CHAPTER 3: [HOME SWEET HOME]

2022 Words
[Helle’s POV] HALOS hindi ako mapakali sa aking puwesto dahil sa hiyang nararamdaman. Ngayon kasi ang huling araw ng pamamalagi ko sa hospital at kasalukuyan akong karga-karga ni Zhyne sa kaniyang bisig habang naglalakad siya sa hallway. Ramdam na ramdam ko ngayon ang pamumula ng aking pisngi dahil sa hiya lalo na’t maraming tao ang nakatingin sa amin at sari-saring bulungan pa ang aking naririnig tungkol sa kung gaano ka-sweet ni Zhyne at kung gaano ako kasuwerte sa kaniya dahil sa pinapakita nitong pag-aalaga sa akin. Ilang beses ko nang tinangihan ang pangungulit niya sa akin na kargahin ako pero hindi pa rin siya nakikinig, kaya naman ngayon ay naglalakad siya palabas sa hospital habang karga ako. “Zhyne, put me down! Hindi mo na ako kailangan pang buhatin palabas ng hospital. May wheel chair naman d’yan, iyon na lang ang gagamitin ko o kaya maglalakad na lang ako,” muli kong wika sa kaniya habang nakatakip sa aking mukha ng aking dalawang palad para itago ang namumula kong mukha. Halos isiksik ko na ang sarili ko sa matipunong dibdib ni Zhyne dahil sa hiyang nararamdaman pero imbis na ibaba ako ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakarga sa akin. Nanlalaki ang matang tinignan ko si Zhyne dahil sa ginawa niyang ‘yon. Nagtama ang tingin naming dalawa kaya naman kitang-kita ko ngayon ang haggard niyang mukha. Ang dating makinis at walang eyebags nitong mukha ay napalitan ng oily face, tadtad ng pimples at malulusog na eyebags, pero kahit ganoon pa man hindi maipagkakaila na guwapo pa rin ito kahit na haggard na ang kaniyang itsura at pangangatawan dahil sa stress. “No you won’t, wife. Kakargahin kita hanggang sa makarating tayo sa bahay,” sabi niya sa akin habang nakatitig sa akin. Nang marinig ko ang sinabi niyang ‘yon ay bumuntong-hininga na lamang ako at saka hinayaan na lamang siya. Kung masaya siya sa pagkarga niya sa akin, hindi ko na siya kukulitin pa na ibaba ako. “Puwede bang mamaya na lang kayo mag-moment diyan. Respeto naman sa amin na walang partner.” Napalingon ako kay Jhona nang sabihin niya ‘yon. Kasalukuyan siyang nakasunod kay Zhyne sa paglalakad palabas ng hospital habang katabi naman niya sa kaniyang gilid si Jean. Nakita ko ang mapang-asar nilang mga tingin sa akin na siyang mas lalong nagpapula sa aking mukha na pati sa tainga at leeg ay ramdam ko na. Dahil sa hiya mula sa pang-aarar nila ay sinamaan ko sila ng tingin at inirapan. Matapos kong gawin ‘yon ay malakas na paghalakhak nila ang narinig ko mula sa likod. “Ewan ko sa inyo,” naaasar na wika ko sa kanila. “Hindi yata ako mamamatay sa tama ng baril kung hindi sa kahihiyan, eh,” biro ko sa kanila ngunit hindi tawa ang natanggap ko mula sa kanilang tatlo kung hindi ay matalim na tingin. Naiilang na nginitian ko sila at saka nag-peace sign. ‘Mali yata ang naging biro ko, ah,’ bulong ko sa aking sarili at pasimpleng sinulyapan si Zhyne nang maramdaman ko ang paghinto niya sa paglalakad. “You shouldn’t joke about death especially about you, wife. It’s not funny,” may bahid na pag-aalalang sambit ni Zhyne sa akin at saka inilapit niya ang kaniyang mukha sa mukha ko hangang sa magtama ang mga noo namin. Halos maduling na ako dahil sobrang lapit na ng mukha namin kaya naman mariing ipinikit ko na lamang ang aking mga mata nang sa gayon ay mawala ang hilong nararamdaman ko. Nang maipikit ko ang aking mga mata ay naramdaman ko na lamang ang pagpitik niya sa aking noo. Hindi ko na lamang ‘yon pinagtuunan ng pansin dahil nagpasiya na lamang akong matulog habang nasa bisig ni Zhyne. *** [THIRD PERSON’S] “MAUNA na muna kami, Kuya. May gagawin pa kasi kami, e,” paalam ni Jean kay Zhyne nang maiupo na nito si Katana na passenger seat. Lumingon si Zhyne sa kanilang dalawa na nakatayo sa gilid ng kotse. “Okay. Thank you for taking care or her while I was not by her side,” sinserong wika ni Zhyne sa dalawa at muling tumingin sa direksiyon ni Katana na taimtim na natutulog. Hindi makapaniwala sina Jhona at Jean sa kanilang nakikita. Ngayon lamang kasi nila nakita ang pagiging sincere ng kanilang boss. Parati lamang kasi itong seryoso, lalo na no’ng na-comatose si Katana. “No problem. Ginagawa lang namin kung ano ang dapat,” sambit ni Jhona at bahagyang nag-bow kay Zhyne. Tumango na lamang siya at saka naglakad na papunta sa driver’s seat. Nang makaupo na si Zhyne sa loob ay pinaandar na niya ang kotse at tinahak na ang daan patungo sa kanilang bahay. Bago tuluyang pumasok sa kani-kanilang kotse sina Jean at Jhona, pinagmasdan muna nila sa kanilang kinatatayuan ang kotse ni Zhyne na palayo na nang palayo. Nang hindi na nila ito makita ay nagpasiya na silang pumasok na kanilang kotse at pinaandar na ito papunta sa kanilang destinasyon. *** “--- KAY, PUPUNTA na ako riyan,” seryosong wika ni Zhyne sa kausap niya sa kabilang linya at saka pinindot na ang end button. Pagkatapos niyang patayin ang tawag ay inilagay na niya sa bulsa ang hawak na cellphone at lumingon sa direksiyon ni Katana na kasalukuyang natutulog sa kanilang higaan. Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Zhyne at sa hinilot-hilot ang sentido. Labag man sa kaniyang kalooban na iwan si Katana mag-isa sa kanilang bahay dahil sa loob ng dalawang buwan na wala itong malay ay ngayon na lang ulit sila magkakasama pero humahadlang pa ang meeting na ‘yon. Tinawagan siya ng kaniyang granddfather at sinabihan na may gaganaping meeting patungkol sa magiging Mafia Queen ng Inferno Clan. Dahil doon ay kinakailangan niyang pumunta ro’n para pag-usapan ang magiging takbo ng training na kahaharapin ni Katana. Maingat na naglakad si Zhyne para hindi siya makalikha ng ingay papunta sa gilid ng higaan kung saan kasalukuyang nakahiga ang mataimtim na natutulog si Katana. Dahan-dahan niyang umupo sa gilid ng kama at marahang hinawi ang nakahawang na buhok nito sa mukha para mas maayos niyang makikita ang natutulog na itsura ng kaniyang asawa. Muling tumunog ng cellphone ni Zhyne sa kaniyang bulsa ngunit hindi na niya ‘yon kinuha at saka sinagot, bagkus ay pinagtuunan na lamang niya ng pansin si Katana. Dahan-dahang inilapit ni Zhyne ang kaniyang mukha sa mukha ng kaniyang asawa. “I’ll be back, wife,” bulong ni Zhyne sa tainga ni Katana nang ilapit niya ang kaniyang mukha rito. Pagkatapos no’n ay hinalikan niya ang noo ni Katana at saka tumayo na mula sa pagkakaupo sa gilid ng higaan. Bago tuluyang umalis ay muli siyang sumulyap kay Katana at saka bumulong ng mga katagang ‘I love you.’ at tuluyan ng lumabas ng kanilang kuwarto. Hindi na nagsayang pa ng oras si Zhyne dahil agad rin siyang sumakay ka kaniyang kotse at nag-drive na papunta sa building kung saan gaganapin ang kanilang meeting. Pagkaraan ng limang minutong pag-alis ni Zhyne sa kanilang kuwarto ay idinilat na ni Katana ang kaniyang mga mata at saka bumangon na sa higaan. Pagkababa niya sa kama ay dumiretso na siya papunta sa study table para kuhanin ang kaniyang cellphone. Nang mabuksan na niya ang kaniyang hawak na cellphone ay tinawagan na niya sina Jean at Jhona para papuntahin sa kaniyang bahay habang wala si Zhyne dahil kailangan nilang pag-usapan ang tungkol sa ipinag-utos nito sa kaniyang mga kaibigan. “Pumunta na kayo rito dahil umalis na si Zhyne,” wika ni Katana kina Jhona sa isang conference call nang sagutin na nina Jean ang tawag niya. Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay pinatay na niya ang call nang sumang-ayon na silang dalawa. Malakas na bumuntong-hininga si Katana matapos niyang mailapag sa study table ang hawak niyang cellphone. Naglakad si Katana patungo sa kaniyang closet at kinuha ro’n ang kaniyang balabal at inilibot ito sa kaniyang katawan, pagtapos no’n ay naglakad na siya papunta sa tapat ng pinto ng balkonahe ng kanilang kuwarto at saka binuksan ito. Mahigpit niyang hinawakan ang balabal na nakapalibot ka kaniyang buong katawan nang bigla na lamang humihip ang malakas at malamig na simoy ng hangin nang buksan niya ang pinto. Hindi nagtagal ay humakbang na siya palabas ng kuwarto at pumunta na sa balkonahe at tumingin na siya sa labas para hintayin ang pagdating nina Jean at Jhona. Tahimik sa buong paligid, walang tunog na nagmumula sa mga sasakyan, sigawan ng mga tao at kung ano pa man. Tanging huni ng mga insekto at ng mga nagbabanggaang dahon sa puno ang kaniyang naririnig sa paligid dahil ang kanilang bahay ay matatagpuan sa pribadong lupain na pag-aari ng mga Smith. Ipinasadya na rito sa pribadong lupain nila ipinatayo ni Zhyne ang kanilang bahay bilang mag-asawa dahil alam ni Zhyne na miss na ni Katana ang buhay sa probinsya, kaya naman dito niya na isipan para mana kahit papaano ay malibang si Katana at malayo sa polusiyon. Kung tungkol naman sa seguridad ni Katana kapag wala si Zhyne, walang problema ro’n dahil mayroon namang bodyguards na nakapalibot sa kanilang bahay para magbantay kay Katana. Pagkaraan ng sampung minutong paghihintay ni Katana kina Jhona at Jean ay narinig na niya mula sa ‘di kalayuan ang tunog ng dalawang sasakyan ng kaniyang mga kaibigan at dahil madilim sa paligid, mabilis na makikita ro’n ang ilaw na nagmumula sa kotse nina Jean at Jhona. Bago makapasok sa loob ang dalawang kotse nina Jhona ay dumaan muna ito sa masusing pagi-inspeksiyon ng mga guards sa main entrance. Hindi rin mawawala ro’n ang scanner ng kanilang fingerprints at mata para i-identify ang kanilang pagkakakilanlan. Hindi nagtagal ay bumukas na ang main gate, kasabay no’n ang ay pag-andar papasok ng dalawang kotse. Nang makita na ni Katana na papalapit na sa kanilang bahay ang kotse ng kaniyang kaibigan ay nagpasiya na siyang umalis sa balkonahe. Isinarado na niya ang pinto nito at lumabas na ng kuwarto. Mula sa second floor ng kanilang bahay ay naglakas na siya pababa. Hindi na niya nagawa pang ilibot ang tingin sa paligid dahil mas kinakailangan niyang salubungin ang dalawa sa living room. Nang makarating na si Katana sa living room ay narinig na niya ang malakas na pagpreno ng dalawang kotse sa harap ng kanilang bahay kung saan ito pumarada. Dahil narinig na ni Katana ang paghinto ng dalawang kotse ay magpasiya na siyang umupo sa sofa para hintayin ang pagpasok nina Jhona sa loob. Pagkaupo niya sa sofa ay narinig na niya ang pagbukas ng pinto na siyang nasa harapan ng living room at hagdan na papunta sa second floor. “Ate Helle, where are you?” bungad na tanong ni Jean matapos buksan ng isang maid ang pinto. Habang naglalakad sila papasok sa loob ay inililibot nila ang tingin sa paligid at hindi nila maiwasang hindi mamangha sa ganda ng kabuuan ng bahay nila Katana. “I’m here,” wika ni Katana at saka itinaas na niya ang kaniyang kamay para kuhanin ang atensiyon ng dalawa. Nang marinig nila ang sinabi ni Katana ay sabay silang lumingon sa direksiyon kung saan nanggagaling ang boses nito. Naglakad na sila patungo sa sofa na siyang kaharap lamang ng kinauupuan ni Katana. Bago umupo ay binati muna nila si Katana at bahagyang nag-bow. “Take a seat,” utos niya sa dalawa at saka tinuro ang mahabang sofa na nasa harap niya. Hindi na nagdalawang-isip ang dalawa dahil umupo na sila sa sofa na nasa harap ni Katana. Pagkaupong-pagkaupo nina Jhona at Jean sa sofa ay agad nilang inilapag sa salaming mesa na nasa pagitan ng kanilang upuan ang bitbit nilang mga armas, ang mga daggers, pistols, ammos at ang katana ni Katana, at documents na naglalaman ng impormasiyon ng Megan Family na ipinag-utos na kanilang dalawa. “We brought everything you need, Helle,” sambit ni Jhona kay Katana na seryosong nakatingin sa mga bagay na nasa ibabaw ng mesa pagkatapos no’n ay malawak itong ngumiti, dahil sa wakas masisimulan na niya ang paghihiganti sa mga taong nanggulo sa tahimik niyang pamumuhay at ang nanakit sa mga mahal niya sa buhay. To be continued…

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD