KABANATA 41

2980 Words

KABANATA 41 LUMALIM ang halik ni Kael kaya sinuklian ko rin ng parehong init ‘yon. Hindi ako nagdalawang-isip lalo na’t sa ngayon ay sigurado na ‘kong sa bisig niya lang gumagaan ang pakiramdam ko. Gusto ko sanang sa pagkakataong ‘to, malaman ko naman kung anong mangyari kung sundin ko ang sinasabi ng puso ko. Sinalubong ko ang mga halik ni Kael matapos kong ipikit ang mga mata ko. Hanggang sa maramdaman kong malapit na kaming maubusan ng paghinga, narinig ko itong dumaing, iniakyat ni Kael ang kaniyang kamay sa ‘king braso saka ko naramdamang hinawakan niya ‘ko roon nang sobrang higpit. “Zarina...” “Hmm?” Nagtama ang mga tingin naming dalawa nang ilang segundo niyang titigan ang mga mata ko, tila kinakabisado ang hitsura ng mga iyon. Maya maya pa ay umakyat ang malaki nitong palad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD