Justine's Pov-
Nakaupo ako sa bench sa may parking lot ng school habang hinihintay si Mathias. May nakalimutan kase sya sa station nya kaya binalik nya saglit,
Tahimik ko namang inilalaro ang heels na suot-suot ko kanina. Nakapagbihis na ako at naka maxi shorts na kulay pale green ako at naka t-shirt na kulay puting may naka imprentang quote. Gabi na naman raw sabe ng lola kaya ayos lang na naka short ako, uuwi nadin kase kami. Yung sapatos ko naiwan ata sa pick up nila Mathias,
"Budang, tara?"
"Ahh oo"
Ni hindi ko namalayan na papalapit na si Mathias sa pwesto ko kung hindi nya ako tinawag. Napagisipan kung wag nalang suotin ang heels at maglakad nalang na naka paa upang makalakad ng maayos,
Namumula na kase ng sobra ang paa ko dahil dito.
"Budang? Do you want a piggy back?"
"Ha?—H-a? Wag na ayos lang"
"Sige na kawawa ka naman nakapaa kalang lalakarin pa ang kotse ni Dad mula rito"
"Ganun ba, ayos lang ba sayo?"
Nahihiya man ay sasangayon ako sa sinabe ni Mathias napapagod na din kase ako—sobra.
"I'm fine hop in"
Tumalikod sya at lumuhod sabay pwesto ng maayos sa paa nya. Naka short lang din sya ngayon hangang ibaba ata ng tuhod nya ang taas kung hindi ako nagkakamali.
Nang makasampa ako sa likod nya ay sinuportahan nya agad ang mga binti ko. kumapit narin ako sa leeg nito,
"Mathias mabigat ako"
"Korek ka jan"
"Gaga— ibaba mo nalang ako pag nahihirapa—"
"I insist to do this ok, so you better tag along"
Dala-dala nya rin pala ang heels na hawak ko kanina.
"Salamat Mathias ah"
"For what?"
"Sa lahat, salamat dito, salamat sa pagtulong sa pageant journey ko, salamat sa pagkakausap saakin, sa pagsakay sa mga kabaliwan ko, salamat"
"Kung magsalita parang mamaalam ahh?"
"Saan ka pupunta?"
"US"
"Seryoso? Kailan?"
Napahinto ito sa paglalakad.
"De joke lang hindi ako pupunta doon sa ngayon"
" So may plan ka?"
"Yes? Hindi ko pa alam pero kailangan kunang Pag-isipan"
"Ganun ba. Paano ang lola Nila mo? "
"Sasama sya saakin, hinahanap raw ako ng papa ni mama eih"
Ang pamilya ni mama, matagal na akong walang contact sa kanila. Simula noong mangyare ang aksidente, wala din namang ikinuwento saakin si lola tungkol sa kung ano ba talaga ang nangyare doon sa aksidente.
Ang daming mga tanong na namumuo sa utak ko sa paglipas ng panahon. Gaya ng kung
Ano ba talaga ang nangyare sa aksidente noon? Paano kami naaksidente?
Bakit ngayon lang napagisipan ng pamilya ni mama na kamustahin ako?
Nasa mabuting relasyon ba ang pamilya ni mama at pamilya ni papa?
"Budang anong iniisip mo?"
Tanong ni Mathias ng makasampa kami sa likurang bahagi ng pick up nila.
"Dito tayo sa likod para makalanghap ka naman ng sariwang hangin. Mukang malalim yang iniisip mo"
Binaba nya ako sa mismong likuran ng pick up saka nya ako hinarap.
"Iniisip kulang kung anong kailangan ng pamilya ni mama saakin kaya sa tagal ng panahon na pwede nila kaming kamustahin ay ngayon lang sila nagparamdam"
"What's your plan now?"
"Hindi ko pa alam kung pauunlakan ko ang imbitasyon nila na dalawin sila sa US. Sa summer pa naman yun"
"Then I hope you'll have numbers of sleepless night because of—"
Umiba agad ang timpla ng muka ko dahil sa sinabe ni bakla.
"Geh salamat"
Tumawa sya sa reaksyon ko saka naman sya umupo sa tabi ko.
"I'll pray for your peace of mind don't worry"
"Ha?"
"Nothing"
Ito nanaman sya sa mga bulungan nya na nag o-overthink ako.
Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na sila lola Nila at lola Daisy kasama ang papa ni Mathias.
"Congrats again son and to you too hija"
"Thank you po"
"I want a gift dad"
Narinig kung hirit ni Mathias sa ama nya.
"What do you want?"
"I'll tell you, sa bahay"
"Ok"
"Apo ang galing mo kanina"
Si lola Nila yun habang nakangiti saakin ng malapad.
Even if I didn't win the competition ay halos mapuno naman ng mga flowers and gifts yung likuran ng kotse namin, bigay ng classmates and teachers ko ang iba.
Binigyan rin ako ni Mathias ng malaking pastel orange teddy bear.
Tawang-tawa pa nga sya sa akin ng makita akong nahihirapan sa pag pasok noon sa van.
Ang winner sa pageant ay si Mathias at ang contestant sa ABM department,
1st runner up lang din ako, habang si Enzo 2nd runner up kasama ang klein nya.
Pero para narin akong nanalo sa araw nato, dahil sa soporta ng mga mahal ko sa buhay.
'I couldn't wish for more'
"Salamat lah ahh, maraming salamat sa soporta palagi!"
Niyakap ko si lola at nakiyakap narin saamin si lola Daisy.
"Salamat rin lola Idol the best po talaga kayo!"
"Shempre ako pa!"
"Sa birthday mo apo bobongahan din natin"
Oo nga pala malapit na ang birthday ko next month na.
"Dito lang ba kayo sa labas Mathias?"
Tanong ng papa ni Mathias ng mapasukab na sila sa loob ng pick up.
"Yes dad, magpapahangin lang"
"Mathias si Justine ahh"
"Oo lah"
Tumayo narin kami ni Mathias at pumwesto na sa likuran ng kotse.
Nang maayos na ang lahat ay umandar na ang kotse at nagsimula na kaming bumiyahe.
Kumapit ako sa head grab bar at sinuportahan ang sarili.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang kamay ni Mathias sa likuran ko. Nagmistula tuloy akong nakakulong sa mga braso nya, habang inaabot nito ang hawakan malapit sa hinahawakan ko.
"Hindi ka pwedeng malaglag lagot ako kay lola"
"Hmm, mahal pa naman ang burial ngayon"
"May mumurahing kabaong naman Budang 20k"
"Tapos hahanapin pa ng pasadya"
"Oo"
Nang makalabas kami sa school ay nahagip pa ng mata ko si Press Dane kaya kumaway ako dito at sya rin ay kumaway saakin.
Pumunta rin pala sya kanina, hindi ko sya napansin sa dami ng taong pumunta.
Ang lamig ng hangin, sa pagtatansya ko ay ala sais na,
"Nakakagutom ang event"
"May pagkain na ibinigay kanina hindi ka kumuha? "
Tanong ni Mathias.
"Hindi eih, nakalimutan ko"
Yung mga nakahilera sa table sa backstage para sa mga contestant. Muka pa namang masasarap ang pagkain doon sayang at hindi ako nakakuha,
"Mathias, saan ka mag co-college? "
"Dito lang sa Batangas"
"Dito kana forever? "
Napalingon sya saakin sa tinanong ko dahilan para mapaiwas ako ng tingin dito. Ang lapit kase ng muka namin,
"Depende"
"P-paanong depende?"
"Depende kung gusto ki pang mag stay dito. As long as this place makes me happy and make me comfortable Budang. I'll stay here"
"Pero pag hindi na?"
"I'll leave
without a word"
Nanlumo agad ako sa huling sinabe ni Mathias. Aalis sya ng walang pasabe pag ayaw na nya rito.
Sana naman hindi dumating ang araw nayun at hindi ko alam kung magiging magkaibigan paba kami kapag wala kami sa Batangas.
"Will you feel sad if I leave?"
Tanong nya,
"Depende rin"
"Paanong depende?"
"Depende kung hindi tayo nagaway kapag umalis ka. Kung aalis ka awayin mo muna ako sabihan mo ako ng masasakit na salita para hindi kita mamis"
Natawa sya sa sinabe ko at natigilan pa ako saglit ng mapahawak sya sa bewang ko.
"You know I can't do that if you didn't do something rude on me"
"Malay mo maisipan mo nalang bigla na saktan ako"
"How could I—wait. Are we still talking about our friendship when we get separate or something else?—our personal affairs?"
Gagi anong personal affairs ang pinagsasabe mo?! Sheett kumabog bigla ang puso ko sa sinabe nya.
"Our personal affairs?"
Natawa ito habang inuulit ang sinabe ko.
Napaiwas ako ng tingin sa daan at napatingin sa gilid.
Saliwa sa tingin ni Mathias,
"Are you that shy to talk about us?"
"H—a?"
"Then let's talk about us, kahit ngayon lang"
Ang kaninang nagrarambulan na mga red blood cells ko ay tila kumalma dahil sa sinabe ni Mathias. He wrap his right arm gently on my waist, and say,
"Could you still wait Tin?"
Napaisip ako saglit sa tanong ni Mathias,
"May dapat ba talaga akong hintayin? At may mapapala ba ako kapag naghintay ako Mathias?"
Gagi ang seryoso ng tanong ko, ako paba to? I never imagine that we will end up like this.
Napaiwas saglit si Mathias ng tingin saakin,
'Gagi mukang tatawa to ah'
At ilang segundo pa ang lumipas ay narinig ko syang tumawa,
'Boset'
See kilala ko na to kahit ilang buwan palang kaming magkaibigan.
"Sorry—Budang I didn't mean to offend you"
"Geh lang. Pupunta ako ng US without you knowing, it"
Napahinto lang sya sa pagtawa ng sabihin ko yun.
Aalis sana ako mula sa pagkakatayo pero pinigilan nya ako, nakahawak na sya ng mahigpit sa bewang ko.
"Ito naman ang seryoso kase ng tanong mo hindi ako sanay. Sorry"
"Heh bakit yung tanong mo? Nag bibiro kalang doon?. Ang malas ko naman sayo"
Natawa ulit sya sa sinabe ko habang natahimik naman ako sa gilid.
"Yes, of course"
Sumama naman ang timpla ng muka ko sa biglang sinabe nya.
"So malas nga ako sayo"
"No, what i mean about the 'yes, of course' its my answer to your first question about our personal affairs"
Pero napalitan din agad ng saya ang sama ng loob ko dahil sa sinabe ni Mathias.
"Lakas mo talagang mag mix signals"
"Really?"
"Oo, nangaasar yung tipong nakakainis tapos maya-maya ganito ka"
"Panong ganito?"
He lean on me allowing his jaw to rest on my head,
"Yang ganyang galawan mo!!"
"You mean when I act sweet?"
"Sweet nayan para sayo?"
"Excuse me?, are you questioning my way of showing my affection on someone?"
"Pang ilan naba ako sa mga napakitaan mo?"
"Una malamang, hindi naman ako ganun kalandi gaga"
I feel him hug me tighter and kiss my forehead.
Sana tumagal pa itong byahe, I feel like I want to spend my night being this close to him kahit ngayon lang ulit.
_End of Episode 34