LESSON 28 “Mother’s Revenge” “SIGE, Ate Elvira. Basta iyong almusal ko bukas, huwag mong kakalimutan. Tapos, alam ko may maliit na silid malapit sa kusina. Doon ka na lang mag-stay,” ani Kelly kay Elvira. Yumukod lang ito sa kanya bilang pagsagot. Medyo weird para sa kanya ang kilos ni Elvira ngunit alam naman niya na hindi kukuha ang mga magulang niya ng taong magbabantay at magsisilbi sa kanya na hindi mapagkakatiwalaan. Paalis na sana siya nang may bigla siyang maalala. “Oo nga pala. Akyatan mo naman ako ng warm milk sa kwarto ko sa itaas para makatulog agad ako. Second door sa left. Okay?” utos niya. “Okay po, ma’am.” Matapos iyon ay umakyat na siya sa kanyang silid. Tinignan muna niya ang kanyang cellphone kung may message siya ngunit wala. Naalala niya bigla si Morgan. Nag-aal

