KASALUKUYAN akong lulan ng kotse ni Vina ngayon. Nagpasama ako sa kaniya para puntahan ang beach resort na pagmamay-ari ni Dale. Mabuti na lamang at nagawa akong masamahan nitong kaibigan ko, dahil aminado naman ako na kailangan ko talaga nang makakasama sa mga pagkakataong ito. Alam kong walang kasiguraduhan na makikita siya roon pero gusto ko pa ring makasiguro sa pamamagitan ng personal kong pagpunta. Sa mga nakaraang araw, matamlay ako. Pero nagpapasalamat ako dahil nasa tabi ko si Lander para alalayan ako. Hindi niya ako pinapabayaan sa kabila ng mga pinapakita ko. Tahimik lang si Lander tungkol sa kung ano ang dinadala ko ngayon. Hindi niya pa rin alam na si Dale ang dahilan kung bakit mas madalas pa akong tulala dahil sa pag-iisip sa kung ano na ang nangyayari kay Dale. Hindi ko

