Kinabukasan ay halos hindi makalakad si Vionne sa sakit ng buong katawan lalo na ang pagitan ng kanyang hita. Nasa sahig pa rin ang gula-gulanit niyang damit. Magulo ang kwarto at wala na rin si Alex. Sinipat niya ang wall clock. Alas nueve na ng umaga. Kinapa niya ang cellphone upang tingnan ang message ng asawa ngunit wala naman siyang natanggap. Alam niyang nasa opisina na ito. Nanghihina na bumangon si Vionne. Hubo't hubad ang puro pasa niyang katawan. Nanginginig ang kanyang mga tuhod at pakiramdam niya ay lamog na lamog siya. Hindi na niya matandaan kung ilang beses siyang inabuso ng asawa. Sa pagkakataong ito, sigurado siya, mahal niya si Alex. Ngunit hindi niya kaya ang pang-aabuso nito sa kanyang katawan gamit ang s*x toys. Mas nanaisin pa niyang malaspag ni Alex gamit ang kata

