Justine's Pov-
"Apo bangon na may pasok kapa, mag aalas shete na"
Naalimpungatan ako ng ng marinig ang boses ni lola.
Sobrang bigat ng pakiramdam ko at ang sakit pa ng ulo ko.
"Laâh ang saâma po ng paâkiramdam ko"
Naramdaman kung lumapit si lola saakin at hinawakan ang noo ko.
"Ay nako apo ang init-init mo"
Panigurado dahil yun kahapon, kaya nilalagnat ako. Si Mathias kaya nilalagnat? Mahina pa naman ang immunity nun.
"Tatawagan ko ang guro mo na hindi ka muna makakapasok ahh, kaya mo bang tumayo?"
"O-po kaya ko naman siguro. Diba may meeting paho kayo sa barangay?"
Nasabi ni lola kahapon na may pagtitipong magaganap sa mga senior ngayon sa baranggay at mukang hapon pa sila matatapos.
"Oo apo, wala rin si ate Bing mo nasa palangke. May iba pa namang mga kasambahay dito kaso baka hindi ka matututukan agadânagaala ako sayo wag nalang kaya akong pumunta sa barangay?"
"Lah ayan kananaman ayos lang ako isa pa hinihintay na ng mga kaibigan mo yung speech mo doon. Pinaghandaan natin yung diba? Sayang na-man kung hindi ka pupunta"
"Pero apoâ"
Pinilit kung ibangon ang sarili at umayos ng upo.
"Kita nyo mainit ang ang katawan ko pero ayos lang ako pahinga lang ang kailangan ko la magiging maayos din ako"
Ngumiti ako dito at nag waki pa, para hindi na sya mag alala.
"O sya sigurado kang ayos kalang ahh. Uuwi agad ako pagkatapos ng gawain ko sa baranggay. Magpahinga ka apo"
Humalik pa ang lola sa noo at yumakap ako dito bago nya naisipang umalis na.
Tokneneng naman talaga oh, salahat ng sakit na pwedeng dumapo lagnat pa talaga. Nagkaka sleep paralysis pa naman ako pag nilalagnat, tapos wala pa ang lola,
Kailangan kung gumalaw-galaw at ilayo ang sarili sa kama.
Inalis ko ang kumot na makapal at sinubukang itayo ang katawan kahit nanginginig ako sa lamig.
Yung aircon hindi kupa nahihinaan,
Naglakad ako patungong cabinet kung saan nakalagay ang remote ng aircon at pinatay ito,
'mabuti siguro kung magsusuot ako ng manipis na damit'
Pinalitan ko ang damit na suot ko ng isang fitting na white night gown, hangang taas ng tuhod ang ikli saka inalalayan ang sarili na makalabas ng kwarto.
'Kailangan kung makainom ng gamot'
Nang makaramdam ako ng hilo ay napahawak ako sa pintuan ng walk-in closet ko.
'Justine lagnat lang yan, ilang beses munang naalagaan ang sarili noong nasa poder kapa ng tita Julianne mo! Kaya mo to'
Malapit na ako sa labasan ng kwarto ko ilang hakbang nalang, kaso ay nakalimutan ko palang kunin ang pangipit ko sa buhok. Hindi kuna nasuklayan pa nung nagbibihis ako kase nanginginig parin ako sa ginaw,
Umikot ako patalikod at kalaunan ay pinagsisihan ko rin dahil natisud ako at natumba sa sahig dahil sa hilo.
'Tokneneng na katawan nato ang hina'
Ibabangon ko sana ang sarili, pero mukang ayaw talaga... Kaya hinayaan ko nalang ang sarili sa sahig baka maging ok na.
"BUDANG AYOS KALANGâWAHH MATURE CONTENT NAKAKA SIRA NG PURI!!!"
Grabeng lagnat to nag i-illusion nanaman ako.
"Hoii Budang ayos kalang?"
Yung boses ni Mathias naririnig kuna,
"Nagâsi-simula na ata akong magka sleep
paraâlysis"
"Ano sleep paralysis?!, gaga ka yung panty mo nakita nanaman ng beautiful eyes ko"
'Teka? Nandito nga si Mathias gago?!!'
'At chaka nakita nya raw yung panty ko?! Ayy tokneneng naman panty short lang pala ang undergarments na sinuot ko.'
'Bosett boset'
'Bakit palaging si Mathias na ang nakakakita ng mga nakakahiyang sitwasyon ko?!'
"Budang buhay kapa ba?"
"Hmmm"
"Kailangan moba ng tulong?"
"Hmm!"
Bilisan mo! Nakakahiya yung panty ko naka exposed!
Narinig kung may nilapag ata sya saglit sa gilid na naka cellophane saka ko naramdaman ang kamay nya sa braso ko at hinila ako nito pa tayo.
" Gaga ka ang taas ng lagnat mo!, gusto mo bang dalhin kita sa hospital?"
'Dalhin mo ako kahit sa bangin wag lang sa hospital'
Gusto ko sanang sabihin yun sa kanya pero masyadong masakit ang lalamunan at pagod ang katawan ko. Kaya pag-iling nalang ang sinagot ko dito.
Inalalayan nya ako at hinapit sa bewang,
Shala ng baklang to 2 beses na nakahawak sa bewang ko!
'chancing na sya!â'
Ramdam kung nilapag ako nito sa kama pero hindi pahiga kundi paupo.
"Teka may pang-ipit kaba sa buhok aayusin kulang ang buhok mo. Muka ka kasing taong grasa sa itsura mo ngayon"
'Ang bastos talaga ng bibig nito kahit kailan,'
Kinurot ko sya as hard as I could sa braso nya para mapansin ang ipit na nasa kamay ko.
Mukang napansin nya naman iyon at kinuha nya ang ipit isinandal nya ako sa mga unan na pinatong nya saka nya inayos ang buhok ko.
Ilang minuto pa ang lumipas at natapos sya, gagang to ang tagal natapos nag sentipide ba sya?
"Ayan tapos na pretty kana ulit, pwede na pang burol"
'Baliw talaga'
natawa ako ng konte sa joke nya.
"May dinala akong soup, kainin mo muna bago ka uminom ng gamot. Saan ang thermometer mo nakalagay?"
"Tae ni Majin Boo"
"Yuck, pwede namang C.R. nalang bakit yan pa?"
Natawa ako sa sarili ng makuha nya agad ang ibig kung sabihin.
Ilang minuto na natahimik ang silid ko, kanina pa ako nakapikit, ayaw kung tignan si Bakla, nahihiya ako ng sobra bosett na lagnat nato yung panty ko nakita nya ulit!
"O nga-nga"
Akala ko ay pakakainin ako ng gaga pero lasang metal yung natikman ko.
"S-a kili kili yaân. Hindi sa bi-big!"
Naiinis na sabe ko rito pero ang hina ng boses ko.
"Ayy sorry naman!"
Kinuha nya yun mula sa bibig ko at itinaas ng kili-kili ko saka duon nya inipit.May naamoy akong mabangong bagay, panigurado ay yung soup yun na tinutukoy nya.
"O nganga, food na talaga to promise"
Kaya sinunod ko ang sinabe nya, unang subo napaubo agad ako.
"Ang bastos mo niluto yan ng chef sa bahay ni lola. Sakalin kita jang eih!"
"Maiânit kase"
Alam kung narinig nya ang sinabe ko, panigurado nag iihip na sya ngayon hindi kulang marinig ng maayos.
"ito na, say ahh, open mouth na dali"
Ang sarap nga ng sabaw mabuti nalang at hindi mapait ang panlasa ko.
Ilang subo pa ang binigay ni Bakla bago nya tinaas ang kili-kili ko para kunin ang thermometer.
"In fairness sa kili-kili mo Budang pwedeng pang model ng rexona. Kunin kita nextime, model mo yung DeoWhite na deodorant namin!"
Sabe nya pa. Buti nalang na wax koto kahapon bago pumasok.
"Ay nako 39.87°c ang temperature mo, bilisan munang kumain at iinom kapa ng gamot"
Mga 10 subo ata ang nagawa ko bago marinig ang kutsara na umaalog sa lalagyanan na hawak nya.
"Gamot natong hawak ko, can you swallow tables?"
Tumango ako,
"Mabuti naman, open your mouth"
I do what he say, and I tasted his fingersâepâEPâEP!! Malamang tatama yun sa labi mo budang sya ang nag lagay eih!
Agad naman nya akong sinubuan ng tubig na ininom ko,
"Bundang"
"Hmm?"
Inayos nya ang kumot, saka ang unan na nasasandalan ko. Mabuti at hindi nya ako pinahiga agad at baka sukahan ko rin sya,
"Ba't hindi mo binuksan ang mata mo?"
'Kase nahihiya ako na makita ang mga mata mo na paniguradong nakita ang panty ko na black!!! ARGHHH! SHET!!'
'Bubuksan ko ba? Pero anong rekaksyon ang ipapakita ko sa kanya?! Gaga hindi ko alam!'
And in a few seconds I open my eyes,
Their I saw his worried expression?
'Muka ngang nag-aalala ang muka ni Bakla.'
Nagulat ako ng punasan nya bigla ang gilid ng mata ko,
"Namumula ang mga mata mo, gaano ba ka bigat ang problema mo at naiiyak ka nalang bigla?"
"Kaâsing bigat ng jackfruit"
"Ang liit ng sayo akin Statue of Liberty"
Natawa ako mahina sa biro nito, ang Bakla pink na pink ang suot na T-shirt tapos naka short pa na black.
"I think you should rest, but let's talk for a bit hangang sa antukin ka"
Tumango ako sa suhistyon nito, this is way more better than letting me sleep and leaving me suffering from a sickness, just what I used to before.
"Alam ko Budang we don't know a lot of things towards each other. But we become close friends in a short period of time, you know you can count on me relating to your problems. I am willing to listen and judge youâkidding a side. I'm willing to listen and help you as I can. I'm counting you as my friend na, first friend pla kita if ever, so welcome sa aking pink na pink kung bahay na madaming scattered black dot's"
Tumagilid ang ulo ko sa sinabeng yun ni Mathias at napangiti.
"Thaânk you"
Natahimik naman sya at pansin kung napapaiwas tingin ito. Gagi pumanis naba agad ang bibig ko?!
Medjo nawala narin ang hilo ko,
Umalis si Mathias mula sa pagkakaupo sa kama ko at may hinalungkat sa cellophane na dala nya. Kaya iginala ko ang tingin sa sarili at baka may mali sa katawan koâat presto. Yung sleeves ng suot ko na maliit pa sa pasensya ko, bumaba na pala sa balikat ko!
Yung cleavage mo anteâyung cleavage nakikita na!!
Teka? Yung cleavage ko? Dahil ba dito kaya napapaiwas sya ng tingin?!. Agad kung inayos ang sleeves ko at itinali ito ng gamit ang exist loose ribbons sa likod ng dress ko.
Nang umupo ulit si Mathias sa kama ko ay may nilabas syang wet wipes, towel at cool fever. Inayos nya muna ang mga baby hairs ko na nag lilitawan saka pinahid ang wet wipes sa noo ko.Tinignan ko ng maayos ang muka nito, at nagtaka ng makitang namumula ang tenga nya at slightly reddish din ang pisngi nya.
Wait! Dahil bayun sa cleavage ko?!
Good sign bato?âTeka!! Umaasa nanaman ako!!
'I want to ask him something'
"Baâkla!!"
"Oh? Wag kang maglilikot lalagyan pa kita ng cool fever"
"May tanong ako"
"Spill"
"May plano kang magpa trans?, like magpalagay ng dede at mag pa Botox, magpa putol ngâ"
"Yuck! Hell no!"
Hala! Good sign nabato?
"That's ridiculous, baka mag 50/50 chance of death and survival pa ako sa hospital!"
'Good sign to na may chance pa sya na maging lalaki!!!'
"ganun ba"
Tanging nasagot ko nalang dito, at dimapigilang maka ramdam ng saya.
"Ikaw ba may plano kang mag pa opera?"
"Nang alin naman bakla?"
"Ng utak, minsan parang may tuliling ka eih!"
Ouch ang sakit naman nun coming from your crush.
Nakakaramdam na ako ng antok, pero ayaw kung umalis si Mathias.
"Kung inaantok kana you can sleep for a bit, I won't leave until Lola Nila arrive ibinilin kana saakin at busy rin ang mga kasambahay nyo. I bring my books, so I won't get bored"
Tumango ako at napangiti narin sa sinabe nya, tinulungan nya akong ayusin ang higaan ko, at ng matapos yun ay ipinikit ko ang aking mga mata.
"Bakla pag na boryo ka ahh, maghalungkat kalang sa mga cabinet ko madaming mga gamit jan at libro"
"Hmm"
Ang cold nya parin minsan,
"Yung cocaine nasa cr, sa may lababoâ"
"Pag dikapa tumahimik lalagyan ko ng docktape yang bibig at ilong mo"
"Sabe ko nga tatahimik na"
Matapos makipag usap ng napakaayos kay Mathias, I fell on a deep sleep.
THIRD PERSON POV-
Habang payapang natutulog si Justine sa kama ay sya namang pagkabahala ng lalaki sa gilid nito.
Kanina pa sya hindi mapakali dahil sa mga nakikita, pambungad na pwet, cleavage, tapos ngayon ay nag mistulang prinsesang himbing na himbing na natutulog ang babaeng kaibigan at kaaway nya.
Napapa hinga ng malalim ang lalaki at napapa isip, hindi sya maka pag focus ng maayos sa binabasa.
Nais sana nito na noon na makaklase ang kaibigan nya pero sa kadahilanang iba ang mga nais nilang kunin na kurso sa kulehiyo ay hindi nya ito makakasama.
Buryong-buryo sya tuwing recess at tanging nakatuon lang din ang atensyon sa guro at inaaral nila tuwing may klase.
Ang daming gustong makipag kaibigan dito at kumausap sa paaralan pero halos lahat sila ay pormal at tipid nya lang sinasagot upang matapos agad ang usapan.
Ginala ni Mathias ang paningin sa kwarto ni Justine malawak rin ito at nakaayos ang mga gamit.
Agad na nakaagaw ng atensyon ni Mathias ang mga painting colors at brushes na nakahilera sa itaas ng working table ni Justine.
"So she knows how to paint?"
Ginala ulit ng lalaki ang paningin hangang sa makita ang mga painting sa uluhan ng dala. May painting ng muka ng lola Nila ni Justine at ng bahay ng lola nya.
Mayroon din ng mga iba pang tao na nakasuot ng pangkasambahay na uniporme.
'mukang ang mga katulong nila ito'
May mga painting pa ng pink na roses, umuulan na panahon at batang umiiyak sa loob ng cabinet.
'Si Budang ba itong bata?'
Napag isipan ni Mathias na tumayo at lapitan ito, napansin nya rin ang isang kurtina na mukang may itinatagong bagay sa gitna ng mga paintings.
Bigla syang napaisip kung ano yun at titignan na sana pero natigilan sya ng mapansing naglilikot si Budang at tila may masama itong panaginip at may sinasabing kung ano.
"Budang?âhuy gaga ayos kalang?"
Lumapit sya rito at binaba ng kaunti ang kumot ng dalaga. Pinagpapawisan ito at tila binabangungot,
Kinuha ni Mathias ang towel at pinahiran ang mga pawis na tumutulo sa pisngi ni budang pero ang ikinatigil namna nya ay ng makitang may luhang tumulo sa mata nito.
"Gaga tung Budang nato! Ba't ka umiiyak?"
Sinukat ni Mathias ang temperatura nito, ngunit mababa naman, pero binabangungot ata si Justine.
"Budang gising!"
"Gumising kana! Baka mamatay ka sa panaginip mo tapos ako pa yung nandito!!"
Nagpapanic na si Mathias at di alam ang gagawin, ng maramdaman nya ang hawak sa kamay ni Justine sa kanya ay kinuha nya ito at kinapitan na parang natatarantang mister sa CS na misis.
"Hoy Budang wag kang mamatay!, gaga ka madaming magagalit pag namatay ka ngayon!"
Pinapahid parin ng isang kamay ni Mathias ang pawis nito.
Maya-maya pa ay nagising si Budang.
"Mathâias?"
"Hoy gaga ka! Akala ko mamatay kana!"
Natawa si Budang rito at umupo sya mula sa pagkakahiga.
"Maayos na ako, ano pala ang ginagawa mo dito?â"
"Nagbabantay ng baboy na ikakatay na"
Sarkastikong sagot ng lalaki.
"I mean bakit ka nandito na may pasok ka?, sinong nagsabe sayo na may sakit ako?"
"Ah yun ba, narinig ko ang usapan ni lola Nila at lola Daisy sa phone paalis na sana ako nun papuntang school. Wala raw magbabantay sayo at baka machugi kanalang bigla. Naisip ko naman na may kasalanan ako kaya ka nilalagnat nyaon. Kaya ayun sabe ko kay lola Daisy na ako nalang ang titingin sayo"
Madaming tanong ang namumuo sa isip ni Justine pero ipinasawalang bahala nya nalang yun. Ngumiti sya sa lalaki at nag pasalamat.
"Salamat Mathias ahh, baka tuluyan na nga akong na chugi pag hindi ka dumating"
"Duon kalang sana sa floor na parang isdang nawala sa tubig kanina"
Natawa si Justine habang inaalala ang sitwasyon nya kanina.
"Mathias gusto kung mag bihis, magbibihis lang ako tapos babatayo"
"Ayos kanaba?"
"Oo much better than earlier, anong oras naba?"
"2pm na Budang"
Nanlaki ang mata ni Budang dito at hapon na pala.
"Gagi, teka magbibihis ako magluluto ako"
Dali daling pumasok si Justine sa bihisanan at naghanap ng damit. Kumuha sya ng pambahay na trousers at damit na white saka lumabas,
"Bakla paabot ng wipes na dala mo"
Tumayo si Mathias sa pagkaka upo at inabot iyon ng lalaki.
"Thank you"
Maya-maya pa ay natapos si Justine, napatingin sya sa salaming nasa loob ng walk in closet nya at napahinto saglit ng makita ang ayos ng buhok nya.
Inayos nga ng gaga ang buhok ko, nag muka akong tao saglit dahil dito!
Paglabas nya ay naabutan nya si Mathias na nagbabasa parin.
"Tara baba tayo"
Bumaba na ang dalawa at tumungo ng kusina naabutan naman nila si Bing duon sa kusina at nagluluto din.
"Ay maam kamusta po kayo? Sabe ni Lola ay nanjan naman si sir Kenny at hindi ko nalang po kayo inabala"
"Maayos na ako Ate bing nandito paba yung letchon kagabe?"
"Ay oho maam"
"Sige at lulutuin ko"
Umupo si Mathias sa Kitchen table at pinatuloy ang pag babasa habang ang ibang mga kasambahay ay napapatingin rito.
"Si sir Mathias ang tumingin kay Maam?"
"Oo Day si sir"
"Hala! Sana all isang gwapong sikat na modelo ang nag-aalaga"
Walang kaalam alam ang mga kasambahay sa mabulaklaking kasarian ni Kenny at kung malaman man nila ito ay hindi nila maaring pagusapan iyon dahil sa nilagdaan nilang kontrata. Na ang problema o isyu sa loob ng bahay ay hindi maaaring lumabas ng bahay,
Umalis na si Bing sa kusina at dinala ang pagkain sa maids quarter nagpaalam naman si Justine dito.
"Bakla"
"Hmm?"
"Pagpag ang kakainin mo ngayon"
"What's pagpag?"
Natawa ang dalaga sa sariling biro nito. Napataas rin ng kilay ang lalake sa sinabe nya,
"Google mo"
"Nasa google naâ"
"What the heck Budang nakakadiri ka! Ito talaga ang ipapakain mo saakin matapos kitang alagaan?. Pahiran ang sipon mong tumutulo na sa bibig mo kanina?! Dapat pala hinayaan nalang kitang matikman mo yun"
Natawa si Justine dito at inayos na ang mga lulutuin.
"Ibang pagpag to. Pagpag extreme Level 100, hindi galing sa tiratira ng mga restaurant kusa talaga syang itinabi para muling lutuin"
Ilang minuto pa matapos ang munting bangayan ay natapos na si budang sa pag luto.
"Tsaran! Letchon kawali"
Nagtakal ng kanin si Budang para sa sarili at kay Mathias.
"Try mo sariling recipe ko yan ng letchon kawali"
Palipat lipat ang tingin ni Mathias sa babae at sa niluto nito hindi naman mukang kahinahinalang marumi ang niluto ni Budang.
Nasabe nya sa isipan.
Nang makita nyang kumakain na si Justine ay kumuha narin sya at unang subo palang ay nasarapan na sya.
Kaya ginanahan itong kumain, balanse ang alat, tamis at anghang.
Maganang kumain ang dalawa at naka 2 plato pa ng kanin si Justine habang si Mathias ay nakatatlo na at mukang nakukulangan pa.
"Sa lahat ng mga niluto mo ito ang pinaka maayos"
"Wow ha, kailan ba kita pinakain ng hindi masarap? Lahat masasarapâat sigurado ako dun"
Tama naman talaga ang babae sadyang gusto lang ni Mathias na inisin ito.
"Akin na nga yang kinakain mo"
Inagaw ni Budang ang plato ni Mathias kaya kumunot ang noo ng lalaki. Hindi na inagaw ng lalaki ang plato nya na kinuha ni Justin at kinuha ang plato ng babae at doon kumain.
"Hoy akin yan"
"Sayo nayang plato ko palit na tayo"
[END OF EPISODE 8]