Justine's Pov-
1 Linggo nalang pala at balik aral na ulit, 2 linggo lang ang sem break at ang bilis lumipas ng oras na sa dami ng gawain ko ngayon kulang napag-isipan ng maayos na may mga projects pa palang kailangang tapusin!
Dapat ay bakasyon ko at malayo ako sa stress, kaso..
Hindi ako nakakapag-isip ng maayos dahil sa Lalaking to!
Eihh kase naman!!
Pano sya naging totoo mi?!!
Diba fictional character kulang sya?!
Yung crush ko since I was 9 years old na nagmula lang sa isip ko!
'Hindi naman ako mahilig sa idol-idol nayan mapa kahit anong celebrity pa. Pero amputa pano yun nangyare?
Nasa isipan kulang naman sya nabuo, tapos ay totoong tao pala?'
'Pero baka nagkita narin kami noon?—ay ewan ko!'
At sa kamalasmalasan ba naman pink na kabute pa ang dapat ay pappi ko.
Naunang maglakad saakin papasok sa bahay ang baklita matapos nyang masilip ang panty ko, at laitin ang kulay ng lipbalm ko. Hindi naman kase lipstick ang nilagay ko sa labi ko!. Lipbalm sya,
"Hoii Budang nasan naba si Lola Nila mo?"
"Nasa falls nag ba-back flip"
Pfft, isang malakas na tawa ang lumabas sa bibig ko ng maisip na ginagawa talaga yun ni lola.
'Sorry lahh love you,'
Pero ang bakla blanko lang ang muka, ni hindi manlang natawa sa joke ko.
"Gaga, baliw. Sabaw na nga ang joke tumatawa pa mag isa"
"Para sayo sabaw, saakin nakakatawa iba-iba tayo ng humor boy"
"Geh"
Nang makapasok kami sa bahay ay nadatnan namin si lola sa sala nag bu-burda.
"Hi lola Nila, may pinapabigay po si lola Daisy"
Inabot nya ang basket kay lola na agad naman nitong tinanggap.
"Ay ikaw pala yan Mathias, maupo ka muna at makapag kwentuhan naman tayo"
" Sige po, Kenny napang po ang itawag nyo saakin lola Nila ang pormal po kase ng Mathias"
Luh? Kenny anong connection nun sa pangalan nya?
RODOLFO ANDRESS MATHIAS FERNANDEZ III, ang layo.
'Ang galang galang makipag usap kay lola tapos saakin para lang syang kumakausap ng tambay sa kanto na kinaiinisan nya'
" Tin, apo kuhanan mo nga muna kami ng meryenda sa loob at si Ate Fatima mo ay hindi pa umuuwi mula palengke"
"Sige lah, may gusto po ba kayong kainin?"
"Kahit ano ay ayos lang saakin, ikaw ba Kenny may gusto kaba?"
Tinignan ko ito at ang pink na kabute tinaasan lang ako ng kilay, ang taray ng baklang to.
" Kahit ano nalang din po"
Ngumiti ito kay lola na ikina asim ng myka ko, halata namang peke.
Tumungo nalang ako ng kusina at kinuha ang Tupperware na nilagyan ko ng homemade casava cake ko.
Nilagay ko ito sa plato at nag timpla nadin ako ng pineapple juice.
May natira pang cookies kaninang umaga kaya kinuha ko nalang din at inayos,
"Budang anong pinaka malapit na Private school dito sa lugar nyo?"
"Ayy pink na mushroom!"
'Mas bagay pala dito na taguriang nuno kesa kabute!'
"Anong pink na mushroom ang pinagsasabe mo?"
Tanong nya, at mukang naguluhan sa sinabe ko.
"Yun, masarap yun iprito saka isabaw at ipakain sayo"
Tinaasan nya ako ng kilay.
"Hangang tumirik ang mata at bumula ang bibig mo"
Natawa nanaman ako sa sarili kung biro.
Yung muka ni Mathias halatang naiinis at naka cross arms nya pa akong tinitignan.
"It's funny"
"Sagutin mo nalang yung tanong ko"
" St. Hermes College, Poblaston,Batanggas. Lilipat ka?"
Tanong ko dito habang hinahalo ang juice.
"Hindi Budang, tutuwad ako dun magdamag"
"Subukan mo"
Natawa ako sa sinabe nito at napahawak pa ako sa tyan ko.
May papahid pahid sa luha payan.
"Gagi, ang laswa nun—"
"Tutuwad lang naman, hindi naman nakahubad na tutuwad"
Natawa ulit ako sa sinagot nya, pero hindi man lang sya natawa ng kaunti at kumuha nalang bigla ng cookies sa plato.
"This is good, saan mo nabili Budang?"
"Ahh yan sa Dela Vega House Of Pastries, sa bayan"
Nasarapan siguro sya sa cookies kaya kumuha ulit sya ng pangalawa,
"Tara sa labas"
Nag volunteer sya na dadalhin ang juice kaya hinayaan ko nalang.
Nang makarating sa sala ay nakaayos na ang mga gamit ni lola sa pag buburda.
"Mukang maganda ang pinagusapan nyo sa kusina at natagalan kayo ahh"
"Ahh hindi naman masyado la"
Sagot ko
" Actually your right, lola Nila. Joker pala ang apo nyo"
Sasinabe ni Mathias ay napatingin ako dito,
"Oo hijo nasabi mopa, lagi nya akong pinapatawa. Simula ng mag labing dalawa yan saakin na sya lumaki at masayahin talaga yan, kaya mahal na mahal din sya ng mga tao sa lugar nato"
Ilang minuto pa ang lumipas at Nag kwentuhan na ang dalawa at ako naman ang paksa ng bawat pag-uusap nila.
Wag lang sana ikwento ni lola ang muntikan kunang pagkain ng ipot ng manok noon at wala kaming magiging problema,
Kukuha sana ako ng casava, pero naunahan ako ni Mathias ng parteng kukunin ko sana, kaya kinuha ko nalang yung ibang parte ng casava cake.
Nalaman kung bakla si Mathias nung unang pagkikita namin. Una ko syang nakita sa DEPARTMENT STORE ng mall ground floor, tumitingin ako ng school supplies nung mga patahon nayun. Mukang sya din ay may hinahanap noon,
{FLASHBACK}
Nakakita ako ng cute na diary na kulay Blue at may Flowers pa na blue doon at bear na white may ballpen syang kasama at lock. Php 350 lang din sya nag sale sila at huling stock pa. Kukunin ko sana kaso inunahan ako, sa bilis ng paghablot nya nalaglag ang iba nya pang gamit na dala,
"Hala chill lang hindi ko namna yang kukunin kung gusto mo"
Hindi ko pa sya mamukaan nun pero nung itinaas nya ang ulo nya ay namukaan ko ito.
Gag* pinagpapantasyahan ko tong mukang to sa utak ko ah,
Totoong tao pala sya?
I mean nag exist pala sya?
Pero pano?
'Ay malamang tin iniluwal sya ng mama nya'
Gulat na gulat ako nung mga raw nayun para akong hinahabol ng aso sa lakas ng t***k ng puso.
"Dapat lang, because I will do everything to get this"
Nang sinabe nya yun ay napa nganga ako, naka eyeliner pala sya. Gaga! Naka eyeliner ang crush ko! Naka lipgloss pa!
Niyakap nya ang diary at rumampa paalis sa harap ko.
Ang taray mo bakla!
Aalis nadin sana ako sa harap ng shelf ng may maapakan ako,
Isang name tag pala na mukang galing doon sa lalake—i mean bakla kanina.
RODOLFO ANDRESS MATHIAS FERNANDEZ III
Pagbasa ko sa pangalan.
Ang sosyal naman ng uniform nila may name tag pa?
Mukang hindi yun taga rito ah at hindi rin pamilyar ang uniform nya.
Nang makuha at mabayaran kuna lahat ng mga kailangan ko ay lumabas nadin ako ng department store.
Nag hanap ako ng maiinom at uhaw-na-uhaw nadin kase ako. Nakahanap ako ng Mango smoothie stall kaya agad akong tumungo dito at umupo sa bakanteng upuan na mukang occupied nadin dahil sa mga gamit dito. I order 1 mango smoothie and a mango cake saka hinintay ang order ko.
Inayos ko ang mga gamit na pinamili at kinuha ang listahan sa bulsa.
Ayos na nabili kuna lahat, sobra din nag ibinigay na pera ni lola.
Ibinalik ko ang listahan sa bulsa at kinuha ang order ko ng tinawag ako ng nagtitinda.
Ngunit gumawi ang mata ko sa diary na nasa cellophane bag sa upuan sa harap ko.
Teka?! Kay bakla to ah?
Yung bag familiar din saka yung jacket na suot!
'nakawin ko kaya yung diary at wala naman—'
'Hindi masama yun! Hindi ako pinalaking ganun ni lola!'
Hindi kuna namalayan at hinahawalan kuna pala yung cellophane na tinitignan kulang ang laman kanina.
"Hoy magnanakaw, bitawan mo yan!"
Yung bakla nandito na!
Hinablot nya agad yung cellophane sa kamay ko at pinagpa pa ito, ang arte nya! Naghuhugas at nag sa-sanitize naman ako ng kamay bawat oras!!
"Excuse me hindi ako magnanakaw no"
"Then why are you holding my stuff, without my permission as if thinking to steal it?"
my point naman sya dun, pero iniisip kulang naman diko naman ginawa, oa nito!
"OA mo RODOLFO ANDRESS MATHIAS FERNANDEZ III"
Literal na nanlaki ang mata nya ng sabihin ko yun sa harap nya, tinakpan nya din ang bibig ko.
"Sit down and don't say anything stupid witch!"
Aba maka witch to, ang ganda ko masyado para magi ganun.
"Listen, don't you ever say my name in public ever again, hindi mo alam kung ano ang magiging resulta ng ginawa mo. You better stay away from me and leave now—"
"Apo ikaw na bayan?"
Sabay kaming napalingon nung bakla sa harap namin ng may magsalita.
"Lola Daisy?"
We say in union,
Binitawan nya ako at lumapit doon sa kay Lola Daisy, mag lola pala sila?
What a coincidence, lola idol ko yang si lola Daisy sakanila ako nagnanakaw ng manga noon eih pinapayagan nya naman ako, simula nung mahuli nya akong nagnanakaw nung maliit pa ako.
"Apo kailan kapa nakarating?"
Nagusap pa ng ilang minuto ang mag lola, nagkamustahan sila, nag yakapan ng mga sampong beses at nag tawanan.
Ang gwapo talaga ng supposed to be fictional character crush ko! Pero dahil totoo pala sya at hindi fictional, dapat ko na syang ma uncrush.
Naikwento din ni lola Daisy ang lola ko sa kanya and our lolas' were best friends.
{END OF FLASHBACK}
"Hoy Budang"
Nabalik ako sa katinuan ng tinawag ako ng bakla.
"Oh?"
"Kumuha kapa nito"
Sabay abot nya sa plato ng casava kanina, sinamaan ko naman sya ng tingin at pumanhik pakusina.
"Ang gwapo nga baklang- bakla naman magsalita"
"May sinasabe ka, budang?"
Oy,narinig nya payun? Talim ng tenga ahh,
"Wala"
Sagot ko dito at tuluyan ng pumasok ng kusina ng makuha ang pakay ay lumabas nadin ako.
"Ay hindi po kami ganun la, pappi din po ang hanap ko. Parehas po kaming maganda ng apo nyo"
Natawa si lola habang sinabe yun ni Mathias,
Ngayon kulang napasadahan ng tingin si Mathias naka, kakhi short na maikli at kita ang tuhod nito tapos naka t-shirt kulay white na may imprentang kape.
"Ay syang tunay?"
