Chapter 39 Venice - "Girlfriend?" bulong ko kay Leo, saka pa ito sinamaan ng tingin. Rason iyon upang pisilin niya ang kamay kong hawak nito na kahit hindi niya ako lingunin ay kaagad kong nakuha ang gusto nitong mangyari. Ngunit kahit na ganoon ay hindi pa ring maiwasan na mangunot ang noo ko. Sa sinabi pang iyon ni Leo ay mabilis pa sa alas kwatrong lumundag si Shantal sa kaniyang pagkakaupo at kaagad akong niyakap sa leeg ko. Sa kalutangan ay natulala ako, maang ko pang binalingan si Leo na ngayon ay nakangiti lang. Umawang ang labi ko. Girlfriend? Did I just say yes to him while moaning? Gusto kong matawa, pero huwag ngayong natutuwa itong si Shantal, kaya ilang sandali pa nang suklian ko ang mahigpit nitong pagkakayakap. Kalaunan nang pakawalan ako ni Shantal, sa kadahilanan pa

