🌺 EP 11 A SPECIAL CELEBRATION

2116 Words
Justine's Pov- Lalake nanghihipo ng kapwa lalaki? Baka bakla? O baka Bi, May nagsidatingan ilang grupo ng mga kabataan uusog sana kami ni Mathias sa pinakagilid pero may isang lalaki at babae na umupo sa uupuan sana namin, sa harap ko rin ay may lola. Napuno agad jeep sa pag dating nila, nang umandar na ang jeep ay napansin kung napahigpit ng hawak si Mathias sa braso ko. "Budang" Bumulong ang bakla, "Oh?" "Nandito yung lalakeng kinuwento ko" Mahinang sabe ni bakla kaya naalerto ako at agad na napatingin sa bawat taong nakasakay sa jeep. At Talaga naman nung tinignan ko ang lalaking nasagilid ni bakla ang sagwa ng tingin nya kay Mathias nakahawak pa naman ang kamay nang lalake sa kamay ng babaeng kasama nya na nag c-cellphone lang. Pansin ko rin na ang ibang mga lalake na nasa harap namin, nagtatawanan sila na paramg ewan. Tatlo yung nasa harap namin na mukang kasama nung lalaking katabi ni Mathias dahil nag sesenyasan sila. "Hindi mo ba naupakan noon?" "Budang hindi naman ako marong manapak, bibig lang ang panglaban ko" 'Ay tokneneng naman Mathias dapat nag aral ka ng self defense kahit papaano' Nagpreno si Manong dahilan para mapagalaw ang mga pasahero paharap. Pero yung katabe ni Mathias ang ay napahawak sa legs ni bakla, 'Aba, may babae na sya't hindi parin sya kontento dito?' "Sorry pre" Nagtawanan din ang iba pang kasamahan ng humipo kay Mathias. "Budang" Napatingin ako kay Mathias na nakasandal na ang ulo sa balikat ko, aba't mukang may masasapak akong gago ngayon ahh. Tinignan ko ulit ang lalake at ang kamay nito, Pasimpleng naka hawak sa hita ni bakla!! Palihim ko itong pinicturan, kailangan ng proyeba bago gumawa ng aksyon apat pa naman sila pag nagkataon at nagkagulo. "Mathias umusog ka dito saakin" Sinunod ako ni bakla at humanap naman ako ng tyempo at nag isip ng gagawin. Hindi ko alam kung bakit walang sinasabe si Mathias sa lalaki at kanina lang nung nasa daan kami ang tapang tapang nya makipag sagutan sa babae. Nang mapansin kung humawak uli sa legs ni Mathias ang lalaki ay hindi na agad ako nag dalawang isip na suntukon ang lalaki sa muka. "Aba gago kang babae ka—" Naalerto ang ibang pasahero sa nangyare pero wala na akong pakialam "Ano?! Ano sige! Lalaban ka? Sasaksakin kita ng dala kung cutter! Ang bastos mo pati lalaki pinapatos mong gago ka!" Inusog ko si Mathias at ako ang lumipat sa pwesto nya, naka ambang pang susuntok si kuya at naalaerto din ang mga kasama nya. "Sige magtulungan kayong mga gago kayo, may ibedensya ako na nanghihipo itong kasama nyong sira ulo!!" "What Sam? Seryoso kaba?!!" Usisa ng babaeng katabi nya, napahinto narin ang jeep dahil sa nangyare. "OO AT MAY EBEDENSYA AKO GUSTO MO I PM KO ANG KALASW**N NG JOWA MONG MUKANG BISAKOL?? HINDI KAPA KONTENTO SA MONAY NAGHAHANAP KAPA NG PATOLA BWIS*T KA!!" Sinapak ko ulit ang lalake at akmang susuntukon ako nito ng nilabas ko ang cutter ko at tinutok ko sa leeg nya, magkasing tangkad ata sila ni Mathias sa tansya ko pero payatot naman to. "Budang!" "Eih babakla bakla naman kase yang kasama mo tignan. Kaya talagang mahihipu—" Abat proud ba sya na nananghipo talaga sya? "BAKA GUSTO MONG IS*KS*K KUNA TO SAYO?!" "Budang tama na!" Pinipigilan ako ni Mathias at pilit na hinihila pero hindi parin ako nagpatalo. "Porket malambot tignan bakla na agad? Ul* l nakita mo tung nanghipo ng lalake kagaya ng ginawa mo?! Mas asal bakla kapa!!! Gusto mo atang mapa baranggay at mukang ka baryo pa kita!! Wala kana bang ibang alam na gawin na hay*p ka!!?" Bwisit nato malapit na ang dalaw ko at ginising nya talaga ang natutulog kung galit. "Ikaw na babae ka!!—" "Dre tama na apo yan ni Lola Nila!" Nang sinabe yun ng lalaking kasama nung manyak ay tila natigilan sya bumaba narin ang driver ng jeep at tinanong kami. "Ano bang kaguluhan to?" "Manong yang lalaking yan nanghihipo ng kapwa lalake!! Mukang g*go may kahawak na ibang babae tapos nanghih*p* ng iba!" Isang malutong na sampal ang natanggap ng lalaking nanghipo mula sa kasama nitong babae. "Bwisit ka bakla ka pala break na tayo" "Lea—" "Bumaba kayo ng mga grupo mo hijo pakiusap" Walang nagawa ang grupo ng lalaking yun at bumaba natawa naman si Manong na tumingin saakin. "Ang protective mo namang girlfriend hija" Prinoproseso pa ng utak ko ang sinabe ni Manong ng mawala ito sa harapan ko lumipat na sya sa harap at nag drive. 'ay manong hindi nya ho ako girlfriend' Nilingon ko si Mathias na nakahawak na pala sa bewang ko. "Ayos kalang Mathias?" Nakatingin lang ang bakla saakin naikina taka ko. Na trauma ba sya sa nangyare kanina? "Mathias?" "Ayos kalang ba?,hoii" "Hija ang galing mo kanina, hindi ko sukat akalaing magagawa mo yun para jowa mo" Nag thumbs up pa si lola at ang ibang kasabay namin jeep napa palakpak! "Ay Lah hin—" Naputol ko ang sasabihin ng bigla akong niyakap ni Mathias. "Mathias?" "Thank you, t—hankyou so much Tin" Biglang Kumabog ng malakas ang puso ko sa sasinabe ni Mathias at nakayakap pa talaga sya saakin, 'wag ka namang ganyan Mathias mahihirapan akong tanggapin ang realidad na bakla ka' "Ayos kalang ba?" "Oo, ikaw dapat ang tanungin ko nyan Budang ayos lalang ba?" "Oo naman!" "Saan galing yung cutter na hawak mo kanina?" "Dala-dala ko yun palage pang self defense lang. Marunong naman akong gamitin yun kaya walang problema. May lalagyan ako ng cutter sa ilalim ng dress na suot ko" Gumalaw saglit ang ulo ni Mathias, hindi ko agad namalayan na yung bibig nya malapit na pala sa leeg ko— "Nakakatakot ka palang awayin at baka manaksak ka nalang bigla" Natawa ako sa sinabe nya at sinagot ito. "Nakalimutan ko ngang gamitin sayo nung magsabunutan tayo" "Budang!!" Natawa ulit ako sa reaksyon nya at napayakap din dito, hindi ko rin naiwasang mapahawak sa buhok nito, ang lambot lambot ng buhok ng loko. Sa pisikalan mahina pero sa labanan ng bibig grabe kung maka dada. "Tuloy pa tayo ah" Nasabe nya ng makababa kami ng jeep, "Oo naman kukuha lang ako ng picnic basket sa bahay at ayusin natin itong mga dala ko" Tumungo na kami ng bahay at hindi ko rin naabutan si lola doon, saan kaya sya pumunta? Nang tignan ko ang phone ay nag text pala sya nandoon kina lola Daisy at tumutulong pala sa handaan. "Budang pahiram ng towel mo mamaya, ayaw kung umuwi ng bahay madaming tao" "O sige magdadala tayo" Pumasok ako saglit sa kwarto para kumuha ng towel at ilagay ang mga pinamili ko sa mesa. Nagpalit nalang din ako ng t-shirt na black at shorts na khaki, Si Mathias naman ay hinayaan ko sa kusina na inaayos ang mga pagkain. "Mathias naayos muna yung mga pagkain?" Sigaw ko sa may hagdanan. "Patapos na ako mag plating" Nang maka pasok ako sa kusina ay seryosong seryoso si Mathias sa ginagawa nya. Ayos na ayos ang plating maging ang mga chit-chiria sa plastic ay inayos nya. Nasa aluminum platters ang iba pang pagkain kumuha nalang din ako ng yelo at tubig nilagay ko sa tumbler at pinasok ito sa picnic basket. "Ayan bongga ang galing ko!!" Napapalakpak sya sa ginawa nya at nag picture pa sa ginawa. "Bakla tara" Nang tinawag ko ito ay lumingon sya sa gawi ko, saglit syang napatingin ngunit agad ding umiwas. Inayos ko ang mga dadalhin namin at kinuha naman nya ang picnic basket at iilang mga aluminum platters. Dala ko naman ang utensils at tumbler. "Malayo ba ang pupuntahan nating ilog?" "Hindi naman sakto lang ang lalakarin" Naglakad kami ni Mathias ng mga 15minutes hangang sa nakarating kami sa isang resort dito sa baranggay. Kkilala ko ang nagbabantay, kaya makakapasok din kami agad dito, Nang makarating kami doon ay sakto wala masyadong mga tao, "Mang Tomas magandang Tanghali po" "Maam Tine, magandang umaga din po. Maliligo po kayo?" "Oo kuya may kasama ako" "Jowa nyo po?" "Ay kuya—" "Yes po I am" Siniko ko si Mathias dahil sa ginawa nya pero tumawa lang ito. "Ul*l!" "Ay ganun ba pumasok na kayo kung ganun at nanjan si Tina sa loob" Pumasok na kami ng tuluyan at masama parin ang tingin ko kay Mathias. Palagi nalang syang nangaasar kapag may nagtatanong kung kami ba o hindi. "Bilisan muna ang paglalakad at baka matulak kita jan sa gilid" Tumawa sya at sinabe, "Ang ganda dito Budang" "Oo naman pinagmamalaki to ng Baranggay namin. Exclusive lang to sa taga rito o kaya pag may kilala kang taga rito pwedeng pwede kang pumasok" 150 ang entrance mapa grupo man o indibidwal katuwaan lang talaga ni Lola Tina ang pagalaga ng lugar nato. "Bias" "Mathias mas mabuti din kung ganun at mapapanatili ang kalinisan ng lugar, pag magpapapasok lang sila ng kung kung sino-sino dito baka magkalat lang ng basura kahit may sign na sa labas na bawal mag dala ng plastics" "May point ka naman—ahhh!!" "Hoy anyare sayo?" Nawala agad ang ngiting sumilay sa mga labi ko ng bigla itong sumigaw. "Muntik na akong madulas budang!! Nakakaimbyerna! Yung platter ko baka masira!" 'Aba yung mga pagkain pa talaga ang una nyang naisip pag nagkataong madudulas sya' Hindi ko maiwasang matawa sa kanya ngayon na mukang batang nagaaral pa kung paano maglakad. Natatawa akong napaupo sa cottage ng makarating kami sa ilog. Ang ganda talaga dito nasa ibabaw ang cottage at sa ilalim ng cottage ay ang ilog. "Budang picturan mo ako dali!!! Ang ganda dito!!!" Binigay saakin ni bakla ang cellphone nya at tinanggap ko naman. Kinuhanan ko sya ng litrato hangang sa pinatigil nya ako, "Mag swimming muna tayo budang bago kumain?!!" "Teka lang" Kinuha ko ang maliit na lalagyan na naglalaman ng cake na maliit binuksan ko ito at nilagyan ng kandila na may nakalagay na 18, hindi to napansin ni Mathias kanina na binili ko dahil nag cr sya nung bilhin koto. "Kailan mo yan binili?" Tanong nya, ng tignan ko ito ay nakangiti ito at mukang na surpresa. "Kanina nung tumae ka—" "Budang!!!" "De joke lang baks! Ito naman di mabiro" Sinindihan ko ang kandila na nakapatong sa cake. "Happy Birthday to you, happy birthday to you—" "Teka mag video tayo" Ipiniwesto nya ang cam saka nagpatuloy naman kaming kumanta. "Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you. Happy birthday mushroom na pink. Wish na" Itinaas ko ang cake palapit sa kanya, at hinawakan nya rin ang box. Saka sya pumikit saglit at hinipan ang kandila. "Yehey! Dalaga kana bakla!" Kinuha nya ang bulaklak na nalaglag sa mesa at nilagay sa tenga. Mula ang bulaklak sa puno ng Plumeria, at matignan ko sya na suot ang bulaklak. Lalo lang akong nagandahan sa kanya, "Bonga! Dalaga na ako!!" Habang nag pi-picture sya ng cake sa gilid ay palihim ko rin syang kinuhaan ng picture na naka side view. Kita ang bulaklak na nasa tenga nya at halatang masayang masaya din ito. "Budang sindihan mo ulit at p-picturan ko! Tapos picture tayo" Sinindihan ko ulit ang cake at nag picture kay Mathias, tapos ay nag picture naman kami. At sa halip na mag swimming pagkatapos ng picturan, ay nilantakan ni Mathias ang cake at ayaw pa mamigay. "Ang damot mo konte lang ehh" "Madaming ibang pagkain jan budang saakin lang to" Uminom nalang ako ng ginawa kung thick milo, dahil ayaw nya talaga mamigay. "Paki open ng Brandy budang" "Seryoso ka talaga na iinom ka?" "Oum" "Sige" Kumuha ako ng yelo mula sa tumbler at kumuha ng baso na babasagin sa picnic basket. Nilagyan ko ng yelo ang baso at binuhusan ito ng brandy, "Oh ito" "Thanks" Inabot ko kay Mathias ang baso at mukang sanay nga ang bakla na uminom ng ganon. Inisang lagok nya lang ang nilagay ko sa baso. At wala man lang syang pinakitang ekspresyon ng mainom ito. "Get me some chocolate please" Aba mukang gagawin pang chaser ang chocolate. Inabot koto sa kanya at sinalinan ulit ang baso nya, "Cellphone mo bakla pi-picture-ran kita!! Magandang angle to" Naka sandal si Mathias sa may table at yung long sleeve nya na suot kanina naka ayos hangang siko nito. Inilahad nya naman saakin ang phone at kinuha ko ito. Inayos nya ang suot at kinuhanan ko rin sya ng mga stollen shots, lalo tuloy na lumitaw ang kaputian nya. 'Naiingit ako sa kutis ni bakla' "Bakla pahiram ng balat mo!" Natawa si Mathias sa sinabe ko at pinicturan ko naman sya. "Ok 5 shoots, in count of 3" "Next post" "5 shoots, in count of 3" [END OF EPISODE 11]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD