🌺 Ep 30 WHEN THE TIME COME AND YOU GET OLD

1229 Words
Justine's Pov- 1pm na ng makauwi kami mula sa mall at dumiretso agad kami sa bahay ni lola Daisy. Sabe kase nya kanina nasa kanya nalang ako manghiram ng heels. "Yung damit mo sa talent apo, ayos na?" Tanong ni Lola Nila. "Oo lola, maayos na" "Wag kang kabahan sa pageant ahh pag kinabahan ka bigla sa Q&A tumingin ka saamin, para kumalma ka" "Oo lola salamat" Bumaba si Mathias mula sa hagdan ng 2nd floor na dala-dala ang 3 heels. Lumapit naman agad ito saakin habang nakaupo ako sa coach habang may full length mirror sa harap ko. Pinababa ni lola Daisy ang salamin na ito para matignan ko raw ang sarili ng maayos habang sinusuot ito. "I bought 3 heels, 2 ang may parehong size ang isa ay medjo mataas" Unang heels na pinasukat ni Mathias saakin ay kulay silver  Nang mahubad ang sapatos na suot ay lumuhod si Mathias sa harap ko. 'Shempre hahayaan kulang sya sa gagawin nya sya nag insist eih' Nang makita nya ang paa kung nababalot ng bandage ay mukang nagdadalawang isip pa ito kung ipapasok nya ba sa paa ko. "Ahh namumula nalang yang mga yan hindi na yan mahapdi" Sabe ko sa kanya napatingin din agad ito saakin. 'he look so hesitant to wear it on my feet' "Ako nalang mag he-heels para sayo" Sabe nya na ikina tawa ko hinubad nya ang suot na tsanelas at naka medjas nalang ito, isusuot nya sana ito kaso bigla nyang tinanggal. "Hindi kasya itong isa hahanap ako ng 39, 36 kase yung kinuha ko" 'Hala seryoso nga sya?!' Umakyat itong muli sa second floor at nang makabalik ito ay may dala syang heels  Puting heels yun na may ribbon at natawa agad ako ng humila si Mathias ng upuan na kagaya ng inuupuan ko at umupo sya rito. Sabay suot ng heels, "See bagay saakin Budang" Sabe nya sabay lagay ng kamay sa bewang. Natawa rin sina lola rito at rumampa pa sya sa harap ko "Split kaya mo?" "Wag mo akong hinahamon Budang" Ikinagulat ko agad ang sumunod na mga nangyare, nag split si Mathias sa harap ko! "Gaga ang galing mo!!" Napapalakpak pa ako sa ginawa nito. Nag split talaga sya sa harap ko as in, hindi ako makapanila sa nakita. "O sya tama na yan apo at baka mapunit yang Shorts na suot mo" Inayos naman ni Mathias ang sarili at natatawang lumapit saakin. "Gaga ka talaga" Tumawa lang din ito saglit saka hinawakang muli ang sapatos na hawak kanina, Muli nyang kinuha ang paa ko at sinuot ang silver heels, tinulungan nya rin akong makatayo. "What do you think? Komportable kaba?" "Ok maayos lang maganda syang irampa sa jeans attire" "Yeah naisip korin" "Ikaw hindi ka rarampa gamit nag heels nayan sa lunes?" "Kung pwede lang gagawin ko sasabay pa ako sayo" 'Mathias talaga kahit anong biro ko sinasabayan nya' Hinubad ko ang heels at may inabot ulit na bagong heels si Mathias.  Nang suotin ko ito at sinubukang tumayo ay muntik akong mabuwal buti nalang at nahawakan ako ni Mathias. Tinangal nya ang suot nyang heels at binalik ang suot nyang tsinelas, "Too high, hubadin muna at baka ma sprain kapa" Sabe nya na medjo natatawa dahil para akong ewan habang suot yun. Muntik ulit akong mabuwal sa paghubad ng heels mabuti nalang at nasalo ulit ako ni Mathias. "Careful" "So-sorry hindi lang sanay" Umupo ulit ako at may nilabas ulit na ibang heels si Mathias.  "Ang ganda Mathias" "This was lola's favorite, madami ang pinanalo nyang pageants sa heels nato" "Talaga?" "Yeah" Napatingin ako kay Lola Daisy na masayang nag kukwento kay lola Nila. Sinukat ko ang heels at nilakad ito. Komportable at maayos sya, "Budang umikot kanga" Umikot ako gaya ng sinabe ni Mathias pero nakarinig lang ako ng tawa mula rito. "Para ka namang pato, yung ikot na rumampa Budang" "Wow ahh ito na, hindi mo naman sinabe ng maayos" Sabe ko at sinamaan ito ng tingin. Rumampa ako at umikot gaya ng sinabe nya sabay post. At lumakad ulit palapit dito, Nappatango-tango naman sya. "Maganda ba?!" Natutuwa kung tanong rito, "It was flawless and good" Sabe nya dahilan para mas lalo akong matuwa rito. "Can you do a walk with me?" Tanong nya at inilahad nito ang kamay saakin. Dahilan para lalo akong matuwa, "Sige" Sobrang lawak ng ngiti ko dahil magkasing tangkad na kami ni Mathias dahil sa heels na suot ko. "Ngiting-ngiti ka ah?" "Mag kasing tangkad na tayo eih" Sagot ko na ikina tigil nya saglit. "Oo nga" Nagsimula kaming maglakad at kumapit naman agad ako rito. Until we got satisfied saka pa kami huminto, "I was surprised that you are actually a good dancer. Can we have a duo dance" " t****k tayo?" "Yeah, any song as long as it's a pop song will do" Wala ma agad akong pinalipas na oras sa sinabe ni Mathias at agad dumukot ng cellphone sa bulsa ko. "May drafts ako ng money pull up. Alm mo yun?" "Yeah" "Ayos sayawin natin" Nag rehearsal muna kami saglit ni Mathias at napagdisinyunan namin na sya ang sisipa at ako ang yuyuko. Nang maayos namin ang ang steppings ay sinuot ko ulit ang sapatos ko, kinuha nya rin saglit ang kanya. Inayos ko ang pwesto ng phone at tinanong sya, "Pwedeng i my day sa IG?!" "Of course" "Yes!" "Ok in a count of 5 position" Nang mag simula ang kanta ay nagsimula narin kaming sumayaw. Na mangha pa ako sa swabe ng pag taas ng paa ni Mathias. 1 minuto ang lumipas ay natapos ang sayaw ng maayos, ''ayos maganda ang resulta Mathias" Sabe ko rito na tumitingin din pala sya sa kuha namin kanina. "Send it to me" Sinunod ko naman agad ang sinabe nya. At pinanuod ulit ang sayaw na ginawa namin. "Let's try another dance?" "Sige" "Yung Rodeo ride I try natin" "Alam mo din ang steps nun?" "Yeah" "Sige sayawin natin" Lumipas ang ilang minuto ng pagsasayaw ay napagod din kami. At napaupo sa sofa, Mga 5 kanta rin ang nasayaw namin, "That was tiring" "Yeah it was tiring" May nilahad din saamin na juice ang isang kasambahay, almost 45 minutes na kaming nakapag sayaw ni Bakla pero ang 2 lola hindi parin maubo-ubos ang kwento sa bawat isa. Napaisip tuloy ako pag tumanda ako, may tao pa kayang makikinig sa bawat kwento ko? "May problema ba Budang?" Biglang tanong ni Mathias. Sinagot ko naman ito na hindi tinitignan. "Wala naman napaisip lang ako, sa panahon na tatanda narin ako may makikinig pa kaya saakin ng ganyan. Gaya nila lola Nila na may Lolal Daisy sya" "May malapit kabang kaibigang babae?" "Wala eih" "Mararanasan mo rin yan" "Sa tingin mo?" "Yeah, kaso baka hindi babae ang kasama mong matanda. Yung papakakasalan mo ang makakasama mo" Sabe nito, mapapakasalan ko? Sino naman kayang lalaki ang makakatiis sa ugali— Dumaan sa utak ko si Mathias ng maitanong ko yun sa sarili kaya umiling agad ako. 'Bakit si Mathias yung naisip ko bigla?!' 'Shett!' Naiisip ko talaga si Mathias na sya ang makakasama ko pag tanda! "Ayos kalang?" "Ah-h oo" "Iniisip moba ang taong makakasama mo sa pagtanda?" "HA? HINDE—hindi" Napaiwas agad ako ng tingin dito, wag nya lang sanang maitanong kung sya ba ang iniisip ko!! At baka masapak ko sya. [END OF EPISODE 30]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD