Justine's Pov-
"Good afternoon students the results of debate, quiz bee, and board games competition is finally out you can proceed to the information area to know the winners"
Nakaidlip na si Mathias kakaantay na sumapit ang hapon ni hindi na kami kumain ng lunch dahil may snacks naman during the competition. Pero ewan kulang sa bakla kung kumain ba sya,
"Mathias"
Tawag ko rito, tahimik itong nakapikit at nagmistula nanaman syang modelo sa paningin ko.
"Sobrang gwapo mo Mathias, kahit babakla-bakla ka ang dami mo paring na-achive at nagawa para paunlarin ang sarili mo"
Hinaplos ko ang buhok nito at ng mapansin ang bulaklak mula sa puno na nalaglag sa noo nya, kaya yumuko ako at dahan-dahan itong kinuha—na pinagsisishan ko rin dahil ng mapatingin ako sa mata ni Mathias ay naka dilat na sya,
"Wahhh!, r**e! r**e! Gagahasahin ako!! Tulong!tulong—"
Agad kung tinakpan ang bibig ni bakla, dahil sa ingay nya.
'At anong pinagsasabe nyang r**e?!'
'Baliw ba sya?'
Ang likot nya kaya tinakpan ko pati ilong nito, dahilan para lalo syang mangisay.
"Kakalma ka o dito kana bubuhatin ng rescuers?"
Huminto naman agad ito sa pag galaw kaya binitawan ko sya. Napabuga agad ito ng hangin at agad na napaupo habol-habol ang hininga.
"Gaga ka papatayin mo ba ako?!"
Sigaw nya sa muka ko,
"Oo sana kaso naawa ako"
Masamang tingin ang ipinukol nya saakin at inikutan pa nya ako ng mata.
"Ang ingay mo kase at anong pinagsasabe mong r**e? Ang Oa ha may kinuha lang akong bulaklak sa buhok mo"
Nakaka imbyerna tung si bakla, sarap iwan dito sa isolation field.
"Ang lapit kase ng muka mo kaya nagulat ako!!"
"Pag malapit lang ang muka r**e agad?"
"Ewan ko sayo, tumayo kana aalisin kuna yung picnic sheet aalis na ako"
Agad namang tumayo si bakla at inayos ang sarili, tinupi ko naman ang picnic sheets saka ito ibinalik sa compartment sa may bench.
Saka ako naglakad palabas ng isolation field. Ang oa talaga ng reaction nya kanina—parang na offend ako,
'Wala naman akong masamang intensyon dito'
"Budang teka"
Rinig kung sigaw nito mula sa may hindi kalayuan ang bagal nyang maglakad kalalaking tao.
'Ay bakla nga pala yun'
Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad at tumungo ng hagdan paakyat sa 2nd floor, Parang ang childish kung iisipin pero nagtatampo ako sa sinabe ni Bakla kanina,
'muka ba akong r****t?'
'Grabe naman sya'
'Sana hindi ko nalang kinuha yung bulaklak sa ulo nya kanina'
Ewan ko ba at nainis agad ako sa sinabe nya siguro dahil may dalaw parin ako at madali lang mairita,
Bigla kung naisip ang ibinigay ni bakla kanina, kinapa ko ito sa bulsa ko. Sabe nya tignan ito pag nakauwi na ako pero dahil curious ako ay tinignan kuna ito,
Nang makuha ito mula sa bulsa ay namangha ako sa itsura ng bracelet—gagi ang ganda nya may mga rose na beads na mukang diamante tapos kulay gold naman ang adjustable strap nya.
"Ang ganda!"
May pangalan kupang naka limbag sa bracelet
'Justine'
Buti at hindi budang ang nilagay nya, sinilid ko ulit ito sa bulsa at nagpatuloy sa paglalakad.
Kahit maganda itong binigay mo Mathias naiinis parin ako sayo, ang dami mo nang kasalanan saakin!! Tapos pagbibintangan mulang akong r****t!
Tumungo ako ng information building at naabutan ko agad nagkukumpulang mga tao, tumitingin rin ata ng mga results.
Agad na nahagip ng mata ko si Enzo sa gilid kaya nilapitan ko ito.
"Enzo—"
"Ay Nikolai—"
Napataas ako ng kilay sa sinabe ni Enzo.
"Anong Nikolai?"
'boset naalala ko tuloy kung paano landiin nung Nikolai si Mathias'
"Ikaw pala insan titingin ka ng result?"
"Oo"
"Nasaan na pala si Andress?"
"Ewan ko"
"Ha? Magkasama lang kayo kanina?"
"Hmm"
'ayaw ko syang pagusapan Enzo pwede ba ibahin mo ang usapan!!'
Dumako ang tingin ko sa leaderboard ng quizbee at 2nd place pala si Enzo.
"ENZO 2ND KA!! ang galing mo!!"
Naalog ko ang balikat nito sa tuwa,
"Yeah—yeah. Ang galing ko talaga— top 1 naman si Klein my bebeloves!. Tsk! Sayang 1 nalang sana, pero crush ko naman ang champion ay ayos lang"
Napatingin ulit ako sa leaderboard at tama nga si Enzo champion si Klein sa Quizbee ngayon. Hinanap naman ng mata ko ang Debate results at agad na napatalon sa saya ng makita ang results,
'Champion ang grupo ni Mathias!, shuta!! Nanalo ang gaga!'
"Panalo rin si Andress sa debate nila—"
"Oo nga"
He give a questioning look before asking me. Nagtaka ata ito sa paraan ng pagsagot ko sa sinabe nya.
"Teka kumain kana ba?
Aangan naman akong napangiti sa tanonf nito.
"Hindi pa"
Sagot ko.
"Ha? Hindi ba kayo kumain kanina ni Andress"
"Hindi eih"
"Eih saan kayo pumunta?"
"Sa isolation field lang tumambay"
"Tara na nga kain tayo. Libre ko"
Nagningning agad ang mata ko sa sinabe ni Enzo. Mas masarap talaga pakinggan sa tenga ang pagkaing alam mong libre.
"Naks mas masarap yan kase libre"
Tinawanan ako ni Enzo at hilahila naman nya akong naglalakad papaalis ng Information Building.
--
Omorder si Enzo ng pagkain at isinalampak ko nalang ang ulo ko sa mesa, inaantok ako bigla.
"Hey Justine"
Isang sipa sa mesa ang agad na nagpawala ng antok ko.
'bwisit na bwisit na nga yung tao, dinagdagan pa ng kung sinong baliw'
"Ano?"
Agad na tanong ko at tumayo, naikina atras ng grupo ng kababaihang nasa harap ko ngayon.
"You stated that your not close with Andress—"
'Tang*na Andress na naman'
'Lalong kumulo ang dugo ko sa sinabe ng babae, what's the problem on it then? Kung magkasama kami bakit mama kaba nya? Ikaw ba nagpapakain saamin? Kung nagseselos kalang wala kang karapatang tanungin ako!'
Gusto ko sanang itanong ang mga yun sa kanya pero pinigilan ko ang sarili at sinubukang kumalma, pwede ba may dalaw ang tao wag nyo akong simulan.
This side of me really sucks, I'll become a man roaring tiger when I get my period and it sucks.
"O tapos?"
"—Ahh— pwede ba Justine layuan mo sya!!. Alam mo namang gusto ko sya, alam moba yung salitang girl code?!—"
Dahil sa sinabe ni Barbie ay lalo akong napikon,
'oo sila nanaman ang kasagutan ko ngayon'
May girl code, girl code kapang nalalaman hindi mo naman ginamit yung utak mo para alamin ang ugnayan mo sa lalaking gusto mo na layuan ko.
