LESSON 13 “The Black Mirror” “I CAN’T believe na magbabaon ka ng paksiw na bangus, Angela! That’s gross! Tapos natapon pa talaga? Wala ka bang pambili ng pricey food container?” Narinig ni Charlotte ang tanong na iyon ni Morgan kay Angela. Pababa na ang mga ito ng bus habang siya ay nasa baba na. Nasa mental health hospital na sila kung saan sila mag-o-outreach program. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Charlotte na iniligtas siya ni Angela mula sa pagkakapahiya. May mga tao pa rin pala talaga na kahit gawan mo ng masama ay kabutihan pa rin ang isusukli sa iyo. Kung hindi nito inako ang ulam niya paniguradong ipinahiya na siya ni Morgan at pinagtatawanan pa rin siya hanggang ngayon. “Ipinagluto kasi ako ng nanay ko. Actually, favorite ko iyon!” sagot ni Angela. “Eww!!! P

