Nakatayo ako ng tuwid habang sinasabi sa akin ng mayordoma ang mga kailangan gagawin dito sa loob ng malaking bahay nina Spencer-I mean, Sir Spencer. Simula sa araw na ito, iyan ang itatawag ko sa kaniya dahil siya ang amo ko habang ako ay maid niya. Wala naman ako pagpipilian. Para sa akin, ito na ang pinakaconvenient na trabaho para sa akin. Didiskartehan ko nalang kung papaano ko pagsasabayin ang pag-aaral at trabaho.
Pagkatapos sabihin sa akin ni Manang ang mga iilang paalala, ay sumunod ako sa kaniya sa Kusina para ihanda ang mga pagkain sa tray dahil mga ganitong oras ay kakain na si Sir Spencer ng dinner at dadalhan ko siya ng pagkain sa kaniyang silid. Mabait naman si Manang sa akin, hindi siya tulad ng ibang may edad na masungit, samantalang siya ay malumanay lang magpaliwanag. Kapag uutusan niya ako ay may halong lambing na mas lalo ako ginaganahang magtrabaho kung ganito ba naman ang environment, eh.
Nabanggit din sa akin ni Manang na minsan ay bumibisita ang mga mga magulang ni Sir Spencer. Sa natatandaan ko, Sir Keiran at Ma'm Naya daw ang pangalan ng mga ito. Hindi lang sila ang bumibisita, pati ang mga kamag-anak nila. Kapag sa oras na makikita ko daw ang buong angkan, malalaman ko daw kung anong bonding na meron sila. Mas lalo daw naging malapit ang mga ito buhat nang namatay ang Grande Matriarch na si Madame Eufemian Ho. Huwag daw ako mag-alala, mababait daw ang mga ito.
"MC, ang banggit sa akin ni Sir Spencer, marunong ka din daw magluto." nakangiting usisa nito.
Napakamot ako sa batok dahil sa hiya. "K-kaunti lang po, manang. Kailangan din po dahil HE din po ang kinukuha ko." tugon ko at ginawaran ko siya ng isang hilaw na ngiti.
"Naku, mukhang magkakasundo kayong dalawa ni Sir Spencer dahil magaling din siya magluto." aniya.
Hindi ko magawang sumagot. Sa halip ay ngumiti lang ako. Tama naman si manang, nang tikman ko ang luto ni Spencer dati, mararamdaman mo na magaling siya sa pagluluto. Pagdating naman sa plating nito, akala mo isang professional chef ang may gawa. Sinong mag-aakala na kasing edad ko lang ay makakagawa na pangsosyal na pagkain?
Nang matapos nang ilagay ni manang ang pagkain sa tray maingat ko iyon hinawakan habang patungo ako sa kuwarto ni Spencer. Ang sabi kasi sa akin ni manang, mga ganitong oras ay nag-aaral pa siya. Hindi kaya maistorbo ko siya? Sana naman ay hindi. Maingat din akong umakyat ng hagdan. Ayos lang naman ang bigat ng tray dahil hindi pala heavy eater ang lalaking iyon.
Mabuti nalang ay may mesa sa tabi ng pinto ng silid. Kasya pa naman ang tray doon kaya ipinatong ko muna pagkatapos ay kumatok ako ng tatlong beses. "Sir, oras na po ng hapunan ninyo..." malakas na pagkasabi ko.
Wala akong natanggap na sagot. Sa halip ay halos matalon ako sa gulat dahil kusang nagbukas ang pinto. Ang mukha niya ang unang tumambad sa akin. Ginawaran niya ako ng isang matamis na ngiti na daig mo pang nanalo ng malaking halaga sa lotto. "Hi," matamis niyang bati. Nilakihan niya ang awang ng pinto. "Come,"
Tumango ako saka muli kong hinawakan tray pero naunahan niya ako. Siya na ang humawak. Nagtataka akong tumingin sa kaniya. "Inagaw mo na naman ang trabaho ko." I complained.
"Naihatid mo din naman ng maayos ang pagkain dito kaya ayos na 'yon." he answered.
Huminga ako ng malalim. Sigh of surrender. Wala naman akong mapapala kung makikipagdiskusyon ako sa kaniya, hindi ba?
"Kumain ka na ba?" bigla niyang tanong.
"H-ha? I... I mean, mamaya pa ako kakain. Kapag tapos na ang trabaho ko--" naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinila papasok sa kaniyang kuwarto! "Ano naman bang problema mo?"
Tahimik niyang ipinatong ang tray sa mababang mesa. Prente siyang umupo sa sofa na narito lang sa kaniyang silid. Mahina niyang tinapik ang tabi niya. "Here, sit." he demand.
Ngumiwi ako. Kusang gumalaw ang katawan ko at lumapit sa kaniya. Umupo ako sa kaniyang tabi at pormal. Dahil siya ang amo ko, kailangan kong sumunod sa bawat iuutos niya. Alang-alang sa aking tuition, magtitiis ako. Kailangan kong magtapos ng pag-aaral.
Pinapanood ko lang siya nang tahimik habang ginagalaw niya ang pagkain. Ang buong akala ko pa ay kakain na siya pero itinutok niya sa akin ang hawak niyang kutsara na may kanin at ulam. "S-Sir...?" nagtatakang tawag ko sa kaniya.
"Ayokong malipasan ka ng gutom. Sabayan mo ako sa pagkain." malumanay niyang sabi.
Kusang gumalaw na naman ang aking katawan. Isinubo ko ang kutsara na iyon na hindi natingin sa kaniya. Bigla kasi din ako ginapangan ng hiya. Habang tumatagal kasi, hindi na ako makapali sa kaniyang presensya. Hindi dahil sa delikado siya o ano. Alam naman niya ang isang kilalang kriminal ang aking ama pero nagagawa ko paring maglagay ng harang sa pagitan naming dalawa. Oo, may mga nalalaman na ako tungkol sa kaniya. Pakiramdam ko ay may mali pa kahit na naimulat na sa akin ang flaws sa pagitan naming dalawa.
"Sabay na tayong pumasok bukas," biglang niyang sabi. Bumaling ako sa kaniya, sakto na nakatingin siya nang diretso sa akin.
"Pero... Baka may makakita sa atin, Spencer..." nag-aalala kong sabi.
"Anong sabi ko sa iyo?"
Binawi ko ang aking tingin mula sa kaniya. Yumuko at ngumuso. "Sabi ko nga po, wala ka pong pakialam sa iba..." mahina kong sabi.
Rinig ko ang mahina siyang pagtawa. "Very good, my baby doll." namamaos niyang sabi.
-
Tulad ng usapan namin kagabi ay kinabukasan ay maaga akong nagising para gawin ang mga kailangan kong gawin tapos ay sabay na kaming pumasok ni Spencer sa Paaralan. Alam kong napapatingin sa direksyon namin ang ibang estudyante dahil sa nakadikit ako sa kanilang prinsipe. Gustuhin ko man lumayo sa kaniya agad bago man kami makita ng mga schoolmate namin ay ayaw niya. Kung nasaan siya ay naroon ako, kung nasaan ako, naroon siya ang datingan sa aming dalawa. Wala naman akong magagawa, pilit kong balewalain ang mga nasa paligid ko.
"Kungwari introvert, iyon pala, ang target si Spencer Ho." rinig kong sabi ng isang babae na hindi kalayuan sa amin.
"Kaya nga. Ang plastik, ano?" gatong pa ng isa saka humalakhak sila.
Napangiwi ako. Kung alam ninyo lang! Gustuhin ko man silang sugurin pero ayokong lamunin ako ng galit. Kailangan ay mahinahon pa rin ako. I need to be chill down. Ayokong masira ang araw ko sa mga walang kakwenta-kwentang bagay.
Pero ang mas hindi ko inaasahan ay ang pag-akbay ni Spencer sa akin! Ang ilang sa mga babae na nasa paligid namin ay napasinghap at laglag ang panga. Bakas talaga sa mukha nila na hindi makapaniwala.
"S-Spencer..." mahina kong tawag sa kaniyang pangalan.
"I am your protector, my baby doll. No one can harm you, even me." nakangiti siya habang sinasabi niya ang mga kataga na 'yon. "Remember that."
Those words he said makes my heart throbbing at the moment. Kailangan maeexpire ang mga asukal sa katawan, Spencer Ho?!
Pilit kong maging concentrated sa bawat discussion ng mga subject, kahit ilang beses na nila akong tapunan ng mga matatalim na tingin, at patayin sa kanilang mga isipan ng mga kaklase kong babae. Aminado ako na galit sila sa akin dahil nakita nila kaming magkasama ng kanilang prinsipe. Kahit ganoon, hindi sila ang dahilan para umatras ako. I will them as my trials in life.
Kahit sa ilang araw na nagdaaan ay hindi pa rin nila ako nilulubayan. Pakiramdam ko tuloy, umingay ang mundo ko buhat nang dumating si Spencer. Pilit kong umakto ng normal sa harap nila. Kahit sa harap ni Spencer. Hindi ko ininda ang lahat nang mga nakikita, napapansin at nararamdaman ko. Basta para sa pangarap ko ay titiisin ko. Hindi ako pupuwedeng sumuko.
Pero bakit ganoon? Bakit parang nawawala ako sa sarili sa tuwing nasa paligid ko si Spencer? Lahat ng prinsipyo ko ay nababali.
"Spencer, papano ito? Hindi ko makuha ang nasa cook application, eh." rinig kong malanding boses ni Lucy habang nasa loob kami ng club room. Kasalukuyan kaming nag-eexperimento ng mga luto dahil next week ay tutungo kami sa isang barangay dahil may gaganapin na feeding program. "I need your help, please?"
Bumaling sa kaniya si Spencer. "Medyo busy pa ako dito, Lucy. Sa iba ka muna magpatulong." pahayag nito sa kaniya.
Mukhang hindi magpapatinag si Lucy. Hindi pa siya kuntento. Mas lumapit pa siya kay Spencer, pinulupot ng mga bras niya ang isang braso nito! Napaawanng ng kaunti ang aking bibig dahil sinadya niyang idinikit ang dibdib niya kay Spencer! Humigpit ang pagkahawak ko sa kutsilyo. Simpleng eksena pero bakit apektado ako sa ganito?! Dapat ay hindi ganito ang nararamdaman ko!
"Sige na, pleaseee?"
He released a heavy sighs. "Oh siya, sige." sa tono nito ay wala na siyang magawa pa.
Hindi ko alam kung bakit parang pinipiga ang puso ko sa nakikita ko, hindi lang 'yon parang pinagsusuntok ang dibdib ko ng mga oras na iyon. Padabog kong binitawan ang kutsilyo at nagmamadali akong lumabas ng club room. Rinig ko pa na tinatawag ako ni Mika pero hindi ako nag-abala pang lumingon o tumigil man lang. Tumakbo ako ngunit kasabay n'on ay bumuhos ang malakas na ulan. Pinili kong dumiretso sa gazebo na nababalutan ng mga halamang baging. Doon ako sisilong at papalipasin ang mga negatibo kong nararamdaman. Mabuti nalang ay dala ko ang aking panyo at pinapatuyo ko ang aking sarili sa mapapagitan n'on.
Hindi dapat ganito ang mararamdaman ko. Hindi dapat... Amo ko siya at katulong niya ako. Binabayaran niya ako dahil alam niyang may pangarap ako! Hanggang doon lang 'yon, wala nang iba pa! Hindi dapat ako ganito na... Nasasaktan. Dahil wala akong karapatan! Malayo ang agwat ng pamumuhay namin!
"What was that?" rinig kong boses niya na dahilan para maalarma ako.
Hindi ko magawang sumagot. Tahimik akong nakatitig sa kaniya. Napahawak ako't sumandal sa pader ng gazebo. Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil naguguluhan din ako sa nararamdaman ko.
"My baby doll..." tawag niya sa akin, bakas sa boses niya na inuutusan niya ako upang sagutin ko ng maayos ang kaniyang tanong.
Dumapo ang tingin ko sa sahig. "W-wala... M-masama lang ang pakiramdam ko..." palusot ko nalang. Bakit mas pinipiga ang puso ko?! Like, what the heck?!
Rinig ko ang paghakbang niya. Mas diniin ko ang sarili ko sa pader na yari sa bakal. Hindi ko alam kung itutulak ko ba siya at tumakas mula sa kaniya o ano. Hindi ko alam, mas lalo ako naguguluhan. "Kung masama ang pakiramdam mo, hindi ka magmamadaling tumakbo patungo dito." aniya.
Pumikit ako ng mariin. s**t lang, nahuli pa niya ako sa lagay na iyon?!
Hanggang sa naramdaman ko nalang ang maiinit niyang mga palad sa magkabila kong pisngi. Sa mga oras na ito, natatakot akong magkrus ang mga tingin namin. Hindi ko kaya...
"Tell me, what's bothering with you, my baby doll?" masuyo niyang tanong. Pakiramdam ko ay malapit na ang kaniyang mukha sa akin. "Tell me... I won't be mad if you tell me the truth..."
Kinagat ko ang aking labi. "Hindi ko rin alam, Spencer... Pero isa lang ang nasisiguro ko... Naiinis ako. Naiinis ako nangpanay lapit sa iyo ni Lucy..." nanghihinang pag-amin ko. "Nasasaktan ako... Parang pinipiga ang puso ko."
"Iyan lang ba?" sunod niyang tanong ngunit hindi pa rin nawawala ang pagsuyo. "Tell me more..."
"Nalilito na ako... Hindi ko na alam kung... Ano ba ang tama..." halos kapusin ako ng hininga.
"Open your eyes and look at me, my baby doll." muli niyang utos.
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Ang magaganda at kulay tsokolate niyang mga mata ang unang bumungad sa akin na dahilan para magwala ang mga halimaw sa aking tiyan. Mas nagwawala ang aking puso sa eksenang ito. "S-Spencer..." mahina kong tawag sa kaniya.
"You're inlove with me." he stated, not a question. "And I want this too. I want you to be part of my life. No matter how messy you are, I love it. Kahit anak ka ng pinakamasamang tao sa buong mundo, mamahalin pa rin kita. Tatanggapin ko ang lahat-lahat sa iyo, MC." marahan siyang pumikit at idinikit niya ang kaniyang noo sa akin. "I love you, my baby doll. I love you..."
Hindi ko alam kung bakit mas lalo ako nanghina sa mga salitang binitawan niya. Hindi ko rin namalayan na tumulo na ang isang luha, marahas iyon umagos sa aking pisngi. Hindi ko sukat akalain na may ganito pang tao sa mundo. Na ang tulad ni Spencer na kayang tanggapin ang aking nakaraan... Ang mapait kong nakaraan.
"Susubukan kitang mahalin.. Spencer..." kusang lumabas iyon sa aking bibig. Marahan akong dumilat. Muli nagtama ang aming paningin. Bakas sa mukha niya na hindi makapaniwala sa aking naging sagot. Ilang saglit pa ay napangiti siya. Ngumiti na din ako. "A-ayos lang ba?"
Bigo ako makatanggap ng salita mula sa kaniya. Instead, he kissed me so hard like there's no tomorrow. Hinapit niya ang bewang ko para idikit pa niya ako sa kaniya. Kusang gumalaw ang mga braso ko. Dumapo ang mga palad ko sa kaniyang batok. Hindi man ako marunong humalik ay pinapakiramdaman ko ang kaniyang mga labi. Umaapaw naman sa tuwa ang buong kong sistema. Pakiramdam ko ay nagliparan na ang mga paru-puro sa aking tyan habang naririto kami sa loob ng gazebo, pinagsasaluhan ang mga matatamis na halik habang patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan.
Nang humiwalay ang mga mga labi namin ay diretso niya akong tiningnan sa aking mga mata. Hindi mabura-bura ang kasiyahan sa kaniyang mukha sa mga sandali na ito. "Kahit susubukan mo, gagawin ko pa rin ang lahat. You can always feel safe in my arms." namamaos niyang sambi. Sunod niyang dinampian ng halik ay ang noo ko.