"Tapos?—"
"I don't like it when your together palagi ko nalang kayong nakikita namagkasama"
"Natural magkikita kami kase nasa iisang department kami, nasa iisang campus din kami—"
Pabalang kung sagot dito na ikina gulat nya, oo wala talagang preno ang bibig ko pag may dalaw ako.
"Hey! Diba my viral kapa nung isang araw ang tapang mo ata ngayon?"
Sabat ni Allie na ngayon ay nakapamewang sa harap ko. Tila nabuhusan naman ako ng tubig sa sinabe nito,
'Halos Nakalimutan kuna na nangyare pala yun, at sila ang mga kababaihang nagpahiya saakin doon'
Pero dapat hindi ako magpadaig sa hiya, lalaban at sasagot ako sa kanila. Dahil nagagalit ako ngayon, pinalalakas pa naman ng galit ko ang loob ko.
"Alangan namang hindi ako reglahin diba? Malamang may matres ang tao"
Sagot ko dito na ikina wala ng timpla ng pangaasar sa muka ni Allie.
"Nakakatawa ka doo—"
"At least hindi ako napahiya ng taong gusto mo, Ellie"
"Kanina kapa sa tabas ng dila mo ahh—Ikaw na bobita ka!! I hate you!!"
Dahil sa sinabe ko ay sinampal ako ni Ellie, na ikina atras ko.
'Naghahanap talaga sya ng away?'
Natawa ako habang iniisip ang kagagahan ni Ellie, she's too protective with someone that doesn't even belong to her.
"WHY are you laughing na sinampal na kita?!"
"Because it's funny, your so immature, your acting so protective with someone who doesn't even Belong to you. And might as well he doesn't even know you?"
Sabe ko rito at agad na umalis palayo sa kanila, nakakawalang gana ang araw nato, dumagdag pa talaga yung mga feeling na babaeng yun.
'kung gusto nya si Mathias bahala sya!'
'wag nya lang sana akong idamay sa mga kagaghan nya'
Matagal kona silang gustong pagsabihan sa mga maling ginagawa nila saakin, pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob.
Napahawak ako sa pisngi kung sinampal ni Ellie, mukang namula ata to. Ang lakas ba naman ng sampal nya saakin, but we're even now. Sinampal ko din sa kanya ang katotohanan,
This is my hidden attitude that only my 2 lolas know, I could act like a rascal sometimes when I hit my ultimatum. Pero doon lang naman sa mga taong may galit ako, at nagiging ganito lang ako pag may dalaw.
Lalabas nalang siguro ako, at maghahanap ng karindirya jan sa tabi-tabi para maikalma ko rin ang isipan.
Naiwan ko ang bag ko sa canteen mabuti nalang at dala ko ang wallet ko, naglakad ako patungo ng gate at lumabas doon. Marami naring naglalabasan na mga istudyante at mukang kakain rin sa labas.
Tinahak ko ang side walk pakanan at napagisipan na sa may karindirya nalang sa kanto, doon nalang ako kakain,
Ngunit hindi panga ako nakaka liko ay may biglang huminto na gray na van sa harap ko, sobrang bilis ng pangyayare at halos hindi ko na maalala kung pano ako biglang napasok sa loob, tinakpan ang mata ko ng blindfold at tinalian rin ang bibig ko. Binuhat ako ng isang tao at pinasok sa van, nag pumiglas pa ako pero tinalian agad ang kamay ko,
'Sh*t ang dami nila!!'
Naloko na sana pala hindi nalang ako lumabas,
'Si Enzo baka hinahanap na ako nun'
'Shuta ibebenta ba ako at kukunan ng kidney?'
'hindi pa kami nagkakaayos ni bakla eih—pano nato?'
[END OF EPISODE 18]
[THE WRITER AT THIS MOMENT WAS EXPERIENCING SEVERE UNCONTROLLABLE ANGER ISSUE. PLEASE BARE WITH ME 😫,lovelotss]