Justine's Pov-
Nakayuko ako habang nasa balcony ng guess room ng bahay. Sinabe ko lahat kay lola Daisy at lola Nila ang nangyare kanina, hindi naman sila nagalit at nag-alala lang,
'sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon'
"Lola, hindi kopo talaga yun sinasadya sorry po"
Halos manginig ang laman ko ng makumpirma kung nahimatay nga si Mathias kanina.
'Tinulak kopa kase sya. Ang bobo naman Justine'
"Tin apo, oo naiintindihan ni lola. Uminom ka muna ng tubig"
"Lah hindi kopo talaga sinasady—"
's**t naman talaga yung mga luha ko ang babaw'
Napayuko nalang ulit ako sa gilid dahil sa inis.
Kinakabahan pa ako ng sobra dahil sa nangyayare,
'Ang pinakaayaw kung magawang kasalanan ay ang makagawa ng mali sa ibang tao'
Naalala kulang ulit ang mga nakaraan kung pagkakamali, kung saan sa bawat mali may naghihintay na parusa'
's**t'
"Oo apo naiintindihan ko tahan na ha"
"Lah—"
"Oo tahan na, naiintindihan ng lola"
Niyakap lang ako ni lola hangang sa tumahan ako ng kaunti.
Ang trauma na nakuha ko mula sa pagmamaltrato saakin noon ni tita, nangyayare nanaman kapag nakagawa ako ng kasalanan.
'Nanginginig ang mga kamay at bumibilis ang t***k ng puso ko'
"Mag tubig ka muna, sige na apo"
Hinaplos haplos ni lola ang likod ko at ng medjo na himasmasan ako ay uminom ako ng tubig. Yung mga kamay ko na nginginig parin, laking pasasalamat kulang at nandito si lola.
"Tin!, ayos kalang?!"
Si lola Daisy na lumabas mula sa pinto ng balcony.
Agad nya akong dinaluhan at pinay-payan.
"Lola, sorry po tala—ga"
"Shh everything is fine now. Please calm down"
"Lol-a"
"Since then Kenny has low immunity, kaya madali syang mahilo at mag nosebleed dahil sa init at dry air. His body was still probably adjusting"
"S-o hindi po dahil yun sa pagkabungo nya sa lu—pa?"
Tanong ko habang pinapahid ang sipon, na mukang palabas na sa ilong ko.
"Hindi Tin, yun ang sabe ng doctor nasugatan lang ang ilong nya sa pagkadapa pero hindi yun dahilan para dumugo ang ilong nya"
Nagmistulang tinik na nabunot ang sinabe ni lola Daisy saakin.
"kamusta naman po sya lola Daisy"
"Gising na sya, nag ta-tambling na nga—"
Natawa si Lola Nila sa sabe at ang lola Daisy sa sarili nyang sinabe, maging ako ay hindi kuna napigilang matawa. Lumabas tuloy ang sipon sa ilong ko ng wala sa oras.
"Eiw Budang, kakainin mo ba yan ang tagal bago makapunas ahh"
Napataas ako ng tingin sa nagsalita,
Gising na nga sya! Dahil sa labis na saya ay agad akong napatakbo kay Mathias at walang pag-alinlangan syang niyakap.
"Aka—la ko mamama—tay ka-na"
"Oa mo, ang layo nun sa bituka—"
Habang yakap-yakap ko si Mathias ay tinutulak naman nya ako.
"Wahhhhh pano nalang ako pagnagkataon pag namatay ka, baka palayasin ako ni lola. Tapos ibabalik nya ako kay tita!"
Ramdam kung natigilan sya sa pagtutulak saakin palayo dahil sa sinabe ko, akala ko hahayaan nya na akong yumakap nang mas matagal sa kanya pero,
"Yung sipon mo Budang!! Nakakadiri talaga sorry teh"
Ayun hinila nya ang braso ko pa tayo saka kinuha ang panyo nya sa bulsa at yun, sinalampak sa muka ko.
"Sorry talaga Mathias ahh, hindi ko talaga yun sinasadya yung nangyare kanina"
Gamit-gamit ko parin ang panyo nya pero luha ang pinupunas ko dito.
"Oo na,ok na, you could stop crying and acting as if begging for my forgiveness already. In fact it was my fault kaya na disgrasya tayo. So I'm sorry also—muka kanang nagpa lip filler jan sa namamaga mong lips—pfttt"
Maayos na sana eih, maayos na sana kami oo malapit ng maging maayos alam ko. Kaso PRANKA PALA SYA AT WALA PA SA TAMANG SITWASYON ANG PAGIGING PRANKA NYA NGAYON!
Agad akong nakaramdam ng inis sa sinabe nya,
"Wow hiyang hiya naman ako sa—"
"Sa ano?"
Napatingin ako dito mula ulo hangang paa, may sugat sa ilong pero nagmuka lang modelo ng bandage.
"Ano!"
"Sa ano?!"
"Sa kwan—"
Bat kase wala akong makitang magandang maiasar dito?!!!
"Ewan ko sayo PINK NA MUSHROOM!!"
"At least mas maganda kesa sayo"
"ARGHHH!!!"
SHEEET NA BAKLANG TO HINTAYIN NYA LANG ANG PANAHON NA MAPAHIYA KO SYA!
"Edi sana pina billboard mo"
"Nasa billboard na ang ganda ko you could research it on google"
I was a bit cut off on what he say,
'Teka oo nga no ma research nga itong si Mathias mamaya, crush ko yung muka nya since then pero diko na isipang mag google ng handsome mans in the Philippines'
'Baka kasali sya duon?'
"Sige research ko mamaya, nasaakin pa naman yung name tag mo"
"Nasasayo pala yun"
Hahaba pa sana ang pag uusap namin ng makarinig kami ng tawa mula kina lola.
"Ganyan na ganyan din ang lolo ni Mathias noon saakin Nila, hayy"
"Ayy oo nga tanda ko pa noon sus hindi magkanda ugagang dakdakan ka tapos ay gusto ka pala"
Nang pagmasdan ko sina lola ay napangiti ako sa mga ito, what a strong friendship and bond they have on one another. Sana ako din mag karoon ng ganyang kaibigan,
"Lola Daisy, hindi kami ganun ni Budang we both have kabibe. Akala ko ba tanggap nyo ako?"
"Oo naman apo suportado kita palagi, naaalala kulang ang panahon namin ng lolo mo noon"
Yumakap pa ang bakla sa lola nya na niyapos din ito. Pero posible pa kayang mabago ang kasarian ni Mathias, gaya ng nasa mga manhwa at w*****d stories?
This man, he was supposed to be the man of my dreams ang mukang crush na crush ko simula nung bata pa ako.
But why Mathias?
Why?
BAKIT GUSTO MO YUNG MAY TALONG, NA MERON KAMAN NUN?!!!
"Lola Daisy, lola Nila magpapahinga napo ako. Pasensya po ulit sa abala ngayong araw. Magandang gabi po"
"Magpapahinga kana apo? Gusto mo bang ipatawag kita pag maghahapunan na?"
" Sige po lah salamat po"
Nagmano muna ako sa dalawang mag lola, at akmang aalis na sana pero may nakalimutan ako. Lumapit ako kay Mathias,
"Kamay mo akin na"
Nagtaka man syang nakatingin saakin ay nilahad nya ito, agad ko naman itong hinila pa punta sa noo ko at maka bless.
"Mano po Lo"
Sabay karipas ng takbo.
"BUDANG!!! LINTE KANG BABAE KA!!!"
[END OF EPISODE 4]