“A-Alex…m-may dugo sa….tu-tulungan mo ako…” bulong ni Vionne, nanghihina siya. Hindi niya alam kung sisigaw ba siya upang marinig ni Alex o tatahimik na lang para gawin ang utos nito. Dahil sa takot na baka saktan siyang muli ni Alex, sinikap niyang makatayo at agad na kumuha ng ilang ply ng tissue. Pinunasan niya ang hita. Agad niyang sinilip ang panty, konti lang naman ang dugo. Nagbilang si Vionne sa kanyang daliri saka umiling. Lumampas na ng isang linggo kung kailan siya dapat reglahin. Delayed na pala ang regla niya ngayon. Ngayon lang nangyari na na delay ang kanyang regla. Mamaya na lamang niya papalitan ang panty na may dugo. Kumuha siya ng napkin saka pinatungan lang niya ang dugo upang hindi siya matagalan. Pagkaluto niya na lang balak labhan ang damit na may dugo kapag naligo

