Binuksan ko ang locker ko at kinuha ang mga gamit na kelangan ko para sa subject ko ngayong umaga. Pagsarado ko ng locker ko, aalis na sana ako ng biglang may humarang sa akin na dalwang babae. Tinaasan nila ako ng kilay habang naka crossed arms . Tinitigan ko lang sila ng walang kahit anong emosyon sa mukha ko.
"Nasaan ang assignment ko ngayong umaga?" tanong ng babaeng akala mo kung sino kung umasta . Sya si Riza. Bobo yan pero nakakapasa dahil puro pangongopya at panay pagawa ng projects at assignments .
"heto" inabot ko yung notebook nya . ginawa ko naman sya ng assignment na essay pero syempre hindi yun ganung kaganda ang ginawa ko dahil inayon ko sa level ng utak nya ang essay para sa kanya . tsk.
"mabuti naman at sumusunod ka" sabi ng alipores nyang mukhang clown sa kapal ng make up.
"sige una na ako sa room" paalam ko.
"sandali panget! " - sabi ng alipores nyang si Myrna.
"ano yun?" tugon ko
"ibili mo kami ni Riza ng pagkain sa cafeteria!" mataray na sabi ni Myrna
"pasensya na pero pinapapunta ako ngayon sa office ni Miss Martinez. ----" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng may tumawag sakin sa likuran nila . Si Miss Martinez.
"Miss Smith, come to my office now!" sabay tingin kay Riza at Myrna. "at kayong dalwa pumasok na kayo sa classroom nyo!"
"yes Miss martinez" pagkatalikod ni miss Martinez ay umirap pa ito at humarap muli sa akin "ikaw na impakta ka! pasalamat ka pinatawag ka ni miss Martinez!" sabay tulak sa akin na kinatumba ko bago sila umalis . ako naman ay tumayo na at nagpunta sa office ni Miss Martinez.
Ako nga pala si Hestia Smith. I'm not used to be a nerd pero kelangan ko magpaka nerd para hindi ako makilala ng mga humahanap sa akin . Nasa 3rd yr college na ako sa kursong Business Management . Walang nakakakilala sa akin . Akala nila wala akong pamilya . at wala dapat makakilala sa akin . Gusto ko ng tahimik na buhay.
Pagkarating ko sa office ni Miss Martinez
"Goodmorning po Miss Martinez"
"upo ka Miss Smith" umupo ako sa upuan sa harap ng table nya
"Miss Martinez, bakit nyo po ba ako pinatawag?"
"Miss Smith, dederetsuhin na kita.-----" pinutol ko na agad sya sa pagsasalita dahil alam ko na agad ang nais nitong sabihin .
"Miss Martinez, pasensya na po pero malalate na po ako sa klase ko . kelangan ko na po umalis." at umalis na ako at agad tumungo sa classroom ko .
pagkarating ko sa classroom ay agad na nagtinginan sila sa akin na parang diring diri .
"kakairita ang itsura!"
"di pa ba talaga yan aalis sa school na to?!"
"hahaha baka gusto pa ng sakit ng katawan gurl ano ka ba?!"
mga bulungan na hindi ko na pinansin pa . uupo na sana ako sa upuan ko ng mapansin kong kakaiba ito dahil pansin kong medyo makintab ito . pero kelangan hindi ko ipahalata na napansin ko ito kaya umupo pa rin ako kahit alam ko na ang mangyayari.
"HAHAHA KAT****AN TALAGA!"
"HAHAHA MASAYA TOOOOO" Tawanan ng mga kaklase ko . alam kong may pandikit ito kaya oras na tumayo ako ay didikit ang palda ko. napabuntong hininga ako "parang mga bata" bulong ko sa isip ko . tumayo ako at hindi nga ako nagkamali . dumikit nga ang palda ko kaya no choice ako kundi hilahin ito sapilitan kaya napunit ang suot kong palda . I came prepared kaya di ako nagalinlalangan na umupo kahit alam kong didikit at masisira ang palda ko. I wrapped my waist with my hoodie jacket at dali daling tumakbo palabas bago pa ako mkalabas ng pinto ay may pumatid sa akin kaya naman nasubsob ako poste . teka poste? napatingala ako at nakitang sa lalaking antipa**ko pala ako napasubsob . agad rin akong napatungo "s-sorry" sabi ko kay Lucas.
"Lampa ka ba?! ha?!" at agad na hinawakan ako sa jawline ko ng mahigpit . nanginginig na ako sa galit pero nanatili akong walang emosyon
"s-sorry natalisod lang ako . di ko sinasadya"
"ang sabihin mo lampa kang pangit ka ! umalis ka na nga sa harapan ko!!" sigaw nya sa mukha ko . kaya ng marahas nya akong binitawan ay dumeretso agad ako sa CR upang ayusin ang sarili ko .
nilock ko ang main door ng cr at kinuha ko sa bag ko ang extra palda ko at nagpalit. pagkatapos ko magpalit ay humarap ako sa malaking salamin at nanghilamos. napbuntong hininga ako "kahit anong mangyare Hestia, wag kang paaapekto" bulong ko sa sarili ko . pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay bumalik ako sa classroom ko.
"Miss Smith, you're late" sabi ni Mrs. Tuazon.
"Sorry ma'am --- " di ko ntapos ang sasabihin ko ng magsalita muli si Mrs. Tuazon.
"be sitted at the back ."
"thank you po"
lunch time na at ayokong pumunta ng cafeteria . dumeretso ako sa parking lot at pumunta sa dulong bahagi nito at pumasok ako sa lumang model ng kotse ko. hindi naman ito sobrang luma . pero old model ito ng hoda civic . tinted ito kaya walang makakapansin sa akin . inilabas ko ang pagkain ko . Oo nagdadala ako ng pagkain ko at dito talaga ako kumakain sa kotse ko . ayoko kasi kumain sa cafeteria at isa pa wala akong kaibigan dito . para iwas na din sa pambubully sakin . hanggat makakaiwas ako sa ibang tao . iiwas at iiwas ako . tahimik akong kumakain ng may narining akong boses di kalayuan sa labas ng kotse ko . di ko sana papansinin pero naririnig ko talaga
"kaya ko ang pinapagawa mo. bigyan mo lang ako ng sapat na oras master."
"hindi na kelangan master----"
"pero master----"
"ahhhhh bwesit!" at narinig kong papalayo na ang yabag nito sa kotse ko . ang tsismosa mo Hestia ! natawa na lang ako sa sarili ko at pinagsawalang bahala na lang ang narinig ko . master master hahaha ano yan master sardines? hahaha
Nang matapos akong kumain bumaba na ako ng kotse ko at nagpalinga linga pa ako kung may tao ba . ng wala akong mapansing tao ay agad na bumalik agad ako sa classroom .