KABANATA 7 PAGKARATING namin sa mismong labas ng Parking Lot ay nag-abot agad ng cheque si Kael kay Francisco, ngayon na halos nanginginig ang mga kamay ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko nahimasmasan ako nang kaunti kahit na umiikot pa rin ang buong paligid dulot ng kalasingan. Nakita kong sumunod din sa ‘min ang tatlong lalaki na palagi kong napapansin na kasama ni Kael sa tuwing nagpupunta rito sa bar. Sa hitsura nilang tatlo, sa kulay ng balat, sa ayos ng kanilang buhok at sa pananamit... halatang-halata na magkakaibigan nga sila. Mga elite customer ng bar mula pa noon. “Kael, anong gulo ‘to?” nagtatakang bungad nila kay Kael pero hindi sila tinapunan ng atensyon nito. Mahigpit pa rin ang hawak niya sa braso ko habang tiim-bagang na nakatitig lang sa grupo ni Francisco. Babayaran niya

