Please VOTE! Hindi siya naka tulog ng maayos. Mas malala pa iyon sa pag gawa ng mga paper works sa opisina. At dahil hindi nga siya dalawin ng antok ay ginawa niya na lahat ang report para sa susunod na buwan pati na din ang mga bago nilang marketing strategy. At ang mga ka kailnganin nilang papeles para sa opening ng bagong branch ng Legaspi Mall sa Subic. Ang lahat ay na tapos niya ng gabi na iyon. Marahil ang dahilan kung bakit hindi siya maka tulog ay dahil sa halik na pinag saluhan nila ni Woodman. Agad naman na binura niya iyon sa kanyang isip. Mukha ba siyang easy girl kaya siya pinagla laruan nito? "Nakaka inis ka Woodman! Arghh!" Na iinis na sambit niya. Kina bukasan pagbaba niya sa kuwarto ay nasa baba na din si Woodman at hini hintay siya. Naghi hikab pa ito mukhang biti

