Chapter Four – In relationship Status?
*Cheche P.O.V*
"s**t! Matalo sana siya, matalo sana siya." Paulit ulit kong dasal habang nasa silid ako, hindi parin ako mapakali. Ang bweseyt ginawa ba naman akong pusta? Anong akala niya sa akin cheap?! No hindi ako makakapayag! Bahala siya sa buhay niya!
Hinawi ko ang kurtina at mula sa itaas natatanaw ko ang mga kaganapan sa ibaba, lalong lalo na ang nagaganap na labanan sa pagitan nina Matt at Sir Joshua.
↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔
*Matt P.O.V*
"Sir Joshua, pagbigyan mo na ako ngayon lang please?!!!" pa simpleng bulong ko sa kanya, ng masangga niya ang atake ko. Alam ko naman sa sarili kong hindi ko siya matatalo.
"Bakit ba gustong gusto mong maging girlfriend ang batang 'yon? Gusto mo bang mamatay ng maaga? Kilala mo naman siguro kung sino sino ang guardian ng babaeng iyon at isa na ako doon." Si Sir at itinulak ako.
Muli ko siyang inatake. "Please?" paawa ko.
"Pagnatalo ako, ako ang mapupunta sa Danger Zone kaya, it's a big NO." sabay pigil na pwersang sinapak ako sa panga. "Ops? Napalakas yata?"
Nadama ko ang panga. "Sir, gagawin ko lahat ng gusto niyo after, just gimme this, hmm?"
"Convince me."
"I like her."
He sighed, "Fine, hit me."
Napangiti ako at malakas na sinapak siya sa panga at kunwaring na knock-out siya, haha! Lahat sila naghiyawan, alam kong nanunuod siya mula sa malayo, wala siyang magagawa ngayon kundi ang titiisin ang presenya ko, tuturuan ko siya kung paano ako dapat igalang at katakutan!
"Starting today, Chescka Reubal ay official ng girlfriend ko." sigaw ko. Tumingin ako sa itaas at napansin ko ang pagsara ng kurtina niya sa itaas. Humanda ka ngayon sa akin.
↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔
*Cheche P.O.V*
"I have a reason why I let him won over me." Sir Joshua, nasa loob na kami ng isang building and nasa harapan siya habang may bitbit na isang chalk? "And besides, siya lang ang naglakas ng loob na kalaban ako, so I gave him the chancen to have his reward, kaya naman officially today Matt Jong ok and Chescka Reubal ay mag bf-gf na."
Namumula na ako sa hiya dahil naririnig ko ang mga tuksuhan ng ilan sa amin, habang ramdam ko naman ang mga titig ng mga ilang kababaihan na obviously type si Matt. Tumabi si Matt sa akin, pasimpleng inapakan ko ang mga paa niya sa inis ko.
"Holding hands, hugs, kisses are allowed in the end of our class, at gaya ng alam niyo, no s*x allowed here."
Inilapit ni Matt ang bibig sa tainga ko, "My foot, kung ayaw mong mahalikan kita dito mismo." Pagbabanta niya sa akin, inalis ko na ang kaliwang paang nakaapak sa mga paa niya. "Good."
Sir Joshua clapped at may isinulat na ito sa blackboard.
"Is there no chairs? Nangangalay na ang mga paa ko!" reklamo ng isa.
"None, kung gusto mo, pwedeng kang maupo sa semento." Sagot ni Sir Joshua. Muli siyang humarap sa amin, at ngitian ng matamis ang babae na kaagad naman natunaw ang pagkainis sa mukha nito. "Dahil natalo ako, ipapakita ko sa inyo kung ano ang Danger Zone, para narin warning sa inyong lahat, pero bago ko iyon gawin kailangan ko ng volunteer para samahan ako sa Danger Zone."
Nagtaas ng kamay ang babaeng kanina lang nagreklamo. "I want to."
Sir Joshua shook. "No, I need a boy, anyone?"
"Ako." Napalingon kami ng may magsalita, hindi naman siya nakakatakot pero nasa mukha nito ang pagka bossy at seryoso, malaki din ang butas ng tainga nito at may piercing sa gilid ng kilay nito. Lumapit ito kay Sir Joshua pero malakas na sinuntok ito ni Sir sa sikmura kaya nawalan ito ng malay.
Napatakip sa bibig ang babaeng naglakas ng loob na mag presenta kanina lang, kung nagkataong ito ang nasuntok sa sikmura!
"Ohhh" kami ng umikot ang blackboard at nakita namin ang isang glass door, muling nagsara iyon at umikot muli para bumalik sa blackboard pero sa pagkakataon ito ay isang malaking screen na ang pumalit sa blackboard at nakikita namin sila sa loob.
Lahat ng atensiyon namin, natuon sa monitor at nakita ko rin ang kaseryosohan sa mukha ni Matt sa tabi ko. Titig na titig siya sa monitor at parang pinag aaralan niya ang mga nagaganap sa loob.
DANGER ZONE TAKES YOU IN YOUR WORST NIGHTMARE...
Sabi ng isang recorded voice sa screen, nakita namin ang volunteer habang nakatayo lang at nakapikit ganun din si Sir Joshua, at ang sumunod na lumabas ay nasa isang madilim na sila at pinakita sa amin ang volunteer habang tumatakbo, puno ng dugo ang mga damit nito at umiiyak.
"NO!" sigaw nito ng may humawak sa mga braso nito, umiling iling ang nakatayong volunteer na akala mo nararamdaman niya talaga ang nasa isipan niya na ngayon ay nakikita namin.
