Date: September 1, 2021 CHAPTER 9 NAGISING ako dulot ng malamig na hanging tumatama sa ‘king balat, kaya naman kahit pabagsak-bagsak pa ang aking talukap ay idinilat ko talaga ang aking mga mata at hinanap ang kumot. Nang makapa ko ito ay agad kong hinila para takpan ang aking katawan. Bakit ba sobrang lamig ngayon? Parang wala akong saplot kung lamigin ako nang ganito. Bago ko tuluyang ipinikit ang mga mata ko pabalik ay pinasadahan ko pa ng tingin ang katawan ko. Sisipatin ko lang sana kung nakatulugan kong suot ko ang sando ko kaya ako giniginaw ngayon pero nang gawin ko iyon ay mas malala pa roon ang nakita ko! Agad na namilog ang aking mga mata, mas malala pa sa hinala kong sandong suot ang nakita ko dahil hubo’t hubad ako mismo sa ilalim ng makapal na puting kumot! Napaba

