Chapter 44 Venice - "Wo—wow! Wife? Seriously?" hindi makapaniwalang saad ng babae. "Nagpapatawa ka ba? Huwag mo nga akong binibiro—" "What is your name?" pagpuputol ulit ni Leo dahilan para matahimik ang babae, kapagkuwan ay literal na bumagsak ang kaniyang panga sa gulat. Halos matawa naman ako, hindi mawala-wala ang ngisi sa labi ko habang pinapanood kung paano mamula ang mukha niya, marahil sa pinagsamang galit at kahihiyan. Well at least, hindi ako ang dahilan nang pagkapahiya nito. "Oh, my f*cking goodness. What do I expect from you?" angil nito, bago ako masamang tinitigan. "I don't know you, Miss. So please, stop wasting our time." Tumalikod na si Leo upang harapin ang kaninang napili niya. Napanguso ako, nginisian ko pa iyong babae at saka ko naman hinawi ang buhok ko sa p