Hindi ko na nakita ang sumunod na eksena dahil biglang tinakpan ni Matt ang mga mata ko at hindi lang iyon, niyakap niya pa ako at isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. "H'wag mong tingnan, 'wag mong pakikinggan." Sabi niya, at tinakpan ang mga tainga ko.
Togodog.. godog.. dog dog... DOGDOG DOGDOG! Anong nangyayari sa akin?!!!
Ilang minuto at tinanggal na niya ang mga palad sa tainga ko, at medyo itinulak ako ng kaonti at umalis na. Anong nangyari dun? Ha? Anong nangyari? Tapos na?! sa isip ko. Muling umikot ang blackboard at lumabas doon ang volunteer na pawisan, kaagad na nilapitan ito ng isang seksing babae pero galit na iwinaksi nito ang mga kamay ay nagtuloy-tuloy na ito sa labas.
Napasunod ang tingin ni Sir Joshua dito at napabuntong hininga. "Okey class, dismiss."
↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔
Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko si Matt habang seryosong kausap ang volunteer sa isang sulok, napatakip sa mukha ang volunteer habang napapasabunot sa sarili nito, maya't maya naman ang pagkausap ni Matt sa kanya, pero hindi ko naman maintindihan ang pinag-uusapan nila.
Halos mapasubsob ako ng may biglang bumangga sa akin mula sa likuran. "Ang luwag ng daan, Miss." Sabi ko sa isang babaeng nakatattoo na yata ang kilay dahil lagi nalang iyong nakataas. Maarte itong naglakad at gamit ang hintuturo nito dinutdot ang noo ko.
"You don't know me. So step aside and don't block my way." Sabi niya sa akin, napansin ko kaagad na may mga alalay na ito, ang isa ang taga dala ng bag niya, ang isa naman sa mga books niya at ang isa naman ay extra lang, kumbaga utos utusan. Well, the girl is really something, mayaman sa kutis palang at galaw nito, parang hindi pa ito nakakatikim ng hirap.
Muli niyang dinutdot ang noo ko. "Next time pag nakita mo na ako, tumabi ka, maliwanag ba?" sabi niya.
Taas noong nakipagtitigan ako sa kanya. "Wala akong paki-alam kung sino at ano ka pa, pero sa susunod na gawin mo pa kung ano mang ginagawa mo sa akin ngayon, sisiguraduhin kong manghihiram ka ng mukha sa aso." Naglakad ako palapit sa kanya, habang dahan dahan naman siyang umatras, nasindak yata. "Mayaman kalang, samantalang..." binulungan ko siya. "I kill."
Napalunok siya, at mabilis na naglakad palayo sa akin, habang nagsunuran dito ang tatlong alalay niya.
"Next time na hayaan mo silang gawin sayo ang nakita ko, humanda ka sa akin." Si Matt, seryosong nakatingin siya sa akin, lalong lalo na sa noo ko. "Ngayong girlfriend na kita, ayaw kong mag papa api ka sa kanila."
Togodog godog.. dogdog godogdog..
Lumapit siya sa akin habang wala naman akong maapuhap na sagot sa sinabi niya, kailan pa ako nawalan ng sasabihin? Putsa naman oh.
Malameg parin ang pakikitungo niya sa akin, at ang expression ng mukha niya... hiwakan niya ang mga kamay ko. "I don't want you to call my name. Don't call me any, no endermeants, just nothing."
"Baliw kanaba?"
Hinila na niya ako, napatitig ako sa kanya, para ng nakita ko na siya, saan nga ba? Ayst di ko maalala... bakit ba ang ilap niya? Bakit hindi ko mabasa ang mga naiisip niya? Bakit ang cold niya...
PLEASURE ZONE, iyon ang nabasa ko, inilahad ni Matt ang pulsuhan para matatakan, sumunod naman ako, hindi niya parin binibitawan ang mga kamay ko. "Eat everything." Maya't mayang sabi niya.
"Mas gusto kong pumasok sa loob ng Playhouse." Ako.
"Kakain tayo at hindi tayo maglalaro." Siya.
"Eh sa gusto ko ngang maglaro!" Ako.
Hinila niya ako papasok sa loob eat all you can 'house of foods' pilit na hinihila ko ang mga kamay ko, pero mas lalong humihigpit lamang iyon. "Pagsinabi kong kakain tayo, kakain tayo." Siya.
"At pag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko!" ako.
Huminto siya at hinila ako palapit sa kanya, napapikit ako ng malanghap ang hininga niya, gadangkal nalang ang mga labi niya sa mga labi ko. "Wag na wag mo akong susuwayin, hangga't girlfriend kita, susunod ka sa gusto ko."
"Hindi mo ako girl-"
Togodog godogdog dogodog...
Hinapit niya ang baywang ko at mariing hinalikan sa mga labi. Hanggang sa malapit na akong madarag sa mga halik niya! Kakapit na ang mga braso ko sa batok niya sana ng siya na mismo ang kusang huminto.
"Sige, maglalaro nalang tayo." Aniya.
Napakurap kurap ako. "At puso ko ang taya." Bulong ko.
Kami na yata... siguro?
↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔
A/N: What do you think about this series? Did you like it? Did you find it interesting? If yes please do comment para may guts ako na ipagpatuloy pa ito. Haha! Kidding, tatapusin ko talaga ito. So hanggang sa muli, dahil magtratrabaho na muna ako para hayahay ang buhay ^_^