🌺 EP 5 BACK TO SCHOOL

1938 Words
Justine's Pov— Natapos ang 2 lingo ng sem break namin at balik aral na ulit. Maaga ako ngayon since Lunes pasahan din ng sem break projects at assignments. "La papasok napo ako" "Apo hindi kabatalaga magpapahatid sa driver natin?" "La hindi na po, mag co-commute nalang o ako. At baka ma-traffic po kami eih. Mag iingat po kayo dito ahh" " Oo apo ikaw din ha" Nag mano muna ako kay lola at yumakap dito saka ako lumabas ng bahay. Dala-dala ang mga folders with floral designs ay lumakad na ako. Nang makita si manong driver na suki ko sa paghatid sundo saakin ay agad itong tumungo sa dereksyon ko. "Magandang umaga po manong" Pagbati ko rito ng maka sakay ako sa tricycle nya. "Magandang umaga din hija" Mga 20 minutes din ang byahe bago ko narating ang kanto palabas sa bayan kung saan naka stay ang bus na sasakyan mo papuntang school. 10 minutes naman ulit ang byahe papuntang school. "Salamat po manong" Inabutan ko sya ng 80 pesos at nagpaalam na dito na papasok na. Ng makapasok ng bus ay wala pang estudyante doon. "Hello po kuya magandang umaga,ang aga natin ngayon ahh" "Magandang umaga din hija, lunes kase kaya maaga dapat tayo" Tuluyan na akong pumasok sa bus at umupo sa likuran ni manong kung saan minsan walang nakakakitang bakante pa at ako lang ang umuupo. Ilang minuto pa ang lumipas at nagsidatingan na ang ibang mga istudyante, hangang sa sumenyas na si manong na aalis na. "Kompleto naba? Aalis na tayo" Nang wala ng makitang ibang istudyante ay, lumarga na si manong. Mabilis ang byahe kaya madali kaming nakarating sa school. 'St. Hermes College' Isa sa may titulo ng pinaka malinis at maayos na school sa Batangas, pribado, maraming facilities, magaling magturo ang mga teachers kaso mahal ang tuition. As usual chineck ulit ang bag ng mga students bago makapasok, dumiretso nadin ako sa room ko ng maka pasok ako sa highschool building. 5th floor, room 1, Section A1-Stem Engineering. Maganda ang school nato kung pag-uusapan ang 'quality of teaching' ang grading system dito ay. 40% Performance task 30% Written task 25% Exam 15% Attitude/Character A total of 100%, mababait ang teacher at dean. Pero kung pag-uusapa ang owner at ang ibang board of directors ay masusungit at arogante. "Tin zup" Ang pinsan kung si Enzo ang unang bumungad saakin ng makapsok ako sa room, ginulo nya ang buhok ko at inakbayan pa ako. Kaklase ko pala ang taong to Pinsan ko sya sa side ni mama, "Oh, problema mo?" "Wala naman, ang tagal mo kanina pa kita hinihintay" "Hinihintay mo pala ako hindi kamanlang nag chat? Ano bang kailangan mo?" "Notes hehe, pahingi" Agad kung kinuha ang notes ko at ipinakita dito. "Salamat dito, hindi papahiram sa iba wagkang magaalala" Wala akong kahit isang malapit na kaibigan sa room, tanging si Enzo lang ang palagi kung kasama sa kalokohan at pagseseryo. Wala din kasing nagbabalak na makipag close saakin dito, halos lahat din naman kase sa section namin may jowa na kung hindi naman ang iba ay working students, ang iba rin ay nasobrahan sa pagpupursiging mapansin ng mga crush nila. 'And I don't want to have a friend na hindi kayang panindigan ang pagkakaibigan namin.' "Nandito na sina Ellie" Narinig kung sabe ng isa kung kaklase, umayos naman agad ng upo ang mga kaklase ko. Pero kung pag uusapan ang bitches circle ay meron din sa section namin ang grupo nila Ellie, Winnie, Charlie, Barbie at Allie. Tinagurian silang 5 Queen Bee's ng STEM DEPARTMENT. "Queen Bee raw bagsakin naman" "Hoy Enzo" Natawa ako sa sinabi ni Enzo, pero totoo ang sinabe nya malakas mag donate sa mga fund racings and school activities ang mga magulang nila kaya sila laging nakakapasa, yan ang narinig ko sa mga sabi-sabi rito. "Wag kang mang real talk" Tumawa ng malakas si Enzo kaya nakaagaw kami ng atensyon sa mga kaklase namin. Kaya natahimik kami, tumingin din saamin ang grupo nila Ellie. Tahimik nalang kaming napatawa sa gilid "May surprise quiz daw mamaya sa subject ni maam Veron. Nakarinig lang din ako ng rumor—" "Give me your notes" Ikinagulat namin ni Enzo ang akmang pagkuha ni Barbie sa notes na gawa ko, mabuti nalang at naiwas agad ito ni Enzo sa kanya. "Gumawa ka ng sayo" Sabe ni Enzo dito. "Seriously? Ang damot mo" Mataray nasabe ni Barbie dito at nag eye role pa. "Ikaw ang tamad mo? May kamay ka naman ba't dika nakapag take notes sa discussion ni maam" Ito ang gustong gusto ko kay Enzo bilang kaibigan lagi akong pinagtatangol. Pati ang mga kaklase namin ay natawa sa sinabi ni Enzo, hindi rin naman kase lingid sa kaalaman ng lahat dito na pranka talaga si Enzo. "Youu!!" "Barbie enough, ba't ka naghahanap ng notes eih wala namang quiz mamaya" "They are reviewing of course may quiz na magaganap'' "Walang nag announce Barbie" Si Winnie naman yun na kumakain ng lolipop. "Fine!" Dahil sa sinabi ni Winnie ay nakiisyoso nadin ang mga kaklase namin, nagtatanong kung may quiz ba talaga o wala. "Guys chill, alam nyo naman na nerd tandems yang 2 magpinsan nayan diba?, of course they always review before class" Nagpapasalamat lang talaga ako sa president namin na si Dane na dumating sya para hindi na kami pakialaman pa ng iba. Nakipag fist bump pa ito kay Enzo bago umupo sa upuan nya, Natahimik kami saglit ni Enzo paramakapag focus sa binabasa namin, related sa strand ang quiz namin mamaya since si maam Veron raw ang possible teacher na mag bibigay ng quiz kaya yun din ang tinutukan namin ni Enzo. Habang nasa kalagitnaan ng pag re-review ay bigla kaming nakarinig ng ingay sa hallway. "May tranfery ba?, let's go girls" Grupo yun nila Ellie na narinig kung makiki isyoso din pala. "Ellie parating na yung subject teacher natin, mamaya nalang siguro" "No we must see it!" Baka lalaki yun ang oa ng mga girls kung maka react. Panigurado famous yun or modelo? Speaking of modelo, nakalimutan ko palang i research si Bakla kagabe, pag nagkataon na magkita kami magpapa-follow ako sa kanya sa IG. "Good morning class" Pagbati ng subject teacher namin, kaya nagsiayos ng tayo ang lahat. "Good morning Maam" After greetings discussion agad wala ng patumpik tumpik pa itong si maam. Sa oras na ito ay si Enzo ang nakatoka sa pag take notes ng projected discussion habang ako ang nakatoka sa paglalagay explanation na sinabe ng guro. Dumaan nanaman sa isip ko si bakla, kung anong ginagawa nun sa bagong school napapasukan nya. 'Magkikita pa kaya ulit kami?' Sa kaka delulu ko sa fictional character ko nakikita kuna sya sa kahit saan, nasa room namin sya— Ha? Teka bakit nandito yan!? "Wahhh yung transfery" "Modelo bayan?!" "Mukang familiar!" Sa kakatingin ko sa kanya ay hindi ko agad namalayan na kanina papala ako nito tinatawag. "Ms. Dela Vega?" "Ye—s maam!? Sorry po may iniisip lang..yung discussion nyo po shempre" Agad akong napatayo ng wala sa oras ng bangitin ni maam ang apelyido ko baka may itatanong tungkol sa na discuss nya. "May naghahanap sayo" Tumingin si maam sa room entrance at ang kaninay akala koy nasa imahinasyon kulang ay totoo pala nasa may pintuan si Mathias. May dala-dala syang lunch box, Agad naman akong tumungo sa may pintuan ng sabihin yun ni maam. Yung ibang mga kaklase ko ang ingay lalo na ang mga babae. Gagi, dito pala mag-tatransfer si Mathias?! Ang formal ng pustura ng bakla, lahat ng bahid ng pagka pink nya hindi mo mahahalata. "Ma'am I'll just talk to Ms. Dela Vega, please spare us some 5 minutes" Sa may stairs ako dinala ni Mathias. "Hoy budang, gaga ka talaga yung baon mo nakalimutan mo" Itinulak nya saakin ang baon ko, mula ata to kay lola, agad ko naman itong tinanggap. Muntik pang nalaglag, medjo nahiya naman akong napatamong dito "M—athias ba't ka nandito?" Gagi Sapaaanong paraan ko yun sinabe? Eih ang kapal kapal at ang tapang tapang ko doon sa bahay pag nag uusap kami. "Mag tu-twerk magdamag budang" "Sige subukan mo" "Tsk! Malamang mag aaral, maganda ang reviews ng school nato Budang, malaki rin at malinis. I just hope that the quality of teaching on this university will not fail me" "Dinaanan kulang yang baon mo nung mapadaan ako sa room mo sa kabila pa ang saakin. And I don't know my schedule yet so I gave it in advance instead of finding you during lunch time" Tanging tango lang ang nasagot ko sa rito, "Sige, aalis na ako salamat dito—" Tatalikod na sana ako para pumasok ulit sa room, pero hinatak ni Mathias ang braso ko. "Ano?" "I forgot to say one more thing, please don't call me by my fullname at this school. Andress Dela Peña ang pangalan ko rito" Kahit nagtataka sa sinabe nya ay tumango lang ako dito. Feeling ko namula ang pisngi ko sa lapit ng mga muka namin ng sabihin nya yun. "Ahh ok ba—ks?" Tumawa sya, "Whatever Pan—ty" "Hoii anong panty ang sagwa naman nyan Mathias!!" "I'll go ahead see you when I see you" Tumango ako sa huling sinabe nito at pumasok na ng room, ng makapasok ulit ay ramdam kung maraming mga mata ang nakatitig saakin ngayon. Maybe they are wondering, kung bakit ako isang tahimik na nerd sa room namin may kausap na pogi sa hallway. Lumipas ang oras at lunch na hindi na ako ng recess dahil busy ako sa pag re-review kanina. Nang matapos ang recess ay time naman na ni Maam Veron na ikinadismaya ng marami dahil nag surprise quiz sya 20 items. "Ang talino mo talaga insan 1 mali lang ulit pahiram ng utak, 15 lang ako" Pabiro pang sabe ni Enzo, kaya natawa ako. "Nachambahan lang na nabasa ko sila nung nag review ako ng notes sa sembreak" "Asuss chamba ang humble mo masyado" "Tara kain" Pag aya ko rito, "Hindi ako makakasabay ngayon may training sa basketball sabe ni Couch" "Ganun ba—" "Pero teka sino bayung naghantid ng baon sayo kanina?" Hindi ko pa pala na kwento kay Enzo kung sino si Mathias sa buhay ko. "Hey you!!, Justine right? Close ba kayo ni Andress?" Hinihingal na tanong ni Ellie na kung saan lang nang galing. "Ha? Hi—ndi ko alam?" Panigurado si Mathias ang tinutukoy ng gagang to. "Paanong hindi mo alam na sabe ng mga kaklase natin hinahanap ka nun kanina?" Patay anong isasagot ko doon?! Naloko na. "Ahh ano— ahh iniwan sa guard house ng driver namin at pinapabigay ng guard sa kany-a yung baon ko" Maniwala kang bruha ka! Kinakabahan ako at napapaisup kung mainiwala ba si Ellie sa kasinungalingan ko o hindi. "Ganun ba, sigurado ka?" "Ellie c'mon, hindi naman siguro sila. Andress surely have a taste of style and physic" Tinignan ako ni Barbie mula ulo hangang paa at nag taas kilay pa habang sinasabe yun. Tila bigla akong nakaramdam ng labis na hiya sa sinabe ni Barbie, kung makasabe naman sya ng ganun parang isa lang akong napakababang uri ng tao. 'But probably she's right' 'For now, kase wala pa naman akong napapatunayan sa buhay.' 'Im not yet a professional worker, but someday. Hindi narin ako gaganituhin. Sana nga' "Yeah your right" Inikutan ako ng mata ni Ellie saka sya umalis. 'Yeah Andress have a taste and will definitely not look at you' At hindi rin siguro sya titingin sayo Ellie kase pappi rin ang hanap nya. A smile suddenly escape from my mouth when a realization hit me. [END OF EPISODE 5]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD