🌺 EP 2 JUSTINE'S STORY

1942 Words
‼️ Warning Child Violence Ahead, please read at your own risk‼️ Justine's Pov- Habang inaayos ko ang mga gamit sa kwarto ay nakita ko ang box na pinaglalagyan ng mga dating gamit ko nung nasa Makati pa ako nakatira. Nang makita sa orasan sa kwarto na mag-aalas otso pa pala ay umupo ako sa kama matapos kuhanin yun. {Flashback} "Tita Julianne ito napo ang juice" Nanginginig akong binababa yun sa mesa, nangangambang baka maitapon ko yun at mapahiya nanaman. "Diba sinabe ko na Iced tea ang timplahin mo hindi pineapple?. Ganyan kanaba talaga ka boba?!" Hinawakan nya ang braso ko ng mahigpit na ikina iyak ko sa sakit. Sariwa pa ang mga pasa sa braso ko na kahapon lang ay namaga dahil sa pag tulak ni tita saakin sa may labahan, aksidente ko kasing nalagyan ng bleach ang damit nyang mamahalin. "Julianne ayos lang naman masarap din naman ang pineapple" Narinig kung sabe ng bisita nitong babae, "Ahh sige kakausapin kulang tung si Justine" Hinila nya ako papunta sa may kusina, nagkanda ugaga pa akong sabayan sya s apaglakad kase hinihila nya ako patalikod at dahil maliliit ang binti ko ay nahirapan akong sabayan sya. Malutong na sampal agad ang na tanggap ko mula rito, "Wag na wag mo akong ipapahiya sa amiga ko hindi ba at napag usapan na natin to" Isang kurot sa tagiliran nag natanggap ko rito, at tanging pag-igik sa sakit lang ang nagawa ko sabay kagat sa labe. Pag nag-ingay ako ng malakas panigurado hindi lang kurot ang matatanggap komula rito. Ito ang problema kay tita, konteng maling galaw kulang ay pagbubuhatan agad ako ng kamay. Siguro ay namana nya ito sa lolo ko noon na malupit na madidiplina. Napagbubuhatan nay din ng kamay ang mga pinsan ko pero hindi naman umaabot sa puntong napupuno na ng pasa ang mga likod, braso at tyan nila. Mabuti at hindi ni tita sinasali sa paghampas ang mga hita ko at baka mahirapan din akong tumulong sa bahay nya. Nang makuntento si tita sa pag didsiplina saakin ay umalis sya ng kusina, napayuko din ako na napaupo sa sahig. Nang mapatahan ang sarili ay tumungo ako ng kwarto, sampong taong gulang na ako at 4 na taong nag titiis sa pasakit na ginagawa ni tita. Ng mamatay ang mga magulang ko nung maliit pa ako ay pinagpapasapasahan na ako ng mga kamag-anak namin. Kinuha ko ang scented oil na palihim na binigay saakin ng asawa ni tita kahapon makakatulong daw ito sa pamamaga ng sugat at mga pasa, likod ko ang may pinaka maraming sugat at pasa kaya minsan pumapanhik ako palihim sa kwarto ni tita maka gamit lang ng salamin. Ang pinaka malalang natanggap ko na pagdidisiplina sa kanya ay ang latigo, napagbintangan kase akong nagnakaw ng singsing na bigay ni tito sa kanya noong mag 5th wedding anniversary sila. Ilang beses kung sinabe na wala akong ano mang kinuha ngunit hindi sya naniwala at nilatigo, si tito lang ang nakapag pahinto sa kanya noon kapag hindi pa umuwi si tito ng mga panahon nayun ay baka namantay na siguro ako sa sakit. Halos mag isang buwa ako sa hospital ng mga araw nayun napag sabihan naman na si tita kay tito kaso ay nanakit padin si tita hangang ngayon. Hindi ako nakapag aral ng elementary sa isang paaralan, may tutor ako at nung mag Grade 7 ako doon ako nakaalis sa bahay ng tita sa tulong ni tito. Nakahanap sya ng tyempo na itakas ako habang na sho-shopping si tita noon, hinatid nya ako kay lola lina na matagal nadin pala akong hinahanap. Malaki ang pasasalamat ko noon kay tito na kahit hindi kami magka dugo ay tinulungan nya ako. Nung unang araw ko kay lola lina ay hospital agad ang unang pinuntahan namin para ma pacheck up ako, madami ang nireseta at pinayo ng doktor saakin. Mentally and Physically abused ang problema ko, kung kaya nung unang lingo ko sa bahay ni lola ay alam kung nahirapan sya. Pag nagkakamali ako ay agad akong napapaiyak sa harapan nya at napapaiyak, iniisip na baka pagbuhatan nya din ako ng kamay. Pero mali ako ang akala kung kamay na gagamitin nya sa pagdidisiplina saakin ay laging mainit na mga yakap ang binibigay, ibang-iba si lola sa lahat ng mga taong kinalakihan ko. Kung ang iba ay walang paki, at mapanakit. Sya iba sya kung magdisiplina at mag-aruga, kung nagkakamali ako ay una nyang itatanong kung ayos lang ba ako at kung nasugatan ba ako. Pinakain ako ni lola, binihisan ng maayos at pinag-aral. Binibigay nya din lahat ng mga bagay na noon ay hindi ko natamo, tinuruan nya ako ng madaming mga bagay, maliban sa mga gawaing bahay na natutunan ko mula sa mga kasambahay nina tita. Tinuruan nya akong mag bake, mananim, mag craft, mag biskileta, mag motor, lumangoy, mangisda, gumawa ng apoy sa pamamagitan ng kahoy at posporo, at marami pang iba. Kaya lola idol ko sya, kasama pa sila noon ni lola Daisy na idol ko din kase kasama sila sa pagpapalaki saakin nung magdalaga ako. 44years old si Lola Nila noon ng kinuha ako habang si lola Daisy ay 45 naman. Labing dalawang taong gulang narin ako ng makuha niya, Nalaman ko na maimpluwensya pala ang pangalan ni lola sa lugar nila at Madam Lola ang tawag nila dito, marami syang negosyo sa batanggas ngunit hindi mga kamaganak namin ang mga nagpapatakbo dito, mga katiwala nya at kaibigan. Mabait at matulungin ang lola ko kaya hindi narin ako nagtaka na sa sobrang bait nya 10 kasambahay ang kinuha nya para sa bahay na tinitirahan namin ngayon. Mag may gusto umutang kay lola ay pinapautang nya ito sabay bigay ng trabaho kaya mahal na mahal din sya ng mga tao sa lugar namin. {End of the Flashback} Malaki ang pasasalamat ko kay lola kaya gagawin ko ang lahat para matulungan at mapasaya sya kaya gusto kung maging engineer, para maipasyal ko sya kahit saan pag nakaipon ako. Hinubad ko ang t-shirt na suot, at napatingin sa salamin. Naghilom man ang mga sugat na resulta ng labis na pagaabuso saakin noon, ang mga alaalang yun ang preskong presko padin sa utak ko. Labis na trauma ang naidulot nito saakin, ang daming marka ng paso at sugat sa katawan ko, pano kaya to mawawala? "Hoy Budang!—" "Yaw*—" Nanlaki ang mata ko ng makita si Mathias na nakasandal sa nakausilinf bukas na pinto ng kwarto. 'Gagang to hindi manlang kumatok bigla nalang pumasok!' Agad kung hinablot ang t-shirt ko at sinuot yun. Hinarap ko naman sya na ngayon ay ginagala ang tingin sa kwarto ko, "Ano kaba, kahit bakla ka lalaki kapadin at babae ako. Kumatok ka naman bago pumasok!!" "Kumatok ako, kaso ang tagal mong sumagot" "Kahit na!! Wala akong maayos na damit kanina!" Tinaasan ako ng kilay ng bakla at tinignan mula ulo hangang paa. "Don't worry wala akong nakita sa sobrang liit" 'Gago ba sya?' Parang sinilian ang muka ko sa sinabe ng bakla, wala raw syang nakita sa sobrang liit so napasadahan nya ng tingin? Grabeng insulto yun!!. "Ang sama mo!, Cup C kaya ako!!" "Cup C bayun ba't mukang tabla?" Bwisit sya!! Porket taga syudad lang manlalait na, "Pwee,ingit kalang kase wala kanun" Tinawanan ako ng loko sa sinabe ko, 'gagi tumawa nga?! Bakit ang gandang tumawa ng baklang to? Bakla ba talaga tung kasama ko?!' "Pftt, hoy mas maganda pa tignan yung akin kesa sayo!" Nawala ang pagpantasya ko sa itsura nya ng sabihin nya yun, bakla sya Justine ano ba! "Look!" At ang bakla itinaas ang t-shirt na suot nya! Naloko na, halos mapanganga naman ako sa physic nya, Kahit bakla sya toned ang katawan nya at medjo maumbok nga ang dede nya!! May abs pa!, Shett! Pwede na syang mag runway model! "Hoy Budang yung laway mo tutulo na!" Nabalik ulit ako sa wisyo ng sabihin nya yun at napatalikod tiniyak ko na walang laway na bumasa sa ibaba ng bibig ko. 'Wala namang laway ah' "Ano bang ginagawa mo dito?" Ngayong sabado narin sya bumisita matapos nung lunes na pangalawang pagkikita namin. "Nandyan si lola sa baba,binibisita si lola Nila" "Ay really nandyan si lola idol?" "Oo?, by the way what happened to your back?" Nalito ata sya kung bakit lola Idol ang tawag ko sa loka nya at patanong ang pagsagot nya ng 'oo'. Nakaramdam ako ng pagkailang sa tanong nya kaya kinunutan ko sya ng noo, "At Kailan kapa naging chismoso?" "I just ask because if you have a plan on removing those scars baka matulungan kita" Lalong kumunot ang noo sa sumunod nyang sinabe, "Satingin mo, matatangal paba to ng walang surgery or lazer?" "Of course, I'll just check it if I bring my ointment" Kinakipa na ni bakla ang mga bulsa nya hanggang sa may kinuha sya mula dito. "Here" Inabot nya to saakin at nag attempt naman ako na buksan. Kaso ayaw, "Akin na nga, basa basa din kase ng instructions bago mo buksan" "Press and turn daw Budang, hindi turn and lift the lid" Inagaw nya ang parang lip balm na stick saka ginawa ang sinabe na "press and turn" Bumukas naman ito at inabot nya. Amoy naman nito ang agad kung chi-neck. 'ang bango' Napansin ko naman na napa grin si Mathias dito. "Pinapahid ko yan sa kili-kili ko" Nasira agad ang timpla ng muka ko sa sinabe nya, ang bastos ah. Para na akong asong sinisinghot ang stick paste nato tapos pinapahid nya pala sa kili-kili nya pero in fairness amoy green apple padin. "Kadiri ka!, pero seryoso nakakatanggal to ng peklat?'' "Of course, that's LumiScar Stick it has cepalin with anti-inflammatory and antimicrobial properties.Helps soften and improve the texture of scars over time. Vitamin E, antioxidant that protects skin cells and promotes healing. Moisturizes and beneficial for underarm skin. Aloe Vera, keeps the area hydrated, preventing dryness that can worsen scars. Niacinamide, brightens skin and evens out skin tone. Hyaluronic Acid, provides intense hydration, promoting faster skin regeneration. Licorice extract which have natural skin brightener that reduces hyperpigmentation and dark spots. Coconut oil, moisturizes and nourishes the skin. Salicylic Acid Gently exfoliates dead skin cells, preventing buildup. Together, onion extract, vitamin E, and aloe vera help soften and reduce scars by promoting skin regeneration.Niacinamide, licorice extract, and salicylic acid brighten and even out skin tone while preventing further darkening of Underarm" "Gamot na sya nakaka puti pa ng kilikili" Napanganga ako sa galing nyang mag explain, parang sale's person lang ah. Entrepreneur din ba to? "Ang galing mo dun bakla! Pwede kanang entrepreneur!!!" "I am" Ay entrepreneur pala sya kaya ganun, magsalita. "Astig!!! Sainyo to?, I mean negosyo nyo?" Manghang tanong ko at manghang mangha padin sa LumiScar Stick na hawak ko. "Yeah family business" "Pa order mga 1 box!!" Nagtaka ako ng tumalikod ito bigla at may kung anong ginawa sa phone. Maymaya pa ay natapos sya, "Bumaba tayo" Nagtaka man sa sagot nya sa sinabe ko ay nilampasan ko ito at agad tumungo ng sala, at ng makita si lola Idol ay agad akong kumaripas ng takbo rito. Sabay talon sa kanya, "Budang, What the heck are you doing?!!—" Nasalo naman agad ako ni lola Idol at inikot pa kaya yumakap ako dito. You see that? Kaya lola Idol ang tawag ko dito kase kahit matanda na malakas padin sya at si lola parang nasa 30's lang sila. Nang maibaba ako ni lola Idol ay pinaghahalikan nya ang noo at pisngi ko mga 5 beses. Binelatan ko si Mathias habang yakap si lola, mukang tumataas ang alta presyon nya sa ginawa ko. Ang lakas kaya nitong lola Idol ko. [END OF EPISODE 2]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD