay niya na maipasok siya private school mula elementary hangggang ngayon.
Matalino yan si antony kaya kilala sa buong school. Pride siya ng buong campus dahil sa dami ng inuwi niyang panalo para sa school. Ani jess
At syempre hindi lang yon… ang hottie nya at ang gwapo! kaya lang… may girlfriend na kaya kahit bet ko siya di ko na pinatulan.
He has a girlfriend? Muka siyang walang girlfriend! Well kung meron man edi sana kahapon kasama niya diba? Kaya lang di sila magkasama.
Mayamaya pa ay dumating na si Antony at nagsimula na kaming kumain.
It is not the first time na nakita ko siyang kumain. Kahapon lang ay kasabay ko siyang kumain ng kwek-kwek and I noticed that whatever he does, he has the same face all the time.
Nag-iiba man ng tono ang boses niya pero he’s serious all the time!
Hindi pa rin maalis sa isip ko na may girlfriend na siya. I admit that I am interested on him. Sayang medyo natitipuhan ko siya kaya lang may girlfriend.
Ayokong makasira ng relasyon. My father told me na kapag nagmahal ako, dapat yung walang sabit para in the end hindi ako masaktan.
All my class for this day is finished. Kasalukuyan ako ngayong nag-aabang ng masasakyan na jeep.
I was shocked when someone tap my shoulder. Nilingon ko kung sino ito at nakita ko ang mukang asong nakangiti na si Ivan.
Ivan nakakagulat ka naman!!! Napahawak ako sa dibdib para mabawasan ang kabog nito dahil sa gulat.
Uuwi ka na? nangingiti nitong sabi sa akin. Sabay kana sakin. I’ll get my car, wait for me here.
No thank you, okay lang… madali lang naman mag commute. Pagtanggi ko sakanya.
Mahirap mag commute kaya sumabay ka na sa akin…pagpilit niya
Ayokong sumabay sakanya dahil una sa lahat, ayokong mapahamak dahil sa haliparot niyang fans.
Come on krisha… ako na ang bahalang maghatid sayo sainyo.
Pangalawa, baka kapag nakita ng mga kapitbahay namin na may naghatid sakin na lalaki isumbong pa ako kay papa.
Tsk mapilit talaga ang bwisit. Sabi ng ayoko nga eh!
Halika na!. bago niya pa mahila ang kamay ko ay may dumaan na isang jeep sa harapan namin kaya minabuti kong tumakbo at pumasok agad sa jeep kahit na delikado ang ginawa ko. Syeeet ka talaga krisha ipapahamak mo pa sarili mo
WTF!! Krisha!!!!! Hindi na ako lumingon pa sa labas para di ko na makita si Ivan.
Kailangan kong iwasan si Ivan. He is not good for me. Baka kapag nakita kami ng fans niya ay bigla na lang ako sabunutan ng mga yon.
KINABUKASAN maaga na ako nagising at maaga rin akong nakarating sa school. Sana naman maging normal na araw na ito para sa akin. Simula noong unang araw na pumasok ako dito di na natahimik ang buhay ko. Taka note! 3 days pa lang akong pumapasok dito sa school.
Good morning Krisha!! Bungad sa akin ni Pyok pagpasok ko ng pintuan.
Good morning
Habang nagdidiscuss ang teacher sa harapan ay nakarinig kami ng katok mula sa pintuan. Pumasok ang isang babae na pandak at maikli ang buhok.
Good Morning po miss… I am Lorry Ann Encarnacion. Sorry po… late enrolee po kasi ako.
Hindi sa panghuhusga pero mukang mas matanda sa amin ang babaeng pumasok. Mapula ang pisnge niya at ganon na rin ang labi niya. Maganda ang tindig pero mukang may attitude.
Anong ginagawa niyan dito? …bulong ni Jai
Oh my God, Jai sabi niya diba di na siya mag aaral dito?
Sino ba yang pandak na yan at masyadong big deal kanila Jess at Jai na dito siya pumasok?
You may sit anywhere you want ms. Encarnacion.
Naghanap ng mauupuan ang babae. Wala ng mauupuan sa dulo at nasa gitnang bahagi na lang ang nag iisang upuan na hindi ukopado.
Huminto ang babae sa harap ni Ivan at humarap sa guro namin.
Sorry again miss… Can I sit beside him?Turo niya kay Ivan
Agad naman na lumipat ng upuan ang katabi ni Ivan ng pinayagan ng teacher namin ang hiling ng babae sakanya.
Tch the b***h is back. muka na naman siyang asong ulol na maghahabol kay Ivan. Ani Jai bago muling nakinig sa teacher.
Another fan of Ivan. Mukang siya ang leader ng buong fans club dahil ang lakas ng loob niya lumapit at tumabi sa lalaking masama ngayon ang tingin sakanya.
Bagay naman sila. Isang pandak at isang matangkad.
Tsk. Ano ba ang pakealam ko kung bagay sila o hindi? I should not meddle with there business kasi meron din akong sariling ginagawa!