KABANATA 5

3113 Words
KABANATA 5 MABILIS na natunton namin ni Kael ang apartment kung saan ako nakatira, tinulungan niya rin kami ni Popoy na dalhin si Nicole sa pinaka-malapit na ospital, noong una ay hindi pa nga kami halos intindihin ng mga nurse dahil marami rin ang mga pasyente sa oras na ‘yon pero nakita kong may kinausap si Kael na doktor, at ‘yon mismo ang personal na tumingin sa kapatid ko sa ER. Halos hindi ako makapag-isip nang maayos kaya naman kahit naghihintay lang sa labas ng ER ay panay ang panginginig ng buong katawan ko. Si Popoy naman na kaninang iyak nang iyak ay nakatulog na lang sa waiting area. “Calm down now, Zarina. The doctor’s my personal friend I know him, I’m sure he’ll take good care of your sister,” seryosong sabi nito. Halos ilang minuto na ring nandito lang si Kael, hindi rin siya umaalis at nagpapasalamat ako dahil mabilis naming naisugod sa ospital si Nicole dahil sa kanya. Hinilamos ko ang aking palad. “Hindi ko kaya...” nabasag ang boses ko dulot ng kanina pang pinipigilan na iyak. “Silang dalawa na lang ang mayro’n ako,” Hindi ko intensyon na magpakita ng weakness sa kahit na kanino at lalong hindi ko gustong umiyak sa harap ng ibang tao, lalo na kay Kael na hindi ko naman kilala, pero sobrang bigat ng mga problemang dumadagan sa ‘kin ngayon. “They’re your siblings? Where are your parents?” Mapait na ngumiti lang ako at hindi na naglakas-loob pang tapatan ang tingin niya. Bumuntong-hininga na lang ako. “Hindi ko rin alam kung pa’no sasagutin ang tanong mo, tanong din naming magkakapatid ‘yan matagal na,” Bukod sa maagang pagkamatay ni mama, hanggang ngayon ay wala na rin kaming idea kung nasaan ang tatay namin. Tumango-tango si Kael. “Don’t you want to find your father’s whereabout? May sakit ang kapatid mo at hindi biro ang hospital bills,” Agad na nag-angat ako ng tingin sa kaniya. “Alam mong nawawala siya at dapat namin siyang hanapin?” nagtatakang tinitigan ko si Kael. Sa’n niya naman nalaman ‘yon? Wala akong pinagsasabihan patungkol sa mga personal kong problema kung hindi ang mga malalapit kong kaibigan lang, na sigurado naman akong hindi niya kilala. Naglikot ang mga mata nito saka nag-iwas ng tingin at kamot-ulong nagpaliwanag. “I just assumed that he’s-“ Hindi natuloy ang sinasabi ni Kael nang bumukas ang pinto sa ER at niluwa niyon ang doktor, hinuhubad ang gloves na nilapitan kami nito. “Kael,” napunta ang tingin sa ‘kin ng doktor. “How’s the patient?” si Kael ‘yon nang mapansing mas lalo akong kinabahan, kahit ang pagsasalita at pagtanong ay ikinatakot ko na rin yatang gawin. “I saw the patient’s recent MRI laboratory result and compared it to the MRI that I just requested earlier. Minatch ko rin ang symptoms ng kapatid mo, Miss Ramirez, dalawa ‘yon na nagpakitang may meningiomas siya. They can cause problems by pressing on patient’s brain. Confirmed, may tumor ang pasyente.” Halos nabato ako sa kinatatayuan ko habang nakikinig sa pagpapaliwanag ng doktor, kulang na lang ay gumuho ang mundo ko. “Some tumor have no symptoms until they’re large then cause a rapid decline in health, in Nicole’s condition, her body showed us symptoms that led us to early diagnosis. We’re still lucky in that point, Miss Ramirez.” Patuloy na pag-aalo ng doktor. “P-Pero kaya niyo naman po siyang gamutin? Magbabayad na lang po ako... kahit anong halaga! Basta maging maayos lang po ang kalagayan ng kapatid ko,” pakiusap ko sa kaniya. “Hindi ako diyos, Miss Ramirez, but we can perform biopsy to check kung pwede tayo magsagawa ng surgery sa pasyente and remove the tumor before it damages the brain meninges,” sambit ng doktor. “May iba pa po bang paraan, doc?” nag-aalalang asik ko. Pakiramdam ko ay napaka-delikado ng surgery, natatakot ako para sa kapatid ko. “May doktor po kaming napuntahan no’ng nakaraan, radiotherapy po ang sinuggest niya,” Tumango agad ang doktor kaya kahit papaano ay lumuwag ang dibdib ko. “Kung hindi naman pwede dahil masyadong delikado ang pwesto ng tumor sa utak, we can set aside the surgery at mag-radio therapy sessions ang pasyente. Five sessions ‘yon at medyo mabigat sa bulsa,” “How much will it cost, Jacob?” agad na pagsingit ni Kael. “30 thousand pesos per session,” kaswal na sagot ng doktor saka tinapik nito ang balikat ni Kael. “I got to go, excuse me,” naglakad ito paalis. Mariin na ipinikit ko ang mga mata ko sa sobrang stressed at hinilot ang magkabilang sentido. Tumikhim si Kael at seryoso ang mga matang tumingin sa ‘kin. “I’m not happy to hear about your sister’s condition but I want you to know that I’m still willing to help you.” Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. “’Yung tulong mo may kapalit,” halos ilingan ko ito. At hindi lang 'yon basta materyal na bagay o pera rin, puri ko 'yon bilang babae! Kael shrugged his shoulders. “Nothing comes free these days, Zarina. Besides, that's all I'd ask in return, hindi rin ako matandang lalaki gaya ng mga customer mo sa loob ng bar." "Kael-" "I want you, that's it. Kung tatanungin mo ulit kung bakit kita pinipilit, that's because I want you," he gave a lopsided grin. Nahirapan akong mag-iwas ng tingin mula sa mga mata niyang puno ng emosyon na hindi ko matukoy kung ano. Nagtatakang kinunutan ko ito ng noo. "Bakit?" His jaw tightened. "Kailangan pa ba ng rason? You kept on asking me why, pwede na bang I just don't want our first night to be our first and last? We'll benefit from each other, Zarina." "P-Pag-iisipan ko," PAGKATAPOS ng pag-uusap namin ni Kael kanina ay iniwanan ko na ito para samahan ang kapatid ko sa kwartong pagco-conefine nito, sinuggest ng doktor na h’wag munang pauwiin si Nicole para masuri pa nang mabuti. Alam kong mas lalong bibigat sa bulsa bawat araw na itatagal namin dito sa ospital lalo na’t private pa ang pinagdalhan ni Kael, pero kung makakatulong para sa kapakanan ng kapatid ko, kahit ilang milyon pa ‘yan, hahanapan ko na lang ng paraan. At si Kael. Hindi ko na ito napansin pa sa paligid, siguro umalis na o umuwi sa kanila. Halos may araw na rin sa labas no’ng iniwanan ko siya sa hallway. Na-appreciate ko ang tulong na ginawa niya para kay Nicole pero hindi pa rin ako makapaniwala sa kaniya. Hindi ko lang maisip kung gano’n ba siya talaga, nacha-challenge ba siya sa pag-ayaw ko sa ino-offer niya kaya persistent pa rin ito sa pamimilit? Hindi sa pagiging ungrateful sa alok niya, maluwag sana sa ‘kin kung hindi lang... gano’ng bagay ang kapalit. Hindi ko maiwasang magtaka. Ang daming babae sa paligid, bakit siya magsasayang ng malaking halaga ng pera sa katulad ko? Gano’n ba siya kayaman para magtapon ng pera makuha lang ang gusto? “Zarina, pasensya ka na ito lang talaga ang mapapahiram ko sa ‘yo. May hinuhulugan pa kasi kami sa bahay at car ng parents ko,” paliwanag ni Meira saka inabot ang puting envelope. Tanghali na ngayon at ilang oras na rin akong tulala sa malamig na kwarto kung saan naka-confine ang kapatid ko, habang si Popoy naman ay tulog rin sa tabi nito, tinawagan ko si Meira para humingi ng tulong, wala pang tatlong oras nang bumisita ito. “Meira, ‘wag ka ngang humingi ng pasensya. Ako ‘yong nakaabala, babayaran ko na lang kapag nakaipon ako ulit, kailangan ko lang talaga,” nahihiyang sambit ko. Tinanggap ko ang envelope pero nagtaka nang makitang may isa pa siyang ibinibigay. “No problem, Za! Itong isang envelope naman, ambagan ‘yan ng workmates natin sa La Satina. Kahit papaano nakaabot ng 15 thousand, mare.” Ngiti niya. Napaawang ang bibig ko. “Ang laking tulong na nito. Nakakahiya naman sa kanila,” wala pa naman akong masyadong ka-close sa hotel bukod kay Meira. “Hindi ako nagulat diyan, Za, ‘matic na tumulong sila sa ‘yo dahil malalaki naman ang sahod nila sa hotel at walang binabayarang maraming gastusin ‘di gaya ng kalagayan mo.” Ani Meira. Bigla itong umupo sa tabi ko saka nanliit ang mga mata. “Alam mo kung saan ako nagulat?” Natatawang tinaasan ko ito ng kilay. “Saan?” “’Yung hotel managing director natin, si Sir Ariel. Nagbigay siya ng malaking halaga I don’t know kung pautang sa ‘yo o donate, 100 thousand pesos ang una niyang sinabi, nadulas siya ng sinabi sa ‘kin!” mariin niyang kwento. Nanlaki ang mga mata ko. Gano’n kalaki? Hindi naman ako masyadong kilala ng hotel managing director ng La Satina, tinanggap niya nga lang akong aplikante ro’n kahit na hindi talaga ako isa sa mga napili ng HR dahil sa pinakiusapan kong si Meira. Hindi ko alam kung paano niya nagawang napilit si Sir Ariel pero hindi ko na siya kinulit pa, masaya ako na may stable job ako kahit papaano bukod sa pagiging waitress ng bar. “But the thing is, hindi ‘yon natuloy, mare. Naudlot! Ang 100 thousand pesos ay naging 10 thousand na lang!” nanlalaki ang mga matang kwento niya, hindi ko tuloy alam kung matatawa ako dahil dito kay Meira. “Bakit daw? Pero okay lang naman, Meira, malaking tulong pa rin ‘yon. Sa’n ko naman mapupulot sa panahon ngayon ang 10 thousand pesos?” naiiling na tugon ko sa kanya. Mahinang hinampas nito ang braso ko saka sunud-sunod na umiling. “Hindi! May bigla kasing dumating sa hotel, hulaan mo na lang kung sino!” “Spill it, Meira.” Biglang naging curious na segunda ko. Sino? “Kael Valencia!” Napaangat ang mga kilay ko. “Narinig niya yata kaming nag-uusap no’n, right before Sir Ariel handed the cheque ay sumingit na siya. Nag-usap sila saglit sa corner habang ako, I’m shocked! Magkakilala pala sila?” Kumibit-balikat ako. “Mayaman si Kael, ikaw na ang nagsabi na may-ari siya ng malaking liquor company at resorts chain, magkakaibigan ang mga mayayaman.” Pabirong sabi ko saka nagpunta ng titig sa mga kamay. “Ay tama! Pero ayun nga, mare, pagbalik ni Sir Ariel, nagmamadali siya na binigay ‘yung cheque na 10 thousand lang. Nahiya naman ako umangal kasi nagsabi na siya ng 100 thousand, barya lang naman ‘yon sa kanya ano! Ayun, suspicious si Kael sa ‘kin... hindi kaya pinigilan niya si sir?“ nanliliit ang mga matang ani niya. Punung-puno ng pagsususpetya ang mga mata. “I’m sure hindi naman aabot sa gano’n si Kael. Wala naman siguro siyang galit sa ‘kin para gawin niya ‘yon,” natatawang sambit ko. Isa pa, bago lang kami nagkakilala... marami naman siguro siyang pwedeng pag-interesan na babae riyan at hindi kailangan umabot sa gano’ng bagay. “Oh well!” pagsasawalang bahala na lang ni Meira saka lumapit sa lamesa, naglabas ng mga prutas mula sa paperbag na dala at inilagay sa plato. “Nag-worry talaga ako sa ‘yo saka rito sa kapatid mo kanina pa, gusto ko na nga mag-out kaagad sa hotel kung hindi lang maraming trabaho sa ads.” Pagkatapos ng ilang oras pa ay nagpaalam na rin si Meira para bumalik sa hotel at magtrabaho. Sobra pa sa sobra ang pasasalamat ko na may kaibigan akong gaya niya sa gan’tong sitwasyon, sila Earl at Marie mula sa bar naman ay gusto ring dumalaw dito kung hindi lang talaga nagkaro’n pareho ng biglaang lakad. Ilang oras pa ang lumipas, kahit kumurap ay natakot na ‘kong gawin h’wag lang mapabayaan sa pagbabantay ng kalagayan ni Nicole, nagising lang siya maya-maya saka kumain ng tanghalian. “Ate, nasa’n tayo?” paos ang boses na tanong niya. “Huy, ate! Nasa hospital tayo!” ani Popoy sa kanya. “Ang ganda rito may aircon, ‘no!” Hinaplos ko ang buhok ni Popoy sa tabi ko saka ngumiti kay Nicole. “Nawalan ka ng malay kanina, ano pa ba mga nararamdaman mong kakaiba sa katawan mo? Hindi ka nagsasabi sa ate,” pigil ang pag-iyak na tanong ko rito. Alam ko sa sarili kong marami rin akong pagkukulang sa kanila, halos buong araw akong wala sa apartment para magtrabaho sa hotel kapag umaga at sa bar naman kung gabi. Iniiwanan ko lang sila ng pagkain at pera. Naaawa ako sa mga kapatid ko. “Madalas lang sumakit ulo ko, ate. Nahihilo ako gano’n.” Mahinang sabi ni Nicole saka nag-abot ng apple mula sa bedside table. “Tapos minsan nahihirapan ako magsalita, ate. Parang... delayed ‘yung pagsalita ko.” Mabagal na ani niya. “Eh, ate, ano raw bang mayro’n bakit nangisay si ate Nicole kanina?” curious na tanong ni Popoy. Ilang segundo akong natulala sa kanya, hindi alam kung sasabihin ba ang totoo o h’wag na. “Kapag nangingisay parang may sakit yata na malala, ate. Gano’n sa mga kdrama na napapanood ko,” segunda naman ni Nicole. Nagpeke agad ako ng tawa. “Huh? Ano ka ba, wala... wala kang sakit na malala. H’wag kang mag-isip nang ganiyan baka ma-stress ka pa. Ang sabi lang naman ng doktor, may... may titignan lang siya sa mga tests sa ‘yo, ‘yun lang.” Ngumiti lang si Nicole at nakipagkwentuhan sa bunso naming kapatid tungkol sa ibang bagay. Nakipagkulitan ako sa kanila kahit na halos maluha-luha ako sa sobrang lungkot, minsan napapaisip na lang kung bakit... sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit kami pang walang mga magulang ang may ganitong uri ng mga problema? Pagsapit ng hapon ay binilinan ko si Popoy na bantayan maigi si Nicole sa silid nito, kailangan ko lang umuwi ng apartment para kumuha ng mga damit at ilang mahahalagang gamit. Mukhang matatagalan ang stay namin sa hospital. Sa ngayon ay may 75 thousand pesos ako, kasama na ro’n ang... binayad ni Kael sa nangyari sa ‘ming dalawa. Ang laking bagay, napailing na lang ako. Pero kung tutuusin ay kulang pa, sa hospital bills, sa mga gamot at sa parating na biopsy ni Nicole. Kulang na kulang pa. Bumuntong hininga ako, ilang beses ko na rin yata ‘to nagawa sa buong araw ngayon pero hindi naman halos nababawasan ang bigat sa dibdib ko. Bukod sa mga test, sa biopsy at sa radiotherapy sessions ay may medications pang kailangan. Kung ako lang ay iiyak na ako nang malala kanina pa, kung hindi lang talaga makikita ng mga kapatid ko at kung hindi ko lang kailangang maging malakas sa paningin nila. “Para po, kuya! Diyan na lang sa tabi,” wika ko sa tricycle driver matapos ituro ang apartment na katabi ng malaking tindahan. Pagkababa ko mula ro’n at pagkabayad sa driver ay agad na bumungad sa ‘kin ang maingay na landlady. “Hoy, ito na pala si Zarina! Diyos ko! Dumating ka rin!” malakas na bungad niya, nagpapanic siya at hindi mapakali pati ekspresyon ng mukha. Marami ring mga tao sa paligid, lalo na ang mga tsismosa naming kapitbahay. “B-Bakit, ate?” nagtatakang salubong ko sa kanya. “Anong bakit! May bisita ka!” galit na ani niya saka hinampas ako ng pamaypay niya sa braso. Nakakunot ang noo na binalingan ko sila. “Aray ko naman, ate, sino raw ba? Saka bakit nagagalit ka, masama na ba magkaro’n ng bisita ngayon?” “Masama! Masama lalo na kung gano’n ang mga bisita mo, naninira ng pinto!” Napaawang ang bibig ko nang madatnan sa third floor ng apartment ang tinutukoy niya kung nasaan ang kwarto naming magkakapatid. Bumungad nga sa ‘kin ang sirang doorknob na parang pinilit buksan ang pinto, halos matumba rin ‘yon na parang pinaghahampas ng matigas na bagay. “Sinong gagawa nito?” galit at kinakabahang pinasok ko ang loob ng apartment. Bumungad sa ‘kin ang limang lalaking kilalang-kilala ko. Nakaupo ang tatlo sa maliit na upuang gawa sa kahoy saka ‘yong dalawa ay naabutan ko pang pinagbabasag ang lahat ng makitang babasagin na gamit namin. “Anong ginagawa niyo rito?! Sinong nagsabing pumasok kayo para manggulo rito!” halos mapaawang ang bibig ko sa sobrang gulo ng apartment ngayon. Maliit lang ang silid at nagkalat lahat ng sira na gamit namin! “O, bakit ngayon ka lang?” bungad ng isa. Si Francisco. Tumayo ito mula sa kinauupuan habang maangas na nag-unat ng leeg. Natatakot na napaatras ako ng hakbang nang makalapit siya sa ‘kin. “Tatakbuhan mo ba kami?” gigil ito na hinawakan ang braso ko saka piniga ‘yon nang sobrang higpit, takot na tinitigan ko lang siya habang salubong na ang mga kilay, “Isang linggo ka nang walang bigay ng pera, baka nakakalimutan mong wala pa sa kalahating milyon ang nababayaran mo.” “F-Francisco... wala pa ‘kong mabibigay sa ‘yo, naospital ‘yung kapatid ko ka-“ “Hindi ko na problema ‘yon!” bulyaw niya. “Uutang-utang sa ‘min ‘yang nanay mo tapos hindi pala magbabayad nang maayos?!” “Babayaran ko na lang sa susun-“ “Boss,” pagsingit no’ng isang lalaking kasama niya, namilog ang mga mata ko nang makitang inabutan niya ng kutsilyo si Francisco na inabot naman ng huli, nilapit nito ‘yon sa mismong leeg ko. Hindi ko na alam kung paano pa papakalmahin ang sarili ko. Alam ko kung anong klaseng mga tao sila Francisco, myembro sila ng malaking organisasyon ng ilegal na sugalan. At dahil makulit ang nanay ko, walang pakialam sa sarili niyang nangutang siya mula sa mga barumbadong lalaking ‘to. Isang milyon ‘yon na hanggang ngayon ay pinaghihirapan ko pa rin bayaran. “Rinig ko ngang naospital ang kapatid mo, pero huli na ‘to, Zarina.” Pinadaan niya ang kutsilyo sa pisngi ko, halos manginig ako nang maramdaman ang malamig na patalim sa aking balat. “’Yung kulang mo na 700 thousand, kailangan ko na ‘yon-“ “O-Oo! Hindi naman ako tatakbo! B-Babayaran ko naman-“ “Kailangan ko na ‘yon sa Linggo mismo! Kapag hindi mo pa ‘ko binayaran... ‘di ako nagbibiro, Zarina, papapiliin na lang kita kung kutsilyo o bala ng baril ang gusto mong tumapos sa ‘yo.” Pananakot niya. Marahas na binitiwan niya ako pagkatapos no’n kaya naman napasubsob ako sa sahig, bago pa sila umalis ng apartment ay pinagsisipa pa ng mga ito ang mga gamit. Takot at nanginginig na natulala ako sa pintuan kung saan sila lumabas. TO BE CONTINUE...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD