Pagkatapos magjogging ng mga girls ay napag usapan namin mag punta sa River Adventure. Dito lang naman din iyon sa Bulacan, ang sabi ni Luther ay sa San Rafael daw which is 45 minutes drive from Baliuag. Everyone's excited. Kahit ako ay nasasabik.
Hindi naman kasi ito ang usual na napupuntahan namin like pools and beaches. Literal na ilog daw ito na pinaganda lang. Lalo pa akong nacurious ng sabihin ni Luther na sa floating reastau kami kakain mamaya habang inililibot kayo nito sa kahabaan ng ilog.
Ako ulit ang nakatoka sa lunch. Nagrocery kasi si Draco at Darton kasama ang dalawang girls para sa food na dadalin mamaya. Kami lang ang naiwan ni Luther dito sa bahay. Si Luther naman ay abala sa pag check ng mga gagamitin na sasakyan.
Abala ako sa pagbabantay ng sinaing kahit sa rice cooker ako nagsaing. Ayoko naman kasi lumabas para samahan si Luther at paniguradong babahugin lang ako 'non. Chineck ko pa ang nilaga ko tsaka ako naupo sa stool para itext si Kristele. Pasukan na kasi sa susunod na araw. Ang sabi ko kasi sa kanya ay siya na ang magpa-enrol sa akin dahil bukas palang kami makakauwi.
"Ano ulam?" Napaangat ako ng tingin kay Luther ng bigla itong pumasok at dumiretso sa ref para uminom ng tubig. Napatitig pa nga ako sa kanya dahil sa hubad niyang katawan na medyo pawisan.
Nang bigla siyang humarap sa akin ay nagpanggap ulit akong nagtetext. Kumunot kasi ang noo niya ng makita akong nakatingin sa kanya. At bakit ba kasi nakahubad na naman siya? Inaakit niya ba ako?
"Sasha," tawag niya ulit sa akin. Pumikit ako ng mariin at inayos ang sarili. Bakit ba kasi hindi ko matagalan tignan si Luther na walang pang itaas? Hay nako!
"Oh, bakit?" Poker face akong humarap sa kanya. Ang totoo ay sa ref ako nakatingin.
"Are you in earth? Sabi ko, ano ulam?" Medyo natawa siya. Ngumiwi ako dahil sa joke niya. Ayoko ng tumawa o magbigay ng emosyon about sa mga jokes or so whatever! Baka sabihan na naman ako niyan ng inlove thingy niya.
"Nilaga," sagot ko ng hindi pa din siya tinitignan. Kumuha pa ng bimpo si Luther tsaka lumakad sa tapat ko at nagpunas ng pawis. Lumunok ako ng dumapo ang bimpo sa abs niya na pawisan. Kailangan talaga sa harap ko pa magpunas?
"Great, is it cooked? I'm kinda hungry.." umupo siya sa stool sa harap ko. Sumunod na ang mata ko sa kanya. Kakainis! Akala ko kaya kong hindi siya tignan pero hindi pala.
Pumangulambaba ako sa harap niya at ngumiti. " Yeah, it's cooked."
"Nilagang baboy o nilagang baka?" Excited na tanong niya. Napakunot ang noo ko. Anong sinasabi niya? Baboy? Baka?
"Huy!" Napasinghap ako ng pumitik siya sa harap ko.
"Anong baboy? Anong baka?" Nagtatakang tanong ko. Kumunot ang noo ni Luther na tila ba nagtataka.
"Diba nilaga ang ulam? I'm asking if it is pork or beef.." umirap siya. Nalaglag ang panga ko hanggang humahalpak ako ng tawa.
"Bakit ka tumatawa?" Nakakunot pa din ang noo niya. Ako naman ay nakahawak na sa tyan ko kakatawa.
"Anong baboy at baka ang sinasabi mo kasi?" Lalo akong natawa. Nakakaloka siya. "None of the above.." pahabol ko.
"Then what?" Tanong niya ulit na mukhang iretable na. Tinagilid ko pa ang ulo ko para tignan siya na mukhang any moment ay sasabog na.
Tumayo ako at lumakad papunta sa side niya habang naiiling. Pumwesto ako sa likuran niya at bahagyang yumuko para maabot ang tainga niya at bulungan siya.
"Nilagang itlog, andon ang kamatis nakababaw sa sinaing." Tumalikod ako na humahagalpak sa tawa.
"What the f**k?" Panay ang pagmumura ni Luther hanggang makalabas na ako sa kitchen. Nilaga? Eh hindi kaya ako marunong mag nilaga. Hanggang piri pirito lang ako noh! Tsaka, hindi paba sila nadala nung breakfast?
Pagkaayos ko ng mga gamit na dadalin ko ay pinusod ko nalang basta ang buhok ko. Nagmamadali na kasi sila dahil medyo hapon na at uuwi na kami sa syudad bukas.
"Sasha!!lets go!" Sigaw ni Draco. Hindi ko nga alam kung pang ilan sigaw na niya iyan sa akin. At bakit ba hindi sila makapaghintay?
"Oo na!!" Sigaw ko pabalik. Sinabit ko sa balikat ko ang shoulder bag na dala ko na may laman na pamalit na damit. Naka dress kasi ako ngaun na may pang loob na two piece. Hindi pa ako masyadong prepared niyan ah.
"Bakit ang tagal mo?" Iritable ang magkapatid ng makalabas ako sa garden. Nandon kasi sila.
"Minamadali niyo ko, e? Nasan na yung mga girls niyo? And where's Luther?" Ngumuso ako sabay lagay ng aviators sa mga mata ko. Matirik kasi masyado ang araw. Mabuti nalang at madaming halaman na matataas ang garden nila Luther kaya may lilim naman.
"Girls... Ugh! Why do you have to effort so much?" Salita ni Darton. Umirap ako. Hindi nila talaga maiintindihan ang mga girls. Ofcourse, nature na ng babae yon' why need to explain?
"Nasan ba si, Luther?" Pag iba ko ng usapan. Hahaba lang kasi ang issue why girls need to effort for themselves. Alam ko naman na hindi nila yon maiintindihan.
Ngumuso ang dalawa kaya napatingin ako sa direksyon kung saan sila nakanguso. My jaw literally dropped when I saw Luther posing like a drop dead georgous Greek God! What the f**k!
Mabuti nalang at nag aviators ako para hindi nila mapansin ang panglalaki ng mga mata ko. Humangin ng bahagya kaya humalimuyak ang paboritong pabango ni Luther. Damn!
"Maybe, I need to push harder to achieved that goddamn body." Napatingin ako kay Draco. Nakatingin kasi siya sa akin habang ako ay hindi maalis ang mata kay Luther.
"Ehem," tumikhim pa siya kaya pumikit ako ng bahagya.
Mahinang pagmumura ang pinakawalan ko. Why can't take off your eyes on him, Sasha?
"Am I right, Atasha?" Ngumisi si Draco kaya lumakad ako para tumabi kay Darton na nakaupo at nakamasid lang.
"I think you need to lessen your food intake, masyado kang patay gutom." Naiinis kasi ako kay Draco! I was secretly drooling over Luther pero iniistorbo niya. Natawa si Darton sa tabi ko kaya umirap si Draco. "Harsh.." Naiiling na salita niya.
"Why he is there, by the way?" Takang tanong ko. Akala ko kasi ay aalis na kami pero parang tatambay lang siya.
Draco shrugged. "Hindi pa yata nag lulunch kaya badtrip.. man, that's why his abs is perfect." Naiiling na sabi niya.
Natawa si Darton. "Reasoning out, eh?" Bumaling sa akin si Darton. "He's certified hot, right, Sasha?"
Kumunot ang noo ko. Bakit pakiramdam ko ay pinagtutulungan nila ako? They are talking about Luther who's dumbly standing infront of those tree's while me being the fall back of their convo about him. Bakit ako? Diba sila ang nag uusap?
"I guess," I maintained myself composed. Hindi ako tanga para di malaman na pinagmamasadan ng dalawang ito ang reaksyon at bawat galaw when it comes to Luther.
"Lets go!" Napabaling kami ng sabay sumigaw ang dalawang babae na kasama nila. Bumuga ako ng hangin at nagpasalamat sa dalawa for saving me for their nonsense question.