"Opo lah, don't worry at safe sya sa aking beautiful hands"
Napanganga ako ng ginawa nya yun, gagi nag ladlad na sya ng mala sirena nyang budhi!!
"Hoy, Mathias ito na ang order mo!"
Pasigaw ko talaga yung sanabe sa kanya at peke nya lang akong nginitian.
"Thank you mother dear Budang"
"Kung ganun ay wala naman pala akong dapat ipagalala kapag magkasama kayo ng apo ko. Ilang beses kana ngang na kwento saakin ni Daisy, mabait karaw, matalino, masipag at masunurin"
Mabait?engggglkkkk fake news yan la, try mo maging ako. Ang sama-sama nyan,
Lumipas ang mga oras at 5pm na, nagpaalam nadin si Mathias at inutusan pa ako ni lola na ihatid sya sa labas.
"Budang hatid moko"
"Ha? Hinahatid na nga kita palabas"
"Hindi ihatid mo ako sa bahay"
Napakamot ako ng ulo sa sinabe nya,
"Gaga ang lapit lang ng sainyo mula rito"
"Sige na, maggagabi nadin kase"
Napatingin naman ako sa paligid, oo nga maggagabi na.
"Ayaw ko nga baka abangan ako sa daan nung babaeng nakalabas ang mga lamanloob at hinihila nya"
Dahil sa sinabe ko ay ang sama ng tingin nya saakin,
"Natatakot kaba at baka may makita kang multo sa daan?"
I grin on him.
"This place was a province, what do you expect? it's possible that some ghost might just pop up in front of me"
Oo ba yung sagot nya sa tanong ko?, hindi naman nya sinagot ng direkta may iba syang sinabe. I'll take his answer as a yes then.
"Nandito nga sa harap ko ang may pinaka may maayos na muka sa kanila"
Lumabnaw ang ekspresyon ng muka ko at agad na tinanggal ang tsinelas na suot sabay pwesto ng mga kamay na ihahampas yun sa kanya.
"Oii, teka masakit yan. Ito naman at least nasabihan ka ng maganda diba? Mother dear"
"Ulol sayo nayun, isaksak mo sabaga mo"
Naglilikot ang bakla sa bawat sigundo na itatas ko ang tsinelas na hawak ko.
"Gusto mong ma markahan yang damit mo, mabilis lang to"
"Ayy! Wagg! Favorite koto!! Mas magmumuka na akong pulubi nun kesa sayo"
Pinaparating nya ba na muka akong pulubi dun?!
Dahil sa sobrang inis ay hinataw ko sya ng tsinelas kung dala, havaianas panaman to kaya matigas. Pero charot lang sa hinataw ibinato kulang sa kanya, sakto at tumama sa legs nya,
"Aray ang sakit nun ahh!"
Presto namula, satisfied na satisfied ako.
"Tara na ang dami mong arte!"
"Ang dami mong sinasabe ihahatid mo din naman ako"
"Che!"
Habang nasa kalagitnaan ng paglalakad ay may mga tao pa kaming nasasalubong mga kilala ko halos sila lahat. Binabati ko naman ang mga ito habang si Mathias seryoso ang muka,
"Bakla, ganya kaba palage?"
"What do you mean?"
"Yang attitude mo palage pag may ibang tao"
"Yes, greeting them was not a part of my responsibilities"
Ang pranka din ng isang to, porket mula sa syudad.
"Pero maganda din namang bumati nakaka gaan sa dibdib kase numingiti yung mga tao sayo pabalik"
"Ganun ba, we'll I don't really need their smiles"
Iba din nga pala kami ng pananaw sa buhay, mas mabuti pa sigurong hindi na ako magtatanong ng kung ano-ano.
Nang makarating kami sa Hacienda nila Mathias ay pinagbuksan sya ng pinto.
"Papasok na ako, Budang"
"O sige sisibat nadin ako"
"Geh, Budang babosh"
Isang beses lang ako kumaway dito habang sya kaway ng kaway ng papaalis ako.
[END OF EPISODE 1]