Freddy’ POV Ilang linggo ng hindi pumapasok sa trabaho si Sabina. Nagpadala lang ito ng resignation letter para sa tatay ko pero alam kong hindi niya iyon tatanggapin. Nabanggit sa akin ni tatay na doon daw ito umuuwi sa daddy niya. Gustong – gusto ko siyang puntahan para makabawi. Gusto kong marinig niya ang paliwanag ko. Kung bakit ako nagbago. Lahat naman iyon ay para sa kanya. Para magustuhan niya ako. Para maipagmalaki niya ako. Pero nakiusap ang daddy niya sa tatay ko na huwag na muna daw guluhin si Saab. Pabayaan na lang daw munang mag – isa. Kaya ako, balik ako sa bahay ni nanay. Umaasa ako na isang araw, darating siya doon. Naroon pa kasi ang mga gamit niya. “Freddy,” narinig kong bati ng kung sino mula sa likod ko. Si tatay iyon. Hindi ko naramdaman na nakapaso

