Chapter 36 Venice - Sa pagmamasid sa kabuuan ng kwarto ni Leo ay halos manlaki ko ang mga mata nang makita ang nag-iisang naka-frame na nakasabit sa pader, katapat ng kama ni Leo. Sa sobrang puti ng dingding ay kitang-kita iyon at agaw-pansin din ang kulay nitong pink. It's my panty for f*cking sake! Literal na bumagsak ang panga ko sa sahig, kasabay nang pamumula ng magkabilaan kong pisngi. Hindi pa maiwasan na mag-init ang batok at ulo ko sa labis na inis, para pa akong napanawan ng kaluluwa. Tunay pala talaga ang sinabi ng lalaking iyon. Pina-frame nga ng bwisit! Hindi ko na talaga alam kung dapat ko na ba siyang ipa-admit sa mental hospital. Argh! Pati ako ay mababaliw na rin sa kaniya. Tangkang lalapitan ko ito para sana tanggalin nang biglang may kumatok sa pintuan, wala pa sa

