Chapter Five – The Threat
*Matt P.O.V
I kissed her, yes I did. But I dunno why! I like kissing her, I like the way she fought against me. She is something and she has something I didn't see in the others girls.
"Sige maglalaro nalang tayo." I told her, I dragged her inside of the playhouse. "Have fun!" iniwan ko na siya.
"Teka.. sandali.." siya sabay pigil sa mga braso ko. "Ayaw mo ba talagamg maglaro? Masaya to, promise!"
Paano ko ba sasabihin sa kanyang hindi ko kayang maglaro? I stopped playing after Jean gone. I shook my head and ignore her. Huminto ako sa paglalakad ng maramdaman kong sumusunod siya sa akin. Nilingon ko siya and there I saw her, watching me back.
"Kung ayaw mo talagang maglaro, pwede bang kumaen nalang tayo?"
Napatitig ako sa kanya, now I remember her. On the triple wedding, yeah.. I signal her to come near to me using my middle finger, she grinned.
"Your mean! Stop using your middle finger." Sabay kapit sa braso ko.
"Are we this close?" I asked. Mas humigpit ang hawak niya sa mga braso ko.
"Very close." She answered and this time siya naman ang kumaladkad sa akin sa loob ng food house.
——————-
"Hmmm! Ang sarap!' siya habang kabi-kabila ang pagkain sa kamay niya. Wala siyang pakialam mag mukha man siyang ewan sa harap ko. "And this one too!" sabay pulot sa shrimp ng maubos na ang pagkain sa kanan niya, habang wala pang bawas ang nasa kaliwa niya.
"You're gross!" komento ko. "I understand this is 'eat all you can' pero ganyan kanaba ka patay gutom?"
Inirapan niya ako. "Hindi ako nakapag breakfast dahil sayo!" napapikit ako dahil may laman pa ang bunganga nito at anytime pwede iyong tumalsik sa pagmumukha ko.
"Pero nakakakain kanaman ng ganyan dahil rin sa akin, and please don't talk when your mouth is full. Kadiri ka."
Muli niya akong inirapan, pero hindi na siya nagsalita kundi pinagpatuloy pa nito ang pagkain at parang enjoy na enjoy pa sa pagdampot sa kung ano ano na lang!
———————
"Saglit... lang.." napakapit siya sa braso ko at napakagat labi, palabas na kami sa Pleasure Zone dahil tapos na ang oras namin. Isa iyon sa mga nakuha kong reward dahil sa kunwaring pagkakapanalo ko laban kay Sir Joshua.
Nagsisimula ng uminit ang ulo ko sa kakulitan ng babaeng ito. "Bakit ba?!" asik ko sa kanya.
"Kasi.." sabay hawak sa tiyan niya at ang nakakabinging "POOOOOOOOOOT"
Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. "What the... ang baho!" itinulak ko siya kaya medyo napasadsad siya sa gilid, mabibilis ang mga hakbang ko pabalik sa white building.
"Hoy!!! Sandali lang!" nahihirapang sigaw niya, napahinto ako at nilingon siya, nakita ko siyang namimilipit sa sakit sa tiyan. Hayst! Ang takaw takaw kasi! Bweseyt to ah! Napipilitang nilapitan ko siya.
Inilalayan ko siya sa pagtayo.
"Sa... sa CR tayo, hindi ko na talaga kayang pigilan to!" siya.
"My God!" ako ng muling marinig ang pag utot niya. Halos kaladkarin ko siya para lang mapabilis kami sa loob ng CR. May mga babaeng nakatambay pa doon at ewan ko kung ano ang ginagawa, dahil nagbubulungan lang naman ang mga ito sa loob.
"All of you! Get out!" I shouted. Ang iba ay dali-daling lumabas samantalang nanatili naman ang isa sa loob at parang walang narinig na ipinagpatuloy ang pag aayos sa mukha nito. "Hey you, hindi mo ba ako nari-"
"Tama na yan!" ang bweseyt na si Cheche at mabilis na pumasok na ito sa cubicle.
"Hindi mo ba alam na bawal kang pumasok dito?" sabi sa akin ng babae habang naglalagay ng lipstick sa mga labi niya. Halos wala ng itago sa katawan nito pero nakapagtatakang naka paa lamang ito.
Hindi ko siya sinagot, binuksan niya ang pouch at muling inilagay ang lipstick sa loob nun. "Matt Jong Ok, Young Master.." bulong niya. Nakita ko ang kakaibang ngisi sa mga labi niya. "Is she your girlfriend?" tanong niya sa akin.
Kinabahan ako pero hindi ako nagpahalata. "Is none of your business." I answered coldly.
Nagkibit balikat siya at nag spray ng pabango sa katawan nito. Nakita ko ang kakaibang tattoo sa batok niya ng minsang inayos niya ang buhok niya, katulad ng tattoo ng aking ama. "You.."
She smirked at me and pointed her finger to me pagkatapos sa pintoan naman ng CR ni Cheche. "Bang bang! Watch out little boy." At pakendeng na itong umalis sa harap ko, bumukas ang cubicle at nakita ko ang nakangiting mukha ni Cheche.
"Success!' aniya, umiling ako at nagpatiuna na sa labas, hindi ko na siya hinintay pa, hinanap ko ang babae sa loob ng CR pero wala na ito, sino siya? Bakit ngayon ko lang siya napansin sa loob ng campus? At bakit pareha sila ng tattoo ng akig ama?
————————-
Napapikit ako ng makasamapa ako sa kama ko, parang ang bigat bigat ng katawan ko na hindi ko maintindihan. Iniisip ko parin kung sino ang babaeng iyon, bakit niya ako kilala? Mariin akong pumikit, baka isa lang siya sa mga walang magawa dito sa loob ng campus.
"Hoy.." tawag sa labas. Napatakip ako ng unan sa mukha, alam ko na naman kung sino ang nasa labas. "Hoy!" may angil na sa boses niya. Naku naman! Naiiritang bumaba ako sa kama at pinagbuksan ito.
"Ano na naman ba?" kaagad na asik ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto.
"Kukunin ko lang PO sana iyong COLORED na panty ko? Unless gusto mo iyong amoy amoyin bago ka matulog?"
"In your dreams." Tinatamad na bumalik ako sa kama ko, naramdaman ko ang pagpasok niya sa loob at hinanap nito ang naiwang panty sa loob. Nagmamaktol ito.
"Pambihira naman oh, hindi nalang ibigay sa akin." Bubulong nito. Napatitig ako sa kisame.
"Cheche." Tawag ko sa kanya.
"Bakit hoy?"
I frowned. "Bakit ba panay hoy ang tawag mo sa akin?"
Hindi makapaniwalang napatingin siya sa akin. "Bakit ang hindi? Eh diba ayaw mong tawagin kita sa pangalan mo o kahit na ano? Kaya HOY ka ngayon sa akin, gets? Madali naman akong kausap eh." Aniya sabay, pasok sa banyo.
"Wala diyan." Ako at bumangon. "Nasa garbage bag na." ako, galit na hinarap niya ako pagkalabas ng banyo at namaywang pa talaga ito.
"Wala kang karapatang itapon ang bagay na hindi naman sayo!" sigaw niya sa akin. "Hindi mo ba alam na may sentimental value sa akin ang panting iyon, ha?!" nakita ko ang pagsungaw ng luha sa mga mata niya.
"Ano bang dinadrama mo diyan? Para panty lang? at mukhang cheap naman iyon ah? Problema mo?"
Malakas na inapakan niya ang mga paa ko kaya napaigik ako.
"Break na tayo!" sabi niya sabay punas ng luha at lumabas na sa silid ko. Napatitig lang ako sa nilabasan niyang pinto, para panty lang? nagkakaganun na siya? Pambihira! Tumayo ako para isara ang pinto, pero napatigil ako ng makita muli ang babae habang nakatingin sa nakasaradong pintoan ni Cheche at tiningnan ako at ngumisi. Lalapitan ko na sana siya pero kaagad na siyang nakapasok sa loob ng silid niya, kung ganun ka floor lang namin siya, sino ba talaga siya?
——————-
*Cheche P.O.V
Naiinis na ibinalibag ko ang pintoan ng makapasok ako sa sariling silid. Sino siya para itapon ang bagay na hindi naman sa kanya? Mahalaga sa akin ang panting iyon, dahil iyon ang unang regalong natanggap ko mula sa inay at itay ko.
Mahirap lang naman kami, lumaki ako sa pamumulot ng bote, dyaryo at plastic sa lansangan, kailan lang ng mabago ang buhay namin ng muling dumating sa buhay namin ang ate Alice ko na nawalay sa amin ng labing isang taon.
Dahil narin sa kanya kaya nabago ang itay ko at ang inay ay mas inaalagaan na ako, at ang panting iyon ang unang regalo nila sa akin ni Itay. Pinahid ko ang luha, Oo alam nilang palaban ako o matapang, dahil iyon ang tinuro sa akin ng aking karanasan sa buhay. Hindi ibig sabihin na mahirap ka eh papaya ka nang apak apakan ang pagkatao mu ng sinuman.
Masama talaga ang loob ko sa hayup na iyon, kaya break na kami, bahala siya sa buhay niya basta hindi ko na siya boyfriend! Bahala siya bweseyt!
Napatingin ako sa pinto at may napansin akong isang sulat na pilit na pinapasok sa kwarto ko. Napabangon ako, at kinuha iyon sabay bukas ng pinto, pero wala naman akong nakitang tao. Muli kong isinara ang pinto at binuklat ang papel.
Die.
Iyon ang nakasulat sa papel at may kiss mark sa papel. Hindi ako nakaramdam ng takot, muli ko iyong itiniklop at balewalang natulog, masama parin ang loob ko sa pagkawala ng panty ko.
↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