Justine's Pov—
'Ang gaganda ng gowns'
Pumasok kami sa isang gown and suit Boutique sa SM mall, kasama rin namin sila Lola Daisy at lola Nila. Sabe ni Lola ay humanap lang raw ako ng kahit anong gusto ko at sya naraw ang bahalang mag bayad.
At dahil Enchanted ang theme ng gown this year para sa pageant ay medjo nahirapan kaming maghanap ng fantasy inspired gowns. Pangatlo na itong shop na pinasukan namin ngayon, kung ayaw ko naman ang gown ay minsan ayaw naman nila lola ang disenyo at kulay.
"Ang daming pagpipilian dito Justine apo!"
Natutuwang wika ng lola Daisy at napangiti din ako.
Ang dami nga dalawang palapag ba naman ang shop nila!
Pumili kami ng limang na gowns isa na roon ay recommend ng shop seller, ang isa ay kay lola Lina, isa kay lola Daisy, ang isa ay kay Mathias at ang isa ay pinili ko at ni Mathias. Wala naman akong mapiling maayos kaaya nagpaubaya ako sa mga pinipili nila.
Ang pinili ni lola Nila ang una kung sinukat kulay Silver ito at elegante kung tignan sobrang bigat ngalang. Nang makalabas ako ng dressing room ay halos hindi ako makalakad ng maayos.
"Lah ang bigat!!"
Agad kung sabe ng makalabas ako, nang tignan ko naman sila ay nag thumbs up silang dalawa ni lola Nila.
"Sobrang ganda insan, para kang ikakasal"
Si Enzo yun na nadaanan namin kanina naghahanap rin ng suit nya, kaya ayun sumama saamin.
"Baka mahirapan kang maglakad"
Oo hirap na hirap nga ako. Tinignan ko si Mathias na prenteng nakaupo sa sofa at seryosong seryoso na tumitingin sa brochure ng shop. May 4 na nag a-assist saakin ngayon. Lima dapat ang Isa kaso mukang iba ang ini-entertain, si Mathias imbis na ang nagsusukat! Kanina pa sya tinatawag ng manager ng shop kaso bingi ata si Ate.
"Sir may napili na poba kayo?"
"I'm still looking. I'll tell you when I find one"
Tumingin si Mathias sa gawi ko at umayos ng upo. He motion his hand and give a thumbs down without commenting.
"Ok next gown"
Muli akong pumasok ng dressing room at nag try ulit ng iba.
Sunod kung sinuot ang napili ng manager para saakin , kulay pula ito na medjo dark na may slit sa gitna medjo mahaba ito ngunit magaan. Pinasuot din ako ng heels ng mga nag a-assit saakin.
Nasobrahan naman ito sa gaan!! May takip nga sa kamay mabuti pa yung kamay may gloves!!
Yung dibdib ko kitang kita!, sobrang sexy din ng likod na naka backless with a crochet patterned ribboning.
Nang lumabas ako ay napayakap agad ako sa sarili ko,
"Lah!"
Pagtawag pansin ko sa mga ito,
Napailing agad sila si Enzo naman ay tumatawa.
"Pwede na tin, sa bar"
"Nyee-nyee pagtatawanan din kita mamaya!"
"Ang ikli Daisy"
"Oo Nila"
Nag thumbs down agad ang 2 matanda at si Enzo nang mapatingin kami kay Mathias ay napakunot noo ito. Tinignan ako nito mula ulo hangang paa saka sinabe
"Too exposed"
Yun lang ang sinabe nya at nag thumbs down. Kaya
Agad akong pumasok sa dressing room.
Susunod na susukatin ko ang pinili ni lola Daisy.
Kulay baby pink ito at nagmistula akong garden fairy dahil sa gown, magaan at maayos kahit mahaba may nilalagay din itong ribbon na mahaba sa ulo. May butterfly din ito sa leeg may off shoulder sleeves na kulay puti at may gems tapos ang hindi rin kita ang dibdib.
Nang lumabas ako ay naabutan kung nag uusap sina lola at si Enzo tumitingin nadin sa brochure kasama si Mathias.
"Ito?"
Tanong ko ng maka punta sa kanila at pumatong sa may pabilog na block na hindi naman masyadong mataas.
"I like this one, you look so pure, soft and pretty"
Si lola Daisy yun.
"Thumbs up din to saakin apo bagay sa balat mo"
"Thumbs down saakin"
Lahat kami ay napalingon kay Enzo.
"Bakit?"
Tanong ni lola Nila.
"Diba pair tayo so Matchy-matchy? Ayaw ko mag pink ng suit"
"May point ka Enzo maganda naman ang dress kaso ang weird mo magsuot ng pink"
Nag antay pa ako sa sasabihin ni Mathias na ngayon ay nakatingin lang din sa suot ko. He motion his hand and say,
"Try what we choose"
Sabe nya kaya tumungo ulit ako ng dressing room. Gustong gusto ko yung una naming napili!!

Kulay itim ang dress na ito na may puting satin fabric as lining. Off shoulder ito na may madaming kulay gintong lining at gems sa tela. May Ornamented Diamond rose sa ulo, necklace na may mga kumikinang na bato rin at malaking silver ruby sa gitna. May earrings din ito pero hindi kuna sinuot. It looks like an ancient queen gown.
"Ang ganda!!"
"Mam bagay po sa inyo"
Sabe ng isang nag a-assist saakin.
"Gusto ko to Ate"
"Halos lahat naman po bagay sa inyo maam"
Na flatter ako sa sinabe kay ate at nagpasalamat din.
Nang matapos sa pag fit ay lumabas nadin ako ng fitting room.
" that's what Im talking about dark enchanting gown!!"
Si lola Daisy iyon ng makalabas ako ng dressing room.
"Ang ganda nga! Thumbs up saakin "
Sabe pa ni Enzo.
"Sige Thumbs up narin ako"
Si lola Nila naman yun,
"Ikaw Apo?"
Tanong naman ni lola Daisy kay Mathias na agad na napaangat ng tingin sa gawi ko. He look at me from head to toe and smile which makes me feel shy, he look at me from head to toe again and grin, then he suddenly laugh and cover his face. As if he was just massaging his temples.
's**t kinilig ako sa reaction nya!'
"Kinikilig kaba bro?"
Pang aasar ni Enzo dito kaya napatawa sila lola at ang ibang nag a-assist saakin.
They all give me a thumbs up and we are now waiting for Mathias.
"Ano na apo?"
He laugh again, open his legs a bit and look around.
"Kinikilig nga sya!!"
Si Enzo ulit yun na natatawa.
Mathias glance at me and suddenly grin. Pero tumawa ulit sya kaya natawa ako,
"Ano na? Thumbs up na!"
Sabe ko rito kaya tinaas nya ang kamay nya at nag thumbs up.
Sawakas ay nakapili rin kami, bumalik ulit ako sa fitting room at inayos ang sarili. Nang lumabas ako para tumungo kina lola ay tumungo agad ako sa tabi ni lola Nila.
"Naka pili naba ang dalawang to la?"
Tanong ko kay lola,
"Nakapili na sila apo at hindi na raw nila susukatin."
Sagot ni lola, tumingin ako kay Mathias at ngayon kausap na nila ang mga nag a-assist saakin kanina.
"Can you bring me on where it was displayed?"
"Yes sir"
'Gusto kung sumama'
Sabe ko sa isip ko habang nakatingin sa gawi ni Mathias. Tumingin naman agad ito sa gawi ko and he motioned his hand kaya agad akong lumapit dito.
"Come with me"
Sabe nya kaya ang lawak ng ngiti kung sumunod rito.
Napunta kami sa suit section ng boutique at sobrang dami nga naman ng pagpipilian dito pati accessories at swords meron!!.
"Ito po ang outfit na pinili nyo sir"

Napaangat ako ng tingin sa napiling suit ni Mathias. Literal na na enchanted ako sa itsura ito.
"Ang ganda!!!"
Magmumuka syang prinsipe pag sinuot nya ito. May manikin kase yung suit with the accessories.
"You like it?"
"Oo bagay na bagay to sayo!!!"
"I like it to, kaso"
Natigilan ako saglit ng lumpit ito saakin.
"Mas gusto ko yung dress mo!!"
Akala ko kung ako ang sasabihin natawa tuloy ako sa binulong nya.
"Oum excuse me sir ipapa balot kuna po, idederetso kuna lang din po sa counter"
''Yes, thank you"
Pagkatapos yun sabihin ng isang staff ay lumabas narin kami ng man's corner at bumalik kina lola.
"Lah sa counter na tayo, gutom na po ba kayo?"
"Medjo, apo bilisan na natin at kumain tayo pagkatapos"
"Sige po, saan po tayo pagkatapos?"
"Dito nalang sa mall"
"Sige po"
Tumungo na kami ng counter at inalam agad ang kabuuan ng bill pati ang mga accessories na kasama ng gown.
"15, 500 po lahat maam"
Pero nang malaman ko ang bill ay nanlaki agad ang mata ko.
Labing limang libo agad yun?! Ang mahal!
"Lah—"
"Ayos lang walang problema. Minsan lang ito ano kaba"
Nagdadalawang isip man na iuwi ang gown ay hinayaan ko nalang ang lola.
Inabot na ni Lola ang card sa cashier at agad naman itong nagpasalaamat sa pag purchase namin sa damit.
Rental lang sa gown and accessories yun with deposit, mababalik naman raw ang 5K sa oras na mabalik ang dress.
"25,300 sir"
"Thank you for renting with us maam sir, please come back again"
Nang matapos kami sa boutique ay tumungo agad kami sa isang kainan dito sa mall. Nagpaalam nadin si Enzo saamin na aalis kanina lang at may lakad pa ito.
"What about let's eat on a fast food?"
Tanong ni lola Daisy napatingin naman ako kay Mathias habang dala-dala ang nirentahan nya kanina. Naka cargo lang ito na kulay khaki, black t-shirt at sapatos na nike. Pero ang angas at gwapo tigna ng gaga,
"Ayos lang ba yun kay Mathias?"
Tanong naman ni Lola Nila.
"Ayos lang po saan ba tayo?"
Napatingin ako sa fastfood sa loob ng mall at nakita agad ng mata ko ang bubuyog na kulay pula.
"Jollibee"
"Sa Jollibee? Sige doon tayo"
Si Lola Daisy iyon at mukang exited din na kagaya ko.
'Yes!' Mis kuna ang fried chicken nila duon. 1 buwan narin akong hindi nakakakain dito.
Nang makapasok kami ng Jollibee ay tinanong agad kami ni lola Daisy sa gusto naming kainin.
"Anong sa inyo? Manlilibre ako"
"Ay gusto ko yan, Spaghetti, palabok, 2 peach mango pie, 1 fries at Chicken with 2 rice saakin friend with 1 coke"
Ang lola talaga basta libre ng kaibigan, shempre.... Gagaya din ako libre ni lola idol eih.
"Coke? Pwede kaba duon?"
"Minsan lang naman ngayon lang eih"
"Kapag ikaw umaray dahil sa coke bahala ka"
"Sige na ngayon lang eih"
Natawa ako sa biruan nilang dalawa at napaisip narin kung ano ang kakainin.
"Mathias anong gusto mo?"
Tanong ko rito na busy rin kakatingin sa counter sa taas.
"I don't know I'll have what you have?"
"Sige, gutom na ako kanina pa. Lah saamin ni Mathias Spicy chicken with extra rice , Burger stake and spaghetti, gusto mo ng soda?—"
"Tubig nalang"
"1 sprite, 2 peach mango pie, 2 sundae, 1 fries na small at 1 large"
"Yun lang ba apo?"
"Oo la thank you"
"Your welcome, gusto mo mag take out tayo?"
"Pwede po?"
Ang kapal ng muka ko diba? Ganyan ako kalakas kay lola Idol basta pagkain talaga hindi ako nahihiyang magpa bili.
"Chicken nalang po 1 at fries na lola"
"Sige gawin nalang nating 1 bucket tapos half spicy half original flavor. Satingin mo?"
"Ay bonga lola sige!!"
Nang makahanap kami ng bakanteng table at malapit sa may bintana ang nahanap namin. Nang maupo ako sa gilid ay napatingin ako sa labas labas ng mall kung saan may mga batang nagtatakbuhan, mga batang hamog ang tawag sa karamihan sa mga ito. May mga damit na madumi napupunit, kulay kayumangi ang mga balat na mahahalata mo agad na lagi silang nagbibilad sa araw. Minsan nang lilimos, minsan tumutulong sa pag-papark ng mga sasakyan para maabutan ng pera. Karamihan naman sa mga gaya nila ay binubugaw paalis dahil mababaho at marurumi.
"Batang-bata pa sila pero nagbabanat na ng buto"
"Oo kawawa sila Mathias"
Gusto kung matulungan ang gaya nila pag may malaki na akong makikita na pera sa susunod. Siguro this summer mag vo- volunteer ako sa isang community service.
Last year hindi ako nakasali dahil nag trabaho ako sa bakery ng lola sa may bayan, ngayon mukang magandang ideya ang pag sali sa community service.
"Sa idad nayan dapat nag-aaral sila at naglalaro pero sa idad nilang yan panigurado iniisip na nila kung paano makakakain sa araw-araw"
"Yeah, madami namang foundation pero sila yung pinaka least na makatangap ng tulong"
Wala silang maayos na dokomento,
Nakakita rin ako ng tatay noong isang araw naawa ako sa kanya kase yung paa hindi nya maitayo gumagapang sya para makausad. Kaso pagkain lang ang naibigay ko dito,
"Nandito na ang pagkain kumain na tayo"
Nang dumating ang pagkain ay nag simula na kaming kumain, kumuha naman agad ako ng gravy at binuhos ito sa kanin ko. Nang tignan ko si Mathias ay nakamasid pa ito sa ginagawa ko kaya natuwa ako rito.
"Hindi kapa ba nakapunta ng Jollibee?"
"My mom never allow me"
"Ganun ba"
Dapat pala hindi nalang ako nagtanong.
"Maselan kase ang mama nya apo kaya hindi sya dinadala sa mga fastfoods kaya hindi sya pamilyar sa mga fastfoods at sa mga simpleng pagkaing pang probinsya"
Sabe naman ni Lola Daisy.
"Gusto mong gayahin ang gagawin ko sa pagkain ko? Para ma enjoy mo naman yang kinakain mo at hindi mo iniisa isa"
"Ye—s?"
Kumuha ako ng gravy at inilagay agad ito sa kanin ni Mathias kumuha rin ako ng chicken na spicy at kinuha lahat ng buto rito. Hinimay ko ito gamit ang plastic na gwantes at nilagay ko ang sunday sa sobrang coke ni lola.
"Lah akin nalang to ahh"
"Sige lang apo"
Nanag matapos ay kumuha ulit ako ng sundae at tinabi rito ang french fries ni Mathias.
"Tapos na kumain kana, yubg sundae try mo sa fries masarap"
Napansin kung napatingin lang si Mathias sa pagkain nito kaya kinausap ko sya.
"Weird ang itsura pero try mo, hindi mo malalaman ang lasa kung dimo susubukan"
Nagtaas baba pa ako ng kilay dito sabay kuha ng fries nya at sawsaw nito sa sundae. Mukang nakumbinsi ko naman sya at sumubo na ito gamit ang kutsara at tinidor.
"Masarap nga Budang!"
"Diba nasarapan karin kumuha kapa"
Natapos ang kainan ng masaya at puno ng tawanan lumabas narin kami ng Jollibee ng matapos kami sa pagkain. Dala dala ang take out ko na binigay ni lola ay masaya kaming bumaba ng 2nd floor. Nang maka rating sa 1st floor ay may nakita akong manga naka display sa isang stall at dahil natatakam ako sa bagoong nya ay naisipan kung bumili.
"Lah may Manga!!"
"Talaga?"
"Oo may bagoong pa"
"Bilhaan mo ako apo"
Agad akong tumungo sa stall para makabili ng 3 dalawa saakin tapis 1 kay lola.
"What's that brown thing inside the mango?"
"Bagoong yan Mathias, gusto mo mag try?"
"Yeah I'll get the small one"
"Sige libre naman kita ngayon"
"Ate magkano?"
Tanong ko sa tindera na napangiti saamin.
"80 ang malaki hija, 50 naman ang maliit"
"Sige ate 3 malalaki tapos 1 maliit, pwede po bang i separate ang bagoong ng 50 pesos na manga"
"Oo naman hija"
"Sige po salamat"
Nagbayad na ako dito at binigay kay Mathias ang manga nya. Bumalik rin naman kami kaagad kina lola na nag-aantay lang sa may gilid. Inabot ko naman kay lola ang sa kanya.
Binuksan ko ang manga na binili ko at napansin ko rin si Mathias na binuksan nya ang kanya. Tumusok muna ako ng isa saka muling tumingin kay Mathias,
"Sumubok ka muna ng isa, baka hindi mo magustuhan"
Sabe ko kay Mathias. Nilahad ko sa kanya ang stick na may manga na akala ko ay kukunin nya ang stick mula sa kamay ko kaso ay sinubo nya agad ito.
'Eto nanaman tayo sa palpitation level 3 muntik ng atakihin sa puso si Justine dahil kay Mathias'
Napaiwas ako ng tingin dito at kinalma ang sarili. Nang tumingin ako kay Mathias ay napakunot noo sya,
"It doesn't taste good, nakakain ba talaga yan?"
"Oo naman kumakain nga si lola Idol o kasama ni lola"
Sabe ko sabay turo kina lola.
"Sayo natong bagoong, kakainin ko nalang ang manga"
Sabe nya na naiiba parin ang itsura ng muka, kaya natawa ako dito. Tama nga na hindi ko pina halo ang bagoong sa manga nya,
"I think I'll throw up if I force my self to try another one"
Sabe nya pa kaya lalo akong natawa.
"Ayos lang hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mo"
Sabe ko at sumubo ulit ng manga.
[END OF EPISODE 29]