"Pumunta ako sa inyo ng araw na 'yon, tinawagan ako ng mama mo para ihabilin ka sa'kin. Ng araw na rin 'yon tinatanong niya sakin kung paano sasabihin sa'yo na aalis siya ng bansa. Pero pagpasok niya sa kwarto mo, nakita ka nalang namin na walang malay." Kwento ni tita bago hinawakan ang sugat ko.
"Wala akong anak, pero ramdam ko ang mama mo ng araw na 'yon. Wala siyang tigil sa pag-iyak, hawak niya lang ang kamay mo hanggang makarating tayo sa hospital. Hindi siya mapakali, sinisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari sa'yo, kahit anong alo ko sa kanya wala akong magawa kaya hinayaan ko nalang siya." pagpapaliwanag niya.
"Tita, bakit aalis si mama?" maayos naman ang trabaho niya.
Kasya ang kita niya para sa'min sa bahay. Kahit hindi sunod ang lahat ng luho ko ay naibibigay niya ng paunti-unti, kaya bat pa siya aalis?
"Hindi ba sinabi ng mama mo sa'yo kanina?" umiling ako.
"Nalaman niya na malaki ang utang ng papa mo, at lahat yun ay nakapangalan sakanya. Ang sabi niya ay hindi niya kayang bayaran 'yon kung ayun lang ang trabaho niya, kaya naisip niya na tanggapin ang offer sa trabaho nila. Medyo kinakapos na rin daw ang sahod niya, dahil parami na ng parami ang bayaran niyo sa school."
Bumuntong hininga nalang ako. Ganon pala ang pinagdadaanan ni mama kaya nitong nakaraang mga araw madalas na mainit ang ulo niya sa lahat ng bagay.
Akala ko ako lang 'yong may problema, si mama din pala. Malaki rin pala ang problema niya pero mas dinagdagan ko pa 'yon.
Tahimik lang akong umiiyak. Hindi na ako pinakialaman ni tita o pinatahan. Nasa tabi ko lang siya habang pinapanuod ako sa pag-iyak.
Isa sa pinakaayaw ko ang pag-iyak sa harap ng tao, pero ngayon nawala 'yon. Gusto ko maging mahina ngayon, gusto ko iiyak ang mga luhang ayaw lumabas sakin nakaraan, at ayaw ko muna maging malakas.
Umiyak lang ako ng umiyak, hanggang makatulog ako sa pagsisi sa ginawa ko.
ISANG MALAKAS na bagay ang bumagsak sa loob ng kwarto. Agad akong napatayo at kinuha ang kumot na tumatabing sakin.
"Wag mo 'ko sasaktan papa!" tanging sigaw ko.
"Kumalma ka, Monica. Wala ang papa mo rito." Pag-aalo agad sa'kin ni tita.
Mabilis akong kumapit sa braso ni tita. Nag-umpisang maglandasan ulit ang luha ko, tinignan ko ang buong paligid. Nakatingin sila sa'kin lahat pati ang doctor na kausap ni Tita ay nakamasid sa'kin.
"Pasensya na po, Doc" paumanhin ng nurse na may hawak ng kung anong bagay. 'yon ata ang nahulog kanina na akala ko ay nabasag.
"Kumalma ka, ija. Hindi namin hahayaan na masaktan sa lugar na 'to." paliwanag ng doctor.
Seryoso siyang nakatingin sakin. Nag-iwas ako ng tingin at hinigpitan ang paghawak kay Tita.
"And you, be careful!" sabay baling niya sa nurse.
Huminga ako ng malaim, pilit na pinapakalma ang sarili ko.
'Wala dito si papa, wag ka matakot Monica.'
Pagkukumbinsi ko sa sarili ko. Ilang minute din akong nagpakalma at doon napansin ko ang lahat ay nakatingin sa'kin.
"Bakit po?"
"Ija, may itatanong ako sa'yo. At gusto ko lahat ng 'yon ay sasagutin mo. Okay?" tumango ako kay Doc.
Maganda siyang nakangiti sa'kin para siyang walang problema, hindi gaya ko. Punong-puno ng problema.
"Wag kang kabahan, hindi naman 'to mahirap." Tumatawa niyang sabi.
Nahalata niya ata na medyo kinakabahan ako sa itatanong niya. Bumuntong hininga nalang ako, bago tumango at ngumiti rin sa kanya. Humawak ako sa braso ni Tita ng mahigpit, para doon ilagay ang kaba na nararamdaman ko.
Ito ang unang beses na mahospital ako, hindi ko alam kung ano ba ang dapat gawin o ano.
"Do you feel hopeless? Parang worthless, self-hate or inappropriate guilt?
"Opo, madalas. Nitong mga nakaraang araw po," diretso kong sagot.
Nag-umpisa 'yon nang mag-away kami ng mga kaibigan ko. Pakiramdam ko ako ang may kasalanan ng lahat ng bagay, kung bakit kami nag-away, at kung bakit kami nagkawatak-watak. Lahat 'yon sinisisi ko sa sarili ko.
"Lost interest?" tumango ako ulit.
"Minsan lang po, pero this past few days lagi po." Pag-amin ko. Tumango naman ang doctor at sinulat 'yon sa hawak niya.
"Do you have sleep problems and increased fatigue?"
"Paano pong increased fatigue?" tanong ko. Madalas akong magkaroon ng sleep problem, dahil sa quizzes or test. Kaya minsan hindi talaga ako makatulog ng maayos.
"Kakulangan ng energy, 'yong madalas mo na ginagawa ay tinatamad ka na, or pagod ka lagi" paliwanag ni Doc.
Tumango ako ulit. "Sa sleep problem po madalas, dahil po sa school works. At ang increase fatigue, napapadalas po ng mga nakaraan." Pag-amin ko.
"How about uncontrollable emotions?"
"Yes po. Ito po ang madalas na napapansin ko sa sarili ko, I cant stop myself mas lalo na paggalit po ako." Katulad ng pagsagot ko kela bea.
Hindi ko macontrol ang galit na nararamdaman ko ng araw na 'yon para sa kanila. Kaya nagawa ko silang ipahiya at sagot-sagutin sa harap ng maraming tao.
Hindi ko ugali 'yon, mas gusto ko ayusin ang mga problema sa maayos na paraan kesa sa sigawan at pahiyaan. Pero ng araw na 'yon hindi ko maipaliwanag.
Para akong walang laman, sobrang bigat ng dibdib ko pero para lang hangin. Pumapasok dahil kailangan, uuwi dahil uwian na ganon ang nararamdaman ko.
"So, ayun tapos na!" masiglang sabi ng doctor bago ngumiti sa'kin.
Ngumiti rin ako ng pilit sa kanya. Ang sakit ng mata ko kakaiyak, halos ayaw na dumilat ng mata ko sa pagiging maga.
"Wag ka na masyadong umiyak, okay?" paalala niya. Tumango ako at nagpaalam na siyang aalis sa kwarto ko.
"Nararamdam mo lahat 'yon, Monica?" tanong ni Tita bago ako inayos sa pag-upo.
"Opo tita. Lately po." Hindi ko alam kung anong meron don, pero sa reaksyon ni Tita mukhang hindi maganda ang lagay ko ngayon.
Mamatay na ba ako?
Mas ayos ata 'yon kesa mabuhay at paulit-ulit nila akong saktan.
"Ganon ba? Gusto mo bang kumain? Ilang araw ka ng tulog, tumawag sakin ang mama mo kanina. Inayos niya na ang pag-absent mo sa school at bibigyan ka nalang daw ng task." Tumango ako.
Sa lahat ng tanong sa'kin ng doctor isa lang ang naisip ko, ang ginawa sa'kin ng mga tinuring kong kaibigan.
Napangiti ako ng mapakla. Balang araw ay malalaman din nila ang ganitong pakiramdam.
"Kailan po ako lalabas?" kung matagal na ako dito ibig sabihin malaki na rin ang bill ko dito.
Problemado si mama sa pera, siguradong problemado din siya ngayon dahil sa ginawa ko.
"Baka next day pwede na" sabi ni tita bago ako inabutan ng apple, "Tandaan mo 'to, Monica."
Tumungin ako kay tita, seryoso siyang nakatingin sakin na may awa ang mata at pag-aalala.
"Ano po 'yon?"
"Hindi ang pagkitil sa sariling buhay ang solusyon sa lahat ng problema."