Chapter Six – Palaban Girl Tears
*Cheche P.O.V
Kinabukasan, maaga akong nagising kahit wala pa ang nakakarinding alarm sa amin, mabilisang naligo ako at nagbihis para mag jogging. Medyo madilim dilim pa sa labas, pero nakikita ko na ang mga bantay sa school na pagala gala at ang iba ay nag i-exercise din sa bawat sulok. Isinara ko ang kurtina at bumaba na, sakto dahil nasa ikalabing limang palapag kami, kaya pagbaba palang ay siguradong exercise na.
"Morning? Ang aga mo yata ngayon?" napalingon ako ng makababa na ako sa ground floor. Nakita ko si Erick habang pawis na pawis.
"Morning din sayo, palagi kabang maagang gumigising?" tanong ko sa kanya.
Tumango siya. "Actually tapos na ako mag exercise, pero pwede naman kitang samahan kung gusto mo?"
"Hindi na bro, ako na ang sasama sa kanya." Biglang sulpot ni Matt. Iniripan ko siya ng mapatingin ako sa kanya.
"Sige Erick, samahan mo ako." Ako kay Erick. Mabilis na hinawakan ako ni Matt sa mga braso.
"Ako ang sasama sayo, at hindi siya, baka nakakalimutan mong girlfriend kita?"
Manghang binaklas ko ang mga kamay niya sa braso ko at hinarap siya. "Hoy, FYI lang ha? Niligawan mo ba ako? Diba hindi? Sinagot ba kita? Diba hindi?"
Nakipagtitigan siya sa akin, at para akong matutunaw sa paraan ng pagtitig niya sa akin. "But we kissed." Sabi niya.
"You kissed me." Ako.
"And you let me." Siya.
Wala akong maapuhap na sagot, dahil tama naman talaga siya, hinahayaan ko siyang halikan ako, napailing si Erick sa amin, at tinapik nito ang balikat ni Matt at pumasok na ito sa loob ng canteen para siguro mag kape.
"Ano? Mag iinarte kaparin ba?" siya ulit.
"I maybe an easy, but I am not cheap!" bulyaw ko sa kanya. Napataas ang kilay niya sa sinabi ko, at nandoroon na naman ang malameg na pakikitungo niya sa akin, binunggo niya ang balikat ko at nilagpasan na ako.
Nasundan ko nalang ng tanaw ang likod niya habang papalayo sa akin. "Hi? You need company?" sabi sa akin ng isang sexing babae. Kita ang makinis na tiyan niya at ang mahahaba niyang mga bente. Nanliit ako bigla.
"Sure, no problem." Sagot ko. Nagsimula na kaming tumakbo ng dahandahan. "What is your name? tanong ko sa kanya, pero wala akong makuhang sagot. Tiningnan ko siya habang tumatakbo kami, kaya naman pala, dahil nakasuksok na ang headset sa tainga nito. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagja-jogging ng tahimik.
"Thank you!" sabi niya ng matapos kaming mag exercise. Kaagad na nakaalis siya sa harapan ko hindi ko siya nasasagot.
"Ano yun? Adik lang? aw magtataka pa ba ako? Lahat naman ng nandito eh mga adik." Kausap ko sarili ko.
——————
Napahiga ako sa Bermuda grass sabay dipa ng mga braso, para akong nasa isang paraiso, malaya.. parang abot kamay ko ang langit, itinaas ko ang mga kamay at parang iginuguhit ko doon ang bagay na gusto ko, at biglang nalang tumulo ang luha ko.
"What the heck." Ako sabay punas sa pisnge.
"Gaano ba kahalaga sayo ang panty na iyon at iniyakan mo?"
Mabilis na napabangon ako ng marinig ko ang boses ni Matt, sumalampak siya sa tabi ko.
"Wala ka ng paki doon." Ako.
Natahimik siya at siya naman ang nahiga sa Bermuda at ginaya ang ginawa kong pagguhit sa langit. "Bakit ka nga umiyak?" pangungulit niya.
"Bakit pag sinabi ko ba? May magagawa ka?" ako.
Muli siyang natahimik and this time, wala na akong narinig na salita mula sa kanya. Did I hurt his feelings? Duh? Para namang manhid to. I sighed. "Fine sasabihin ko na."
Napatingin ako sa langit at nahiga narin habang nakaunan sa sarili kong mga palad sa likod ng ulo ko.
"Iyon ang unang regalong natanggap ko mula sa parents ko, hindi kasi ako nag ce-celebrates ng birthdays ko, hindi ko naranasan noon na may cake o tumanggap ng kahit na anong regalo para sa birthday ko. Pero biglang nagbago nalang lahat, ang bilis ewan.." I paused. Nilingon ko siya, "Nakikinig kaparin ba?"
"Uhm." Siya, at may ginuguhit parin sa langit.
"At iyon na nga, sa unang pagkakataon, binigyan nila ako ng regalo nung twelve years old na ako." Napangiti ako. "Kahit ang cheap lang nun, pero iyon ang isa sa mga masayang sandali ng buhay ko."
Bigla siyang bumangon at tumayo, napabangon narin ako. "hoy!" tawag ko sa kanya ng maglakad na siya palayo sa akin. Tama ba naman 'yon? Nagkwekwento pa ako eh! Bastos talaga nun! Kainis!
===============================================================================================