Nakatitig sa keypad si Aldrin. Tatawagan na sana ni Aldrin ang hipag ngunit nagbago ang kanyang isip niya kaya bigla niyang kinancel ang nai-dial na number. Kailangan maganda ang record niya kay Vionne. Nag-change plan siya. Aborted ang plano niya guluhin ang akala niyang date ng dalawa. Pinindot niya ang home screen ng cellphone. Nag-appear dito ang mukha ni Vionne. Ang tagal na rin niya ng pagtitiis at naghihintay ng tyempo, napakarami ang nangyari. Huminga ng malalim si Aldrin. Kung tama nga lang sana ang mang agaw ng asawa ng may asawa ginawa na niya. Nung bumalik siya sa mansion, ang goal lang niya ay makuha ang parte ng mana. Kung iisipin, hindi naman niya plano na makipag agawan sa kapatid, katunayan, hindi rin niya kayang i-handle ang mga business. Ngunit nang makilala niya si

