Chapter 10 Leo - Kung kay Warren lang din naman ang punta niya ay tama lang ito. Mabuti nang maprotektahan ko ang kaibigan ko sa isang mangkukulam, okay na sa akin kahit ako iyong nakulam ni Venice. Tanggap ko na iyon simula pa lang noong unang kita ko sa kaniya. Sa biyahe ay naging tahimik kami ni Travis, hindi pa nagtagal nang huminto kami sa isang coffee shop. Matapos nitong mai-park ang kotse sa tapat ay nauna na akong bumaba, sumunod naman ito. Sandali kong pinagmasdan ang loob ng shop mula sa salamin nitong dingding. Pilit kong hinahanap iyong makaka-blind date namin ni Travis. Katulad ng parating nakagawian ay maghahanap kami ng chix online, saka kami makikipagkita sa napag-usapang oras at araw. Ngayon nga ay mangyayari ang double date kuno, ako ang nakahanap ng chix na nagnga

