Chapter Seven – Young Master Nightmare

1191 Words
Chapter Seven – Young Master Nightmare *Matt P.O.V Shits! Where is the goddamn trash bag? Naikot ko na ang lahat ng mga sulok pero wala na ang trash bag kung saan ko itinapon ang letseng panty na iyon. Napasabunot ako sa buhok, ano ba kasing merun sa panting iyon para lang iyakan? Hindi porke't regalo iyon ng mga magulang niya eh ganun nalang kung pahalagahan. But what I am doing here right now? f**k! This is not me. Paaalis na ako ng may biglang tumikhim sa likuran ko, napalingon ako ang there I saw Boss Andrew, looking back at me in his most serious way. "Boss Andrew!" napasinghap ako at mabilis na tinapik ko siya sa balikat. "Sir Andrew." He corrected, isa siya sa mga magiging professor namin, kaya mas nakakatakot pa ang mga mangyayari sa amin sa loob ng eskwelahang ito. Tinapik niya rin ako sa balikat. "What are you searching for? Maybe I could help? Habang hindi pa nagsisimula ang klase ko sa inyo." He offered. I shook my head, baka mabugbog ako ng de oras pag malaman niya kung ano ang hinahanap ko. "Nothing important." I answered him. "Hey dude! I found it!" ang nakangising mukha ni Christian ang sumulpot habang nasa daliri nito ang colored panty na hinahanap ko. Shits.. Mabilis na hinablot ko iyon at itinago sa likuran ko. "Nice to see you again, Sir!" ako sabay talikod. "Matt." Si Sir Andrew sabay hawak sa balikat ko. Napaatras ako ng kaunti at kahit na si Christian ay mabilis na nag exit, ang hayup! Hindi man lang ako sinubukan tulungan? Pahamak talaga. "Yes Sir?" Isang suntok sa tiyan ang sinagot niya sa akin, kaya napayuko ako sa sakit. Kinuha niya ang colored panty sa mga kamay ko. "Hindi mo maitatago sa akin ang totoo, anong merun sa inyo ni Cheche?" "Nothing Sir, at bakit naman po nasali dito ang pangalang iyan?" I denied, at pinilit na ituwid ang katawan ko. Umiling siya at ipinakita sa akin ang ilalim ng garter at napamura ako ng makita ang pangalang nakaukit doon, in bold letters pa! CHESCKA. "Anong merun sa inyo ni Cheche?" tanong sa akin ni Sir Andrew. "She's my girlfriend." Sagot ko. Tumawa siya. "Seriously?!" hindi makapaniwalang sabi niya at muling ibinalik sa akin ang panty. "Don't hurt her, alam mo naman siguro ang kakalagyan mo pag nangyari iyon kaya lang, warning... mas malala pa siya sa Ate niya." Humalakhak ito, napangiti narin ako. Pero maya't maya naging seryoso muli ang hitsura ni Sir Andrew, tumapat siya sa akin at may ibinulong na ikina estatwa ko naman ng ilang segundo bago nanghihinang napaupo sa gilid. ——- *Cheche P.O.V Napahawak ako sa ulo ko ng may tumamang ano mang bagay, handa na akong bulyawan ang kung sino mang pangahas na batuhin ako pero natameme ako ng makita si Matt na seryosong seryoso. Pinulot ko ang paper bag na ibinato niya sa akin, at binuksan iyon, natuwa ako ng makita ang panty ko pero pag angat ng mukha ko ay wala na ito sa paningin ko. "Nakita niyo na ba iyong new Prof natin? He is so damn handsome! So masculine!" one girl giggled. "Hey alam niyo na ba ang balita? Papasok daw sa danger zone si Matt!" pagbabalita ng isang humahangos at may hawak pa talaga sa dibdib. Doon napukaw ang atensiyon ko sa sinabi niya, bakit naman siya papasok sa danger zone?! Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang room kung nasaan ang sinasabing danger zone, pero napatigil ako ng makita sa bawat sulok ang mga untouchable screen at doon nakita ko ang nakapikit na si Matt Jong Ok. Napatitig ako sa kanya. Bakit.. Napailing iling siya hanggang sa dalhin siya ng kanyang imahinasyon sa pinakakinatatakotan niya sa buhay niya. Doon nag flash sa amin ang isang masayang mukha ng isang batang babae, habang pumipitas ng mga bulaklak sa malawak na garden. Napahigpit ang hawak ko ng paper bag ng makita ko naman doon ang batang Matt na palapit sa batang babae, habang nakangiti. Pero bago pa niya mahawakan ang batang babae, ay bigla nalang nag iba ang paligid at naging sementeryo iyon at doon nakayukyok ang batang babae sa nitso. "Hindi mo ako tinulungan! Pinatay mo ako! Pinatay mo ako!" pagsisigaw ng batang babae sa harapan ng nitso. Muling lumabas sa eksena ang younger version ni Matt na pilit na inaabot ang batang babae pero hindi niya iyon mahawakan. Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Matt habang nakapikit at umiling iling. "Jean.. I'm sorry... I'm sorry..." paulit ulit na banggit niya. Parang may kung anong pumupunit sa dibdib ko sa nasaksihan. Hindi ko namalayang pati pala ako ay napaluha na, mabilis na pinahid ko ang luha ko at tumakbo sa likod. Napasubsob ako sa palad, hindi ko alam kung bakit ako naiiyak sa mga sandaling ito, kung bakit ko pa nakita ang bagay na iyon, bakit ko pa nalaman.. May nag-abot sa akin ng isang panyo, ang babaeng nakasabayan ko sa pag jo-jogging, tinanggap ko iyon. "Salamat." Ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin. "Do you love him, don't you?" Hindi ako makasagot sa sinabi niya. "It is okey to love him, pero hangga't kaya mo pang pigilan ang feelings mo, lumayo kana sa kanya, dahil masasaktan ka lang, or not mapapahamak sa piling niya." "Who are you?" tanong ko sa kanya. Muli lang iyang ngumiti sa akin at umalis na, nasundan ko nalang siya ng tingin, pero ano bang pinagsasabi niya? Bakit naman ako mapapahamak? "Ops sorry?" sabi ng isang lalaki ng muntikan na akong matamaan ng nilalaro niyang cap at naka skate board din siya. Bago lang sila sa mga paningin ko, hindi ba namin sila nakasabayan nung first day? Pinulot ko ang cap at ibinalik iyon sa kanya. "Sorry denied hindi naman ako natamaan eh." Tinangap niya ang cap at muling isinuot. Kinindatan niya ako at muli ng sumakay sa skate board nito. Paliko na ako ng makasalubong ko si Matt, napakagat-labi ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Huminto ako ng matapat ako sa kanya, pero nagtuloy tuloy lamang siya at binunggo ako a balikat. "Matt.." Mabibilis ang hakbang ko pasunod sa kanya. "Sandali lang.." ako sabay hawak sa kamay niya, huminto siya at mahigpit na hinawakan ang mga palad ko at hinila niya ako para ikulong sa katawan niya, para akong na estatwa habang yakap yakap niya. "Makinig ka sa akin," mahinang bulong niya. 'wag kang mawawala." Napakurap kurap ako sa sinabi niya, pabilis ng pabilis ang kabog sa puso ko.. gusto ko naba siya? Napapikit ako at hinayaan ko ang sariling damhin ang kakaibang pakiramdam na iyon. Marami akong gustong itanong sa kanya, marami akong gustong malaman, gusto ko siyang makilala ng lubusan, sino ba siya sa likod ng malameg at aroganteng katangian na ipinapakita niya? Pero iba ang lumabas sa bibig ko. "Bakit ka napasok sa Danger Zone?" ↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD