EP 16 MAY FICTIONAL MAN WAS ACTUALLY A GAY
Justine's Pov-
Ikot pakaliwa,
Ikot ulit pakanan,
'Eto nanaman ako sa mga gabing hindi ako makatulog ng maayos kakaisip kay Mathias'
Tapos kunang gawin ang mga evening routine ko kaya nag babasa nalang ako ng memes sa IG.
'i-stalk ko kaya ulit si Mathias?'
Kating kati nanaman ang kamay at utak kung ma stalk si Mathias,
Pinag-isipan ko pa ito ng mabuti hangang sa mapagdisisyonan na i-stalk sya.
'sinearch ko agad ang pangalan nya sa search bar ng insta'
Agad na sumilay sa ang malapaf na ngiti sa mga labi ko. May bagong post sya.
'@18 welcoming the age of legality '
Pagbasa ko sa caption ng post nya, his profile was the picture taken on where we both hold a small cake and he was attempting to blow it.
Pinatong ko pa sa isang shelf doon sa cottage ang phone nya noon para makapag video at picture kami.
Kamay ko lang ang nakita sa picture at nakaharap sa kanya ang camera sa panahong ito.
This post was reacted by hundread thousand reactors.
'Nakakainggit ang reactors nya'
May collection din sya ng mga pictures sa birthday nya, ang isa ay kuha ko sa may ilog nung nasa may batuhan sya, may mga pagkain din. Yung platter na gawa nya at yung mga kinain namin sa restaurant.
Hindi man naipakita ang muka ko dito ay nakaramdam ako ng saya dahil ako halos ang kumuha ng birthday picture posts nya.
Wala rin akong napansin na kahit anong picture mula sa party nya sa bahay ni lola Daisy, naikina taka ko.
'hayy Mathias, lalo akong nahuhulog sayo sa bawat araw na magkasama tayo'
Nikagay ko sa dibdib ang cellphone na hawak kanina at napapaisip.
Ano bang mangyayare saatin sa hinaharap?
Sakagitnaan ng pagtitig sa kisame ay nakaramdam ako ng bahid na antok.
Napahikab pa ako at muling gumulong sa kabilang dereksyon.
Stalk lang pala ang kailangan para makaramdam ako ng antok.
_____
Nasa school ako ngayon at kakahatid lang saakin ng driver ni lola. Late na akong nagising at mabuti nalang walang lakad ang lola ngayon at nahatid ako ng driver nya.
Marami na ang mga istudyante ng makapasok ako, ang iba ay nag-uunahan pa sa entrance.
Ngayong araw na ang BATTLE OF BRAINS at medjo kinakabahan ako sa mangyayare. Essay writing lang naman ang sasalihan ko pero kahit na 20 rin kaming maglalaban laban para sa 4 na pwesto ng mananalo.
3rd runner up, 2 runner up, 1st runner up at champion lang ang pipiliing pwesto. Kahit saan lng duon sana maplace ako.
"Justine"
Napalingon ako sa likuran ng may tumawag ng pangalan ko, si Enzo pala at nagtatakbo papunta sa pwesto ko.
"Good luck sa contest mo ngayon"
"Sayo din Enzo, good luck saatin sana maka place tayo"
Natawa sya sa sinbe ko na ikina kunot noo ko.
"Ang humble mo naman, top 1 ka sa section natin panigurado ay makakapasok ka sa placing baka ikaw panga siguro ang mananalo sa essay writing"
'Sana nga Enzo sana nga'
Ngumiti nalang ako dito at hindi na sinagot pa ang sinabe nya.
Si Enzo ang participant namin para sa Quiz Bee at napansin ko sa muka ng loko na balisa ito.
"Ready kana ba?"
Tanong ko rito.
"Ready nalang wala naman na akong magagawa ngayon na ang contest"
"Nag review kaba?"
"Nagtitingin lang ako ng possible questions sa quiz bee sa online. Yun lang ang review na nagawa ko"
"Ikaw tin? Binigyan kana ba ng topic sa essay nyo?"
"Huh? Hindi kami binigyan Impromptu essay writing raw ang gagawin"
"Ha? Bakit narinig ko ang ibang mga section. May topic sila?"
'Gagi? may salisihan ba nanaganap? Pero baka wala naman siguro—pero bakit alam ng iba yung topic?'
'O baka nagkamali lang ng rinig si Enzo?'
"Magtanong kaya tayo tin?"
"Wag na Enzo, magkakaalam yan mamaya"
Sure naman ako kung may salisihan man na naganap malalaman agad ito ng head teacher.
Knowing his personality, professional na professional kung magtrabaho.
"All the participants for our yearly BATTLE OF BRAINS PLEASE PROCEED DIRECTLY TO GYMNASIUM. Remaining Students who want to support your classmates please proceed also to the gymnasium"
Nang mag announce bigla ang speaker sa may poste ng ilaw sa area ng school ay tumungo na kami ni Enzo doon sa gym.
Mga limang minuto ata ang lakaran mula sa entrance ng school, kung susukatin
Nang pumasok kami ni Enzo sa gym ay na-assist naman agad kami ng isang student officer at sinabihan na pumunta sabilang upuan kung saan nakaupo ang iba pang mga participants ng contest.
Madami ang contestants kung kayat madami rin ang section sa school namin. 4 sections sa STEM PRE- ENGINEERING, 4 sa STEM PRE-MED, 4 sa HUMSS, 4 SA TVL ICT/CSS, 4 sa ABM, 4 sa TVL Electrical Installation, 4 sa Dress making at 4 sa HE na may 2 classifications pa ng specialization, Food and Beverage at Home economics.
board games, quiz bee, spelling, essay writing, public speaking and debate. Ang event nato ay para sa mga grade 12 students lang. At buong araw rin ang event na gaganapin,
"Settle your selves students so I could announce the rules and your designated rooms"
Napalingon ako sa entrance ng gym,
'participant rin kaya si Mathias sa event nato?'
"Budang—"
"P*nyeta!—"
Napatakip ako sa bibig ng wala sa oras dahil muntik na akong mapasigaw dahil sa gulat.
'bosett'
Agad akong napalingon sa gilid ko ng marinig ang boses ni Mathias, nakasalubong ang kilay nya habang nakasandal sa upuan.
"You really cuss so loud when you get surprised"
Napaiwas ako ng tingin dito at napayuko.
"Kanina pa sya sa gilid mo tin hindi mo napansin?, at tingin ng tingin karin sa entrance sinong hinahanap mo?"
'Tokneneng talaga oh, napansin din pala ni Enzo ang pasulyapsulyap ko sa entrance'
"Ahh wala naman na ano lang—"
"Hinahanap nya ako Enzo"
Napalingon nanaman ako sa nagsalita bigla.
Si president Dane pala.
"Hindi rin press"
Pangbabara ni Enzo dito,
Tuluyan nangang nagasaran ang dalawa at mukang ayaw pa magpaawat.
"Press yung buhok mo sa ilong kita na—"
"Wow hiyang-hiya naman ako sa mga balbas mo mag shave-shave rin ah"
Nilingon ko si Mathias at agad na napansin na mukang may malalim itong iniisip. Nakapatong ang kamay nya sa pisngi at ang isa ay sa tuhod,
"Lalaking lalaki tayo ngayon baks ahh anong problema?"
Lumingon sya sa gawi ko at lalong napabusangot ang bakla.
"Budang"
"Oh?"
Anyare dito?
"Isasali nila ako sa debate"
Kumunot ang noo ko sa sinabe nya ata agad na nagtanong.
'Good opportunity yan para sakanya'
'Sana ngalang ay hindi mag-topic ng gender identity. Baka maging affected sya sa bawat masasakit na salitang maririnig nya mula sa cons participants'
"O tapos?, magiging ok lang yan basta hindi kayo mag to-topic ng genders—"
"Eih yun nanga ang problema. Topic namin sya and what's worse? Approval of LGBT rights inside this campus"
Ginulo ng bakla ang buhok nya hindi man nya sabihin at halatang na stress sya sa kadahilanang yun,
'Plus 100 kananamn sa utak ko Mathias dahil sa ginawa mo'
'He look so problematic right now yet he look so good when he messes his hair like that'
Pero kung ako ang nasa posisyon nya siguro, mamomroblema din ako ng sobra. Napayuko ang bakla at mukang napapaisip sa posibleng mangyare.
"Keri mo yan Mathias ikaw pa, pross kayo o cons?"
"Pross"
"O mas mabuti yun Mathias!"
"Budang—Hindi ako sure bakla, baka manggigil ako mamaya at mataasan ko ng boses ang opposing team!"
"Yun lang, pagnangyari yan baka ang statement mo ang maging good target for circular questioning"
Napa dukot ng panyo si Mathias sa bulsa at pinahid ito sa mukha, halatang halata sa muka nito ang pagkabalisa.
"Mathias"
Tinapik ko ito sa balikat kaya napalingon ito saakin.
"Magiging maayos ang lahat ok?, kayang kaya mo yan ikaw pa. Ano bang magagawa ko para matulungan kita ng mabawasan naman kahit kaunti ang pangamba mo?"
Tanong ko dito, tila natigilan naman saglit ang bakla at mukang nag iisip.
"Pupuntahan kanalang namin mamaya bro?"
Si Enzo sabay lingon din kay Mathias.
"Pwede ba? Diba may compilations din kayo?"
Tumingin muna ito kay Enzo saglit bago nya ibinaling ang tingin saakin at nagtanong.
"Panigurado naman na mas maaga kaming matatapos kesa sayo kaya makakahabol kami"
"Magandang ideya yan Enzo, pupuntahan ka namin Mathias!"
Sabe ko napayuko naman iti saglit at napaisip
.
"Pano paghindi ka dumating pero nangako ka?"
I was taken a bag for a short period of time on his question.
"Dadating nga ako! Kami ni Enzo"
Panigurado ko dito.
Lumingon sya kay Enzo at seryoso naman itong nilingon ni Enzo.
Nagsusukatan ba sila ng tingin?
Tapos ay nag tanguan ang dalawa na parang nagkaintindihan agad. Pinag sawalang bahala ko nalang din ang ginagawa nila,
Lahat ng mg rules at designated rooms ng bawat participants ay nasabi na ng head teacher. kumuha narin kami ng numbers namin at dahil contestant number 5 ako pati si Enzo. Tapos si Mathias ay 6 naman sa mga ibat-iba naming sasalihan.
"You may proceed to your designated area quiz bee participants"
Nagsitayuan ang lahat ng mga participants ng quiz bee at ng malakabas na silang lahat ay Pinalabas narin ang iba pang mga participants sa ibat ibang competition.
Hangang sa matawag ang mga essay writing participants,
"Essay writing participants you may proceed to the ABM Department"
"Mathias mauuna na ako susunod ako pagkatapos ko sa essay writing ha"
Lumingon si Mathias sa gawi ko at tumango, kumaway naman ako rito tanda na aalis na.
Mukang ang makakalaban ni Mathias at ng mga kasama nya ay ang Humss Section 1.
Patungo palang ako ng ABM Department ay marami na agad akong narinig na bulong bulungan.
"Nag study ako Mikha at "Free Will vs. Determinism: Are Our Choices Truly Our Own" lang ang topic"
"Sinong nagsabi na yan ang topic diba impromptu to?"
"Of course may kapit ako sa loob kaya paniguradong mananalo na ako, i got evidences and credible information already"
"Gosh Alexy bawal yan!"
"Bawal lang pag may magsusumbong Mikha"
Napahinto ako saglit dahil sa narinig, may dayaan atang magaganap ngayon.
'Pero bahala na, sana naman may magsumbong sa kanila para patas ang labanan ng essay'
Nang makapasok sa ABM section 1 ay agad akong pumwesto sa upuan ko, hinati ang dalawangpot walong mga istudyante.
Mukang makakasama ko rin ang mga babaeng nagbubulungan kanina sa iisang room at rinig ko ang mga ito sa likuran ko pa.
"Good morning students, did you came here prepared?"
"Yes sir!"
"No"
"Siguro"
"Yes nalang sir, walang ibang choice"
"Baliw na mga kaibigan ko nayun pinagtripan ba naman akong isali dito"
Iisa lang ang mga yun sa mga sagot na mga kasama ko at ang pinaka may malakas na sagot na "YES" ay yung nasalikod ko na Alexy ata ang pangalan.
"Ready na ready na sir!"
"That's good to hear Ms. Areglo"
"Class I'll straight it to the point. I'm really disappointed to all of you"
Lahat ng mga kasama ko ay agad na natahimik sa sinabe ni sir Denver. Sya ang isa sa mga Humss teacher ng Humss department. LPT and kumuha pa ng Doctorial sa research. Sya ang naka assign para mag handle saamin ngayon,
"Bakit sir?"
Tanong ng isa kung kasama.
"My idea for your essay writing topic was leaked"
"Seryoso sir?"
"Paano naman nangyare yun?"
"Yes it's true"
Nagbubulong—bulungan ang mga kaklase ko at mukang naguguluhan rin. Napaisip naman ako sa sinabe ni sir Denver,
hindi naman talaga maiiwasan ang ganitong problema sa essay writing contest.
"Maganda sana yung topic, kase madali lang and all of you could reflect on it. Kaso ay may studyante akong narinig kanina na nakapag study naraw sa topic na ito. I will not name her anymore—
"Babae pala"
"Her daw?"
"That's unbearable"
"Let's just see kung sino ang may pinaka magandang magagawa"
"s**t pano nato?!"
Narinig kung tila naiinis na saad ng babae sa likod ko. Mabuti nalang at iibahin ang topic!! Patas na kaming lahat nito.
"the criteria for judging are, Grammar 45%, Credibility 25%, Reliability 20% and Originality 10%. I bet you already understand what I was referring too SHC students? Ayaw ko ng copied work, ugaliing lahat ng mga ilalagay nyong impormasyon ay akma sa paksa, isaisip kung may katotohanan sa ilalagay nyong impormasyon at ang grammar natin kung maari ay ayusin"
'Ang dami ng criteria ahh, hindi ko man naging permanent professor itong si sir Denver ay sa ilangbuwan naman na naging research proff ko sya last year ay naobserbahan ko agad na, strikto, obserbatibo, at medjo perfectionist sya. Pero maganda naman syang mag bigay ng grades kapag deseving ka talaga.'
"So for your topic isusulat ko nalang"
"The Illusion of Equality: Do Laws Truly Guarantee Equal Rights?'
Pagbasa ko sa sinulat ni sir Denver.
Napasinghap agad ang mga kasama ko, maging ako ay napahilot sa sintido, habang iniisip ang mga criteria na sinabe ni sir Kanina.
'Madaling isipin ang topic pero mahirap gawaan ng essay ng straight English'
"You could use separate paper to formulate questions for the informations that you will put on your essay papers. Your timer starts now and you only have 2 and a half hours. The SSC will give you snacks so don't worry if ever you feel hungry. Just focus on your works and give your best. Smartphones and other gadgets are not aloud if we caught you using one we will disqualified you"
Nang magsimula ang hudyat na maari na kaming magsimula ay agad kung nilabas ang ballpen at inayos ang papel na lalagyan ko ng mga questions na namuo sa utak ko.
'what is law'
'what is the benefit of law'
'Do Laws Truly Guarantee Equal Rights?'
'1st paragraph
Do laws alone could eliminate discrimination?'
'2nd Paragraph
What are the social, economic, and cultural barriers that could affect the true equality?'
'3rd Paragraph
Realization, additional ideas along with the supporting evidences'
'Conclusion'
Sinulat ko ng maayos at malinaw sa paraang kaya ko ang bawat mga salita nailagay ko sa papel. Mahirap na at baka maguluhan ang mga judge, Siniguro kung organisado, malinaw ang punto at matibay ang iba pang mga opinion na inilagay ko. Susuportahan ko ang mga opinyon sa paraang lalagyan ang mga ito ng suportadong salaysay mula sa isang taga-panaliksik.
Mabuti nalang talaga at nakahiligan kung magbabasa ng mga articles noong nasa ika siyam na baitang palang ako.
'salamat sayo lola Idol sayo ko yun nagaya'
'Speaking of Lola Idol'
Naisip ko nanaman si Mathias kamusta na kaya ang ginagawa nya? Sana ay maayos lang sya,
Ang bilis lumipas ng oras at nagdadala na ng mga snacks ang school students officers ng mga pagkain.
"For you Ms. Dela Vega"
Sabi ng isang officer sabay lapag ng pagkain sa gilid ko. Chocolate cake at smoothie na mango ang dala may pizza at burger din sa gilid.
"Thank you"
Nagpasalamat ako dito at itinabi muna saglit ang papel at ballpen.
Pansin kung hindi pinagtuonan ng pansin ng mga kasama ko ang pagkaing nasa gilid nila, nakatuon lang sila sa papel at hindi iniisip ang gutom,
Pero dahil nagugutom na talaga ako ay kakain ako! Bahala sila.
"Are you done with your paper Ms. Dela Vega?"
Tanong ni sir Denver, at dahil ngumunguya pa ako ng pizza ay iniling ko nalang ang ulo ko.
"What part are you now?"
Nilulun ko muna ang pagkain saka sumagot.
"Body paragraph 3 sir"
Tumango ito saka ibinalik nalang ulit ang tingin sa librong hawak nya.
"Anong body ang pinagsasabe mo beh?"
Tanong ni Mikha yung babaeng may kapit sa faculty kaya alam ang dapat na topic namin ngayon.
"Parts of writing an essay, Intro, Body, Conclusion. Sa body mo ilalagay lahat ng mga arguments along with your statements and supporting evidences"
Sabe ko na mukang ikinalito nyang lalo.
"Bakit wala akong ganun?"
Hala sya, na discuss yun. Gusto ko sanang sabihin yun sa kanya kaso hindi naman kami close kaya ngumiti nalang ako ng medjo awkward dito at pinatuloy ang pagkain ko.
"Time check 1:45 am"
After 20 minutes natapos ako sa pagkain at kumuha ako ng wipes saka nagpatuloy.
"Wag mong hayaang ipahiya kita sa lahat dito. So you better turn of your phone and stop using it!!"
Napahinto ako saglit sapag sulat at napatingin kay sir, nakatingin si sir sa kisame. Pero mukang may isang matigas ang ulo na kasamahan ko ang gumamit ng cellphone,
Nagpatuloy nalang ulit ako sa gawain hangang sa matapos ako. Mga 10 nalang kaming hindi pa natatapos. Kaya binilisan ko na ang pagsulat, tina—transfer ko kase ang sulat ko sa malinis na papel kaya medjo natagalan ako.
Ilang minuto pa ang lumipas at natapos ako,
"10 minutes left"
Pinasa kona ang papel sa teacher at agad na bumalik ng upuan para ayusin ang mga gamit. Nang matapos ay agad rin akong lumabas ng room at binilisan ang lakad papuntang Covered court 1, doon naka designate ang grupo ni Mathias. Ti-next ko si Enzo na hintayin nalang ako sa entrance at binilisan kuna ulit ang lakad ko.
"Excuse me makikiraan lang po"
Hindi kona hinintay ang results since i-popost din naman ang results sa Bulletin board at each department announcement screens. Maging sa page ng school, ipo-post din duon ang results ng event,
Nakipag patentero ako sa mga estudyanteng dumadaan sa hallways at mukang busy na busy din sila. Dala-dala ang tumbler ko na black hinigpitan ko ang kapit dito at baka malaglag. Bigay panaman to ni Lola Idol baka mayupi. Kailangang ingatan,
"Excuse po makikiraan naiipit ako"
"Tin!"
Rinig kung sigaw ni Enzo, mukang nasa may Entrance na nga sya. Itinaas ko naman ang kamay ko para makita nya,
Ang daming tao sa court 1, parang mga isdang lumalangoy lang naglalabasan at pumapasok. Bigla akong hinila ng isang kamay paalis sa may pintuan papasok sa court kaya nakahinga ako ng maluwag.
Si Enzo pala yun at agad akong hinila sa may mga bench sa taas.
"Nasimula na sila Mathias—I mean Andress?"
"Oo tin, kanina pa mga 10 minutes na ang lumipas"
"Kamusta ang debate?"
"It's flowing neutrally kahit nagkakasagutan na palagi si Dela Peña at yung Sandoval ata"
Napatingin ako sa stage ng court at nakita si Mathias na naka upo kasama ang mga kagrupo nya habang nagsasalita ang isang lalaking moreno.
"Mr. Dela Peña said "Approving LGBT rights at the college will create a more inclusive environment for all students, regardless of their s****l orientation or gender identity" not even minding about the psychological impact of it with the other students. You know what Mr. Dela Peña. Valuing other student's opinion and concerns also matters that's why approving LGBT rights won't fit on college schools these days"
Tumayo si Mathias habang nagiingay ang mga tao sa paligid sa binuksang argumento ng kabilang partido.
"Then who is the person who stated that Mr. Sandoval?, can you make your obviously opinionated statement credible "
Natahimik saglit ang paligid at ang mga kasamahang stem PRE-MED ni Mathias ay naghiyawan. Tumayo si Sandoval pero agad ring napaupo, mukang wala syang nakakapang sagot sa tanong ni Mathias.
", Mr. Sandoval's opinion is possible to happen. But that circumstances mostly occur if the person he's talking about was homophobic and that's according to Denvil Delfellie, 2020 a psychiatrist who wrote about 'Humans View of Gender Equality"
Naghiyawan agad ang mga tao sa sinabe ni Mathias, ang lakas ng pang support nya sa statement nayun!
Tumayo si Sandoval at mukang pikon na pikon,
"Mga salot sila, bastos, at malaswa. Giving them authority in collge won't make a school perform well!! Mga salot lang sila. Lakas maka suporta ahh bakit bakla kaba?"
Dahil sa tanong nayon ay natahimik ang lahat, maging si Mathias ay sandaling napatingin dito. Naalarma rin ang mga guro at saglit na kinausap si Sandoval, umugong ang mga bulong-bulungan at mga tanong. Si Mathias ay napayuko saglit na ikina bahala ko, nakayukom din ang mga kamay nito, na mukang na-offend ata sa sinabe ng kalaban.
'Mathias magpakatatag ka kayang kaya moto!! Ngayon ka paba mawawalan ng panlaban na sa sitwasyong ito pingalalaban mo narin nag sarili mo'
Gusto kung sabihin yun kay Mathias kaso ang layo ko sa kanya, and i might just cause a scene kapag tumakbo pa ako palapit doon.
"Grabe naman yung tanong nya nakaka offend, ang layo pa sa reyalidad"
Rinig kung sabe ni Enzo na mukang naiinis din.
"Wala nayang Sandoval halata namang talo!!"
Sigaw ni Enzo na mukang narinig ng iba kaya nag boo sila sabay sigaw na.
"Sandoval take it personally!"
Napansin kung nagingbalisa si Mathias naparang may hinahanap kaya napatayo ako bigla. Gagi ang feeling ko ngayon kase ang lakas ng kutob ko n aako yung hinahanap ng mata nya.
Kaya nagtatalon ako na parang baliw dito sa taas sabay kaway,
'tumingin ka rito!'
'tumingin ka!!'
"BOY DILAW KAYA MO YAN!!"
Sigaw ko na ikinatawa ng ibang mga istudyante na malapit saakin. Nakakahiya yun,
Pero dahil duon ay napatingin sa gawi ko si Andress, malungkot ang muka ng bakla at hindi man halata sa mata ng iba pero alam kung naiiyak na sya.
Nag thumbs up ako dito sabay ngiti ng labas ngipin,
'sana wag ma picturan at magawaan ng meme yung ginagawa ko'
Yun ang nasa isip ko habang ginagawa ang pag thumbs up habang nakatingkayad.
Napansin kung mukang natatawa ang bakla sa ginawa ko kaya napangiti naman ako. Successful ang kahihiyang ginawa ko ayos parin!
"Let's continue the argument—"
Panimula nya sa mic nang matapos ang konteng hindi pagkaintindihan kanina.
"A moment of silence everyone, Promoting l***q rights on colleges was not just focusing on public display of true identity but also its for giving Acceptance of LGBT rights which helps protect the mental health of l***q+ students. By reducing feelings of isolation, bullying, and discrimination, this is not only beneficial for l***q's but as well as to other students. Promoting this is accompanied by rules and regulations, safety orientations and gender equality promotion. I know that we are all aware about such gender discriminations these days, and I value the opinion of Mr. Sandoval, even though it's a bit off the topic since his taking it personally. But on the contrary, since we have rules and regulations on the school I believe that by the power and authority that our school president, board of directors and Dean they could manage to handle a school who values Gender Equality and persue l***q rights while maintaining a prestigious institution. That promote excellent academic accomodations"
[END EPISODE 16]
*My WRITERS BLOCK was so frustrating 😔, please bare with me agin guys*