Dilat na dilat ang mata ni Vionne sa singsing pero ang isip niya ay lumilipad kung saan. Deserving ba talaga siyang maging kabiyak ni Aldrin at maging ina ng mga anak nito? Samu't saring isipin ang gumugulo sa utak niya ng mga oras na iyon. Ngunit imbes na hintayin ni Aldrin ang kanyang sagot, kinuha na nito ang kanyang kamay saka sinuot sa kanyang daliri ang singsing. “I won't take no for an answer. Vionne, tumanggi ka na noon at hinayaan kita dahil gusto kong makita kang masaya pero I guess you are meant for me. You are the one for me Vionne. And probably, I am meant and destined for you…” madamdaming pahayag ni Aldrin. Hinalikan pa nito ang kamay niya. Hindi pa rin makapaniwala si Vionne. Tinigil na niya ang kahibangan tungkol sa naudlot na fixed marriage nila ni Aldrin noon at pinil

