KABANATA 21 KINABUKASAN, naunahan kong magising si Charles, mukhang mahimbing na mahimbing pa ang tulog niya kahit na 10 AM na ng umaga pagkasilip ko sa wall clock. Siguro dahil sa sobrang pagod ng araw niya kahapon pati sa dami ng nainom nilang hard liquor kagabi. Chineck ko ang phone ko at nagulat nang makakita ng mensahe mula kay Meira. Mukhang kagabi pa ‘to nai-send at ngayon ko lang nabasa. From: Meira ZARINA! Napakunot ang noo ko. Bakit na naman kaya? Nagtipa ako ng reply. To: Meira Good morning, ano ‘yon Mei? Ilalapag ko pa lang sana ang cellphone sa maliit na corner table nang mag-vibrate na ito. Mensahe ulit galing kay Meira ang bumungad sa ‘kin. From: Meira Nakauwi ka na ba?! Or nandiyan ka pa rin? Kasama mo si Charles? To: Meira Oo nandito pa rin. Ano meron, Mei?