Tumayo si Draco at Darton at sabay lumapit sa dalawa. Me? Hmm-- I'm waiting for Luther to move forward. Nagsuot lang siya ng aviators habang papalapit sa akin.
"Hindi kaba magdadamit?" Bungad ko ng makalapit siya. Ngumisi si Luther ng nakakaloko. "Nope,"
"Bakit?" Halos maghesterical ako na ikinatigil niya.
"It's hot, and I'm freaking hungry, Sweetheart. Why don't you get your butt up so we can leave?" Tumalikod siya sabay laro ng susi sa kamay niya. Okay, he's hungry. I get it, kailangan talaga magsungit?
"Saan ako sasakay?" Sabay sabay napatingin silang lahat sa akin ng magsalita ako. Ayokong sumakay kay Luther at baka atakihin ako sa hubad na katawan niya. I don't get why he has to be topless?
"Kay, Luther.." nakangiti at sabay sabay na salita nila. Nagmamadali pa silang sumakay sa sasakyan nila habang ako ay natubuan na yata ng ugat sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko dahil sa tanong ko.. Wala naman masama sa tanog ko diba? O praning lang ako?
Umiling ako. "Jesus!" I breathe in and out. Napatingin pa ako kay Luther na nakangiti lang at nagkabit balikat.
Pagdating namin sa River Adventure ay nag retouch muna ako. Wala kaming imikan ni Luther, siguro ala siyang energy dahil gutom siya. Hindi ba niya kinain ang nilagang itlog ko? Napanguso ako at hindi mapigilan mapangiti. Naalala ko kasi ang itsura niya ng malaman niya kung anong nilaga ang ulam.
"This is nice," panay ang picture ng dalawang babae na kasama nila Darton. Pakiramdam ko nga ay mapuputol na ang selfie stick na hawak nila dahil kahit saan angulo ang nagpopose sila.
Lumakad kami sa kahabaan ng bridge na napapalibutan ng matataas na puno. Napadaan pa kami sa isang malaking pool na running water galing sa ilog ang laman.
"Is this clean?" Salita ni Draco. Natigilan si Luther at Darton habang masamang nakatingin kay Draco na halatang nagtaka.
"Are you clean?" Natatawang sagot ni Darton na ikinatawa ng bahagya ni Luther. Ako man ay natawa ng bahagya.
"Motherfucker!" Galit na sagot niya at nagpatiuna na ng naglakad. Naiiling ako ng biglang natawa si Luther at Darton. Kung tanga ka, hindi mo maiintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila. Dahil palagi nila akong kasama, alam na alam ko ang mga sinasabi nila. Kahit nga simpleng galaw nila ay alam ko ang kahulugan.
Bumungad sa amin ang kalawakan ng ilog. Nalalaglag ang panga ko sa ganda. May banana boat at jeski. The floating restau and there's a floating pool in the middle of the river. Ang ganda!
"This is paradise!" The two girls giggled. Napatango ako coz' it's indeed paradise. Madaming tao ang tuwang tuwa at tumatalon mula sa floating pool pabagsak sa ilog. May mga sun lounger sa baba kung saan ang way papunta sa floating restau.
"San tayo?" Salita ni Darton.
"We will swim.." both of the girls shouted.
Napakamot ng ulo si Darton at Draco sa dalawa. Umiling ako, ginusto niyo yan e.
"We're going to eat first." Nagulat ako ng akbayan ako ni Luther. Ang mainit na balat niya na dumikit sa akin ay nagbigay ng kakaibang pakiramdam. I got stiffened. I just don't know if naramdaman niya.
"Sama ako," biglang sagot no Draco.
"But you'll join me to swim.." ngumuso ang kasama niya sabay hubad ng dress na suot niya kaya lumitaw ang magandang two piece na suot niya. Sumipol si Luther habang natatawang tinapik ang balikat ni Draco.
"Siya nalang ang kainin mo.." natawa ako ng bahagya ng nalaglag ang panga ni Draco na akala mo virgin pa. Panay ang mura niya hanggang hinila na ako ni Luther sa way ng floating resto.
"Table for two," bungad niya sa sumalubong sa amin. Napansin kong nakatwo piece or swim wear lahat ng nandon kaya hinubad ko na ang aking dress habang kinakausap ni Luther yung lalaki.
"Sas--" biglang natigilan si Luther ng humarap sa akin. Kumunot pa nga ang noo ko dahil tahimik lang siya at bahagyang naka awang ang bibig.
"What?" Takang tanong ko. Lumapit sa akin si Luther sabay hapit sa beywang ko kaya naman ramdam ko ang kuryenteng dumaloy. Hello! Balat sa balat na ang nagtama sa amin.
"Ma'am , sir, here's your life vest." Hindi na sumagot si Luther. Isinoot na namin ang lifevest at sabay na sumakay sa floating resto. Medyo kinabahan pa nga ako ng unang andar nito. Pakiramdam ko kasi ay papasok ang tubig at lulubog nalang basta ito. Alam mo yung balsa na sobrang laki tapos inayos at mukhang sosyal? Who wouldn't be scared? Nasa ilog kami! We don't know how deep the water is when we get far.
Maraming grupo sa gilid na mukhang nagbabakasyon lang din. Umupo kami sa pangdalawahang upuan sa side ni Luther. The food was buffet kaya nakatakot kumuha. Bahagya kasing gumagalaw ang malaking balsa dahil sa current ng tubig.
Nakatingin lang ako kay Luther na kumain na akala mo wala nang bukas. I wonder how he maintained his hot and sexy body? Halimaw siya kumain!
"Huwag niyo ko itutulak!" Sabay kaming napatingin ni Luther sa babaeng biglang tumili. Nagkakatuwaan ang mga kasama niya dahil halata sa babae ang takot. Mukha kasing pinagtitripan siyang ibalibag sa ilog ng mga kasama niya.
"She's hot. I wonder how it feels to touch her.." biglang salita ni Luther. Nakaramdam ako ng baghagyang pagbaligtad ng tyan at panlalamig dahil sa sinabi niya. What's wrong Sasha? Normal na si Luther diba? Yan ang normal niya. Bakit may humaplos sa puso ko na hindi ko mapaliwanag? Am I jealous? Oh God!
"What do you think?" Napasinghap ako at bumalik ang tingin sa kanya. Medyo nailang pa nga ako ng may lalaking topless din sa likod ni Luther ang malaki ang ngiti sa akin. Natulala ako sa lalaki. Feeling close?
Napansin kong tinignan ni Luther ang tinitignan ko. Kumunot pa nga ang noo niya sabay balik ng tingin sa akin.
Tumikhim siya kaya bahagya akong napasinghap. " E, I-I think you go to her.." Eh? Seriously Sasha? Lalong kumunot ang noo ni Luther. Lumapit na yung lalaking kanina ay nakangiti lang sa akin.
"Hi," iniabot niya ang kamay niya sa harap ko. Nagulat nalang ako ng biglang tumayo si Luther at bahagyang natabig yung lalaki. Mabilis pa sa alas kwatro na hinila niya ako dahil pabalik na din ang floating resto sa pampang.
"Hey, why so rude?" Natatawang tanong ko sa kanya. Marahas niyang hinubad ang lifevest niya at ganon din ako.
Natigilan pa nga ako dahil tumatakbong bumaba yung babae kanina na pinagpapatansyahan niya.
"There she is, I thought you want to touch her?" Natatawa kong kinurot ang ilong niya. Nakanguso si Luther pero magkasalubong pa din ang mga kilay niya. Sumeryoso ang mukha niya kaya nawala ang ngiti ko. Nagulat pa ako ng ng hawakan niya ang kamay ko at pagsiklupin ang mga daliri namin dalawa. Humataw ng usto ang puso ko. Ni hindi ko nga mgawang umangal, magtanong o magreklamo.
"Yeah, I want to touch her." Huminga siya ng malalim at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "But I don't want anyone to touch you.." lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Para akong tanga na nakatitig sa kanya wondering if he's serious or joking around. Nadismaya ako ng humarap siya sa akin ng natatawa. Binitawan niya ang kamay ko ng may grupo ng kababaihan ang padating.
"Hi," may bumati kay Luther. Nagulat ako ng humakbang si Luther at sumama sa dalawang babae na bumati sa kanya. Naiwan akong mag isa at laglag ang panga. Putangina! Pagkatapos akong landiin hindi naman ako sasapuhin? Malunod ka sana!