“Ah, ang aga n‘yo ho.” kinusot pa ni Aldrin ang mata at naghikab pa. Umiwas naman ng mukha si Aling Selina, alam niyang hindi pa nagsisipilyo ang binata. Tinakpan pa mga ang ilong na parang bahong-baho sa hininga ni Aldrin. Ang mas nagulat ito dahil umutot na na naman si Aldrin. Kinamot pa ang pige. “Siya, pasensya na sa abala. Nag-alala ako anak, hindi ka kumain kagabi. Masama sa kalusugan iyon.” paalala ng matanda pero agad din kinabig ang pinto. “Matulog ka ulit pero kapag sobra ka sa tulog sasakit lalo ang katawan mo.” “Oho, gigising na rin ako mamaya para mag-gym.” “Mabuti naman kung ganun. Siya ako ay bababa na. Maghahanda ako ng masarap na almusal at mainit na sabaw ha.” tumalikod na ang matanda at nagsimula ng baybayin ang hagdan pababa. Pagkasara ng pinto ay agad na tumakbo

