KABANATA 46 “Papa, inurong po ninyo ang kaso laban sa mga Ferrer?” Agad na bungad ko kay papa nang sa wakas ay maabutan ito sa opisina niya rito sa bahay, ang alam ko kasi ay tuwing Friday night mas maaga talaga itong umuuwi ng bahay para makipag-bonding kay Popoy at Nicole. “Nakausap ko po siya noong Wednesday lang.” Natulala siya nang ilang segundo, tila nag-iisip ng sasabihin. “What did he say to you?” “Marami...” naalala ko ang mga pinagsasabi ni Charles, kahit si Kael ay ayaw umimik nang tanungin ko patungkol doon. Hindi ko na lang inisip pa gaya ng sinabi ni Kael at ang gusto ko lang malaman ngayon ay kung bakit inurong ni papa ang kaso. “Halos kuhanin po nila ang buong pag-aari ninyo, hindi ba?” Nag-alis sa akin ng tingin si papa at itinuon ulit ang pansin sa mga papeles na bi

